Archives: Blog

Romblon National High School’s Job Immersion in ROMELCO

November 15, 2017

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ay malugod na tinanggap ang mga Senior High School students magmula sa Romblon National High School (RNHS) para sa kanilang “Job Immersion” noong November 13, 2017

 

23517552_1912808565704054_2294802318819589382_n

 

Ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ay malugod na tinanggap ang mga Senior High School students magmula sa Romblon National High School (RNHS) para sa kanilang “Job Immersion” Pinangunahan ni Miss Mary Ann Tumanon ang pag tour sa kanila sa unang araw ng kanilang pagtira sa ROMELCO noong November 13, 2017 at sinundan naman ng oryentasyon kung paanu ang operasyon ng ROMELCO. Ang mga estudyante ay bubuo ng walumpong oras (80hrs) na immersion sa ROMELCO o katumbas sa sampung araw. Sa ngayon, ang mga estudyante ay hinati at itinalaga na sa bawat division at magkakaroon din ng rotation ng kanilang mga asignatura sa bawat division na kanilan kinabibilangan.

 

23561836_1912808782370699_6725410700218869825_n 23519209_1912808905704020_2772561747602163534_n 23434977_1912809025704008_5652001279313285044_n 23473088_1912809142370663_4702978375475825996_n 23517441_1912809255703985_4806268465977741110_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

ROMELCO conducted a meeting for Romblon Electricians

November 14, 2017

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Muling ipinatawag ng ROMELCO ang mga Barangay Electrician nito sa munisipyo ng Romblon partikular ang mga humawak ng NIHE Program ng DOE noong biernes November 10, 2017

 

23472430_1912185769099667_6843890093663925627_n

 

Muling pinatawag ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang mga Barangay Electrician nito sa munisipyo ng Romblon partikular ang mga humawak ng Nationwide Intensifiction on Household Electrification (NIHE) Program ng Department of Energy (DOE) o libreng instulasyon ng kuryente sa mga walang kakayahang magpakabit ng serbisyo ng kuryente na nakatira sa mga main roads at kabayanan. Ang meeting ay isinagawa sa mismong ROMELCO Headquarters, Brgy. Capaclan Romblon noong biernes November 10, 2017 na pinangunahan naman ng Technical Department at Institutional Services Department ng koop ang pagbibigay ng mga panibagong panuntunan para sa mga darating pang pondo sa ibang barangay at munisipyo. Binigyang diin din sa meeting ang mga teknikal na aspeto ng koneksiyon gayundin ang institusyunal na parte gaya ng mga tamang pangalan ng umaaplay.

 

23519395_1912185565766354_1160920209287079765_n 23471974_1912185675766343_1891609662084061255_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

Nationwide RED CROSS Million Volunteer Run 4

October 21, 2017

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Aktibong nakilahok ang Romblon Electric Cooperive Inc (ROMELCO) sa nationwide RED CROSS Million Volunteer Run 4 na ginanap ngayong araw October 21, 2017 sa munisipyo ng Romblon.

 

22540105_1901353840182860_5407492789011284532_n

 

Aktibong nakilahok ang Romblon Electric Cooperive Inc (ROMELCO) sa nationwide RED CROSS Million Volunteer Run 4 na ginanap ngayong araw October 21, 2017 sa munisipyo ng Romblon. Ito ay isinagawa sa halos lahat ng bahagi ng bansa at nilahukan ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno, mga pribadong kompanya gayundin ng mga estudyante at guro. Matapos ang “Fun Run” ito ay sinundan naman ng “sumba” na pinangunahan naman ng mga kawani ng munisipyo Romblon. Ang Romelco ay buong pwersang nakikibahagi at sumusuporta sa mga ganitong akitibidades ng ating pamayanan para sa maayos, tahimik at malusog na pamumuhay.

 

22687681_1901353926849518_7159946563758593117_n 22540113_1901354023516175_907997770251311926_n 22549593_1901354086849502_1180920255040229573_n 22528495_1901354283516149_7007010372256004527_n22552427_1901354220182822_1797407783661473185_n22540087_1901354173516160_4015201849023041776_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

ROMELCO ADVISORY: Power Interruption

October 21, 2017

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Nagsasagawa ng line maintenance ang mga kawani ng ROMELCO ngayong araw Oct 21, 2017 mula alas otso hanggang alas dyes (8am-10am) ng umaga. 

 

22552579_1901347610183483_8510323753448819829_n

 

ROMELCO ADVISORY

#Power Interruption

 

Muli naming ipinapaalam sa aming mga member-consumers partikular sa bahagi ng JP Rizal St Poblacion 4 at Poblacion 3 bandang munisipyo hanggang Romblon National High School Campus, Romblon, Romblon na mayroon tayong power interruption sa inyong lugar ngayong araw Oct 21, 2017 mula alas otso hanggang alas dyes (8am-10am) ng umaga dahil nagsasagawa po ng line maintenance ang mga kawani ng ROMELCO sa inyong lugar.

 

Para po sa inyong kaalaman.

