January 24, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Nagsagawa ang National Electrification Administration (NEA) ng ikaunang NEA-EC Communicators’ Summit noong January 18-19, 2018.

Sa kauna unahang pagkakataon, nagsagawa ang National Electrification Administration (NEA) ng NEA-EC Communicators’ Summit noong January 18-19, 2018 sa HESA Auditorium NEA Building Diliman Quezon City. Ito ay dinaluhan ng lahat ng electric cooperative sa buong Pilipinas kung saan binuo ang League of Electric Cooperative Information and cCommunication Officer o LEXICON. Naihalal din ang Information Officer ng Romelco ( Alma Regala) bilang Vice Chairman ng Southern Tagalog Mimaropa Region Lexicon. Layunin ng naturang summit na magkaroon ng agresibo at positibong pananaw ang mga tagapagbalita ng mga koop ng kuryente para sa kapakanan ng kanilang mga miyembro konsumedores.
ANG TAGAPAMAHALA
January 24, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang ROMELCO ay nakilahok sa taunang civic military parade na isinasagawa pagkatapos ng Biniray Festival noong January 14, 2018.

Ang Romblon Electric Cooperative, Inc (ROMELCO) ay nakilahok sa taunang civic military parade na isinasagawa pagkatapos ng Biniray Festival noong January 14, 2018. Ito ay nilahukan ng lahat ng ahensiya ng gobyerno gayundin ng mga pribadong kompanya sa munisipyo ng Romblon. Pinangunahan naman ni GM Rene Fajilagutan ang ROMELCO sa maulang pagparada nito sa bayan ng Romblon.
ANG TAGAPAMAHALA
November 30, 2017
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Muling isinalang ang mga kawani ng ROMELCO partikular ang mga humahawak ng Monthly Financial Statistical Report (MSFR) at Monthly Engineering Report (MER) sa seminar ng WEB Portal BI System and Accounting and Cost Allocation Manual (ACAM) noong November 20-22, 2017.

Muling isinalang ang mga kawani ng ROMELCO partikular ang mga humahawak ng Monthly Financial Statistical Report (MSFR) at Monthly Engineering Report (MER) sa seminar ng WEB Portal BI System and Accounting and Cost Allocation Manual (ACAM) noong November 20-22, 2017 sa 2nd Flr HESA NEA Bldg Diliman Quezon City. Ang seminar ay naglalayong mabigyan ang mga koop ng mas maayos na programa sa pagsusuri ng mga sitwasyon lalo na sa pakikipag ugnayan nito sa isat isa para makamit ang tunay ng mithiin ng rural electrification at kung paanu pa ito mapaunlad para sa kapakinabangan ng susunod pang henerasyon sa buong bansa. Pinangunahan ni Miss Betty C. Corong Finance Manager at Engr Dimar Sy Operations and Maintenance Head ang Romelco team sa nasabing seminar.
ANG TAGAPAMAHALA
November 30, 2017
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang mga kawani ng KOMAIHALTEC ay bumisita sa opisina ng ROMELCO kasama ang mga inhenyero mula naman sa TOYO Construction Company upang makipag ugnayan sa ROMELCO para sa pagsisimula ng konstruksiyon ng proyektong “Wind Turbine” sa mga Barangay ng Lonos at Agnay Romblon.

Ang mga kawani ng KOMAIHALTEC ay bumisita sa opisina ng ROMELCO kasama ang mga inhenyero mula naman sa TOYO Construction Company upang makipag ugnayan sa ROMELCO para sa pagsisimula ng konstruksiyon ng proyektong “Wind Turbine” sa mga Barangay ng Lonos at Agnay Romblon. Sa ngayon ay sinisimulan na ang site layout at road corner survery upang agarang masimulan na ang project at mabigyang katuparan na ang dating pinapangarap lang na wind turbine sa munisipyo ng Romblon. Ang proyekto ay bahagi pa rin ng Renewable Projects ng ROMELCO na patuloy na isinusulong sa coverage area ng koop.
ANG TAGAPAMAHALA
November 30, 2017
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Binisita ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang Barangay Power Association ng Agnipa Romblon noong November 28, 2017 para sa year end meeting nito na ginawa sa plaza ng barangay.

Binisita ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang Barangay Power Association ng Agnipa Romblon noong November 28, 2017 para sa year end meeting nito na ginawa sa plaza ng barangay. Muli binigyang pansin sa pagtitipon ang operasyon nito partikular ang rate ng Bapa. Isinama na din sa meeting ang mga taga Electric Consumer Association ng Sitio Lawaan dahil sa pinag isa na lamang sila sapagkat magkadikit lamang ito at mas mapapadali din ang pag monitor ng mga opisyales dito. Makikita sa larawan si Mrs Angeles Madrid na nagbibigay ng kanyang report sa pinansiyal na aspeto ng dalawang asosasyon.