 

Maraming Salamat po.

 

22555174_1901347736850137_1907046211337596853_n22552579_1901347610183483_8510323753448819829_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

Senate Bill No. 1461 Approved

October 19, 2017

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Aprobado na sa pangatlo at “final reading” ang Senate Bill No. 1461 o Ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund Act of 2017 noong September 25, 2017 sa Senado.

 

22519372_1900104526974458_3143634145332011520_n

 

Aprobado na sa pangatlo at “final reading” ang Senate Bill No. 1461 o Ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund Act of 2017 noong September 25, 2017 sa Senado. Ang may akda ng naturang Senate Bill ay walang iba kundi si Representative Carlos Roman L. Uybarreta ng 1CARE Partylist kung saan paglalaanan ng P750,000,000.00 pondo para lamang sa restorasyon ng mga napinsalang imprastraktura ng lahat ng koop ng kuryente na sanhi ng ibat ibang uri ng kalamidad.

 

Ang nasabing panukala ay naisulong din sa pamamagitan ng mga resolusyon at suportang ibinigay ng mga Barangay na naniwala sa kagandahang maitutulong nito sa ating koop ng kuryente. Kabilang ang mga barangay na bumubuo sa nasasakupan ng Romblon Electric Cooperative (Romelco) at nais nating pasalamatan at bigyang pugay ang inyong buong suporta sa ating koop ng kuryente.

 

22539913_1900104373641140_2478724420606382809_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

ROMELCO conducted another Informational Meeting

October 19, 2017

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Muling nagsagawa ng informational meeting ang mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa tatlong munisipyo ng isla ng Sibuyan noong Oktobre 9-12, 2017 para sa Sitio Electrification Program 2017

 

22450065_1899595430358701_3801225169522566086_n

 

Muling nagsagawa ng informational meeting ang mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa tatlong munisipyo ng isla ng Sibuyan noong Oktobre 9-12, 2017 para sa Sitio Electrification Program 2017. Sinimulan ang gawain sa munisipyo ng San Fernando at sinundan sa Magdiwang at Cajidiocan na nilahukan naman ng halos buong residente ng mga Sitiong makakatanggap ng palibreng instulasyon, materyales para sa pailaw, libreng bayad sa electrician at libreng proseso ng papeles sa pag aplay ng kuryente. Aktibo ding nakilahok sa mga meeting at nagbigay pa ng payo ang lahat ng Area Supervisor ng koop sa tatlong munisipyo ng Sibuyan lalong lalo na sa right of way clearing upang matamo ang katagumpayan ng programang para mga wala pang serbisyo ng kuryente.

 

22450016_1899599940358250_7664446837558182839_n 22489740_1899597443691833_631400636464596240_n 22449620_1899599147024996_3296079770970620553_n22489775_1899599230358321_4765014588073243052_n 22491503_1899596960358548_4568507367334956740_n 22491698_1899599403691637_585155394186033143_n 22491891_1899597273691850_5919095689384925419_n 22491946_1899597687025142_6278001399086682575_n 22519156_1899601047024806_5707547418232398658_n 22519184_1899599670358277_5566807767203624414_n 22519254_1899600183691559_1848909867458999662_n 22519261_1899601097024801_1325502565171766441_n 22519265_1899597990358445_6819369402801188685_n 22528197_1899600533691524_588243625682284587_n 22539961_1899599343691643_737612253713969499_n 22549522_1899599483691629_2365867037337463632_n 22549718_1899600960358148_3674427808433109141_n 22552481_1899601157024795_794287535180755139_n 22554871_1899599747024936_1752139738002170609_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

NEA conducted another Seminar Workshop

October 02, 2017

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Muling nagsagawa ng isang Seminar Workshop ang National Electrification Administration (NEA) para sa Electric Cooperative’s Vulnerability and Risk Assessment & Emergency Restoration Planning

 

22050354_1892697854381792_2367100750920486057_n

 

Muling nagsagawa ng isang Seminar Workshop ang National Electrification Administration (NEA) para sa Electric Cooperative’s Vulnerability and Risk Assessment & Emergency Restoration Planning kung saan naimbitahan ang mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) upang lumahok dito noong September 28-29, 2017 na ginawa sa HESA 2Flr NEA Bldg. Diliman Quezon City. Ang seminar ay dinisenyo para magkaroon ang lahat ng koop ng konkretong istruktura para sa mabilisan at organisadong solusyon para sa restorasyon kung sakaling abutin ito ng ibat ibang klaseng kalamidad. Ito ay nilahukan ng lahat ng koop sa ilalim ng pamamahala ng NEA. Naging prayuridad din ng seminar na bigyan ng pangunahing pansin ng koop ang mga kritikal na bagay na mahalaga sa kanilang operasyon upang ito ang isa sa mga magiging basehan nila para mas makakapag planu ng maayos ang lahat ng koop. Mahalaga ang mabilisang implementasyon ng nasabing seminar sapagkat hindi na biro ang mga klase ng kalamidad na dumarating sa mga koop ngayon at nangagailangan na ito ng higit na atensiyon lalong lalo na pag ang mga “major backbone” ng mga distribution lines ng electric cooperative ang masira.