ANG TAGAPAMAHALA
November 27, 2017
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Mabilis na inaksiyunan ng ROMELCO ang report na walang power o kuryente sa Sitio Maningning Brgy Mapula noong gabi ng Nov 24, 2017.

Mabilis na inaksiyunan ng ROMELCO ang report na walang power o kuryente sa Sitio Maningning Brgy Mapula noong gabi ng Nov 24, 2017 dahil sa malakas na hangin kung kaya’t isang puno din ng niyog ang natumba sa linya ng kuryente. Agarang pinadalhan ng clearing team ang lugar upang ito ay matanggal at ma restore ang power sa lugar.
ANG TAGAPAMAHALA
November 27, 2017
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Nagkaroon ng power interruption ng Nov 24, 2017 sa Brgy Cambajao munisipyo ng Cajidiocan Romblon at mga barangay nito dahil sa isang puno ng niyog na natumba dahil sa lakas ng hangin.

Nagkaroon ng power interruption ng Nov 24, 2017 sa Brgy Cambajao munisipyo ng Cajidiocan Romblon at mga barangay nito dahil sa isang puno ng niyog na natumba dahil sa lakas ng hangin. Ayon sa mga kawani ng Cajidiocan Romelco Office marami pa umano ang mga matataas na puno ng niyog na malapit sa linya ng ROMELCO sa mismong lugar at hindi pa nabibigyan ng permiso ng mga may ari na ipaputol kaya’t ang mga sitwasyong ito lalo na ang mga interruption ng serbisyo ng kuryente na ang dahilan ay mga pagtumba ng puno sa linya ay mararanasan pa kung sakaling hindi pumayag na i-clearing ang mga puno sa tabi ng linya lalo na pag masama ang panahon.

ANG TAGAPAMAHALA
November 24, 2017
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Muling binisita ng mga kawani ng Romblon Electric Cooperative, Inc (ROMELCO) ang mga Barangay Power Association o BAPA sa nasasakupan nito para sa end year meeting ng mga Bapa noong November 21, 2017.

Muling binisita ng mga kawani ng Romblon Electric Cooperative, Inc (ROMELCO) ang mga Barangay Power Association o BAPA sa nasasakupan nito para sa end year meeting ng mga Bapa. Naunang binisita ang Bapa Suong sa Brgy Ilauran Romblon noong November 21, 2017 upang magmonitor ng kanilang operasyon at magbigay na din ng report sa kanilang pinansiyal na aspeto. Ang meeting ay nagbigay din ng kasiyahan sa mga miyembro dahil sa namigay ng kanilang Prompt Payment Discount na ibinase naman sa patronage refund na paraan o kung sinu ang may pinakamalaking kunsumo ay siya ring tatanggap ng malaking refund. Ang pondo na kanilang inipon ng tatlong taon magmula 2014 hanggang 2016 ay nagsilbing inspirasyon sa lahat ng miyembro ng Bapa Suong na magbayad sila ng kanilang mga konsumo sa kuryente ng maaga upang ang kanilang asosasyon ay mabigyan ng kaukulang diskwento at maibabalik din sa kanila ng ayon sa kanilang konsumo sa kuryente.

ANG TAGAPAMAHALA
November 24, 2017
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Masigasig na lumahok ang Romblon Electric Cooperative, Inc (ROMELCO) sa katauhan ni Miss Mary Ann Tumanon HR Admin at Miss Marilou Mortos Bookkeeper Admin ng Cantingas Hydro Power Corporation (CHPC) sa isinagawang 2017 Employers’ Forum ng PAG-IBIG Fund sa Gaisano Capital Mall Brgy Tawiran Calapan City Oriental Mindoro noong November 17, 2017.

Masigasig na lumahok ang Romblon Electric Cooperative, Inc (ROMELCO) sa katauhan ni Miss Mary Ann Tumanon HR Admin at Miss Marilou Mortos Bookkeeper Admin ng Cantingas Hydro Power Corporation (CHPC) sa isinagawang 2017 Employers’ Forum ng PAG-IBIG Fund sa Gaisano Capital Mall Brgy Tawiran Calapan City Oriental Mindoro noong November 17, 2017. Ang forum ay isinagawa upang magbigay ang Pag Ibig Fund ng mga panibagong updates hinggil sa kanilang mga programa at hikayatin ang mga miyembro nito na magkaroon o kumuha ng “loyalty card” sa kanilang opisina. Nabigyan din ng tsantsa ang mga representatives ng bawat opisina na makapagtanung hinggil sa kontribyusyon ng mga miyembro at mabigyan linaw ang ilang