 

22196020_1892698817715029_747376276962512566_n 22089005_1892699197714991_3789613011155529531_n 22089100_1892699311048313_3582043204952594929_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

BADAC Seminar Workshop

September 13, 2017

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Nagkaroon ng Anti Drugs Abuse Council o BADAC seminar workshop noong September 11, 2017

 

21761949_1884103685241209_6829497006605446422_n

 

 

Naimbitahan ang isa sa mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) upang maging representante ng koop para sa mga pribadong opisina upang maging isa sa mga miyembro ng Barangay 3 Poblacion Anti Drugs Abuse Council o BADAC kung saan nagkaroon ng seminar workshop noong September 11, 2017 sa ABC Hall Barangay 1 Romblon Romblon. Ang seminar workshop ay pinamunuan ng Department of Interior and Local Government Romblon na pinamagatang “Delineation of Roles of MASA MASID TEAMS, BARANGAY ANTI-DRUG ABUSE COUNCILS AND BARANGAY PEACE AND ORDER COMMITTEE IN THE MASA MASID Program or Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga. Ang naturang seminar ay isang magandang ehemplo sa koop bilang kabahagi ng gobyerno para sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programa nito para sa tahimik at maayos na komunidad ng koop.

 

21728150_1884103815241196_3316801465187505353_n 21743273_1884103918574519_5058674151235531634_n 21740302_1884104018574509_5698137239221293709_n 21752355_1884104101907834_1702876464709074774_n 21731096_1884104198574491_2414174251099306133_n 21731195_1884104328574478_8210914425412214892_n 21751464_1884104428574468_238423388340243369_n  

 

ANG TAGAPAMAHALA

Sitio Electrification program 2017

September 07, 2017

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Muling sinimulan ng Romblon Electric Cooperative, Inc (ROMELCO) ang programa nitong Sitio Electrification para sa taong 2017.

 

21272555_1881269555524622_4157339954405756665_n

 

Muling sinimulan ng Romblon Electric Cooperative, Inc (ROMELCO) ang programa nitong Sitio Electrification para sa taong 2017. Nauna ng binisita ng koop ang mga lugar sa munisipyo Romblon noong Agosto 30-31,2017 at kabilang sa mga ito ang Sitio Lumboy at Sitio Maligaya sa Barangay Lio, Sitio Bukid at Sitio Ilang Ilang sa Barangay Agbudia at Sitio Agpayao Tayod sa Barangay Calabogo.

 
Sa meeting isinagawa ang pre membership orientation ng mga magiging miyembro gayundin ang pagbuo ng Electric Consumer Association o ECA. Binanggit din sa meeting ang mga palibreng makakamit ng mga residente kabilang na dito ang mga materyales ng kuryente para sa loob ng tahanan, libreng bayad sa brgy electrician sa pag instula nito, metro at posteng paglalagyan nito at libreng pag proseso ng dokumento sa opisina ng koop.

 
Ang programa ng Sitio Electrification ay hindi lamang sa munisipyo ng Romblon nakalaan kabilang din makakatanggap ay ang mga sitio sa munisipyo ng Corcuera, Magdiwang, Cajidiocan, at San Fernando. Layunin pa rin ng programa na maipaabot sa kanayunan ang serbisyo ng kuryente sa libreng instulasyon nito para sa mga residenteng walang kakayahang magpakabit ng serbisyo ng kuryente sa kanilang mga tahanan.

 

21317472_1881269778857933_6376375710455247269_n 21314621_1881269858857925_6144230879816403617_n 21366941_1881270162191228_1222480182108771474_o

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

ROMELCO quarterly monitoring

September 02, 2017

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Binisita ng ROMELCO ang Bapa Agmalamig upang magsagawa ng quarterly monitoring

 

21106456_1878158685835709_8706232047490981444_n

 

Binisita ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang Bapa Agmalamig sa Barangay Bacagay Romblon noong Agosto 31, 2017 ng umaga upang magsagawa ng quarterly monitoring dito. Saklaw ng “monitoring” ang operasyon ng asosasyon base na din sa kanilang teknikal at pinansiyal na report sa koop. Layunin naman meeting na pag igtingin ang samahan ng koop at bapa gayundin naman upang mabigyan din ng daan ang mga miyembro nito na mapakinggan ang kanilang mga reklamo kung meron man. Pinanguhan naman ni Mr. Lito Villamor Bapa Chairman ang partitipon ng kanyang mga ka miyembro at ginawan naman ni Bapa Coordinator Alma Regala ng maayos na solusyon ang mga suliranin sa kanilang Bapa kasama na rin ang pagbibigay impormasyon sa mga bagong proyekto ng Romelco.

 

21192849_1878158809169030_4188230124225583864_n 21230819_1878158595835718_8532847627338049062_n 21151239_1878158775835700_3658546598395148999_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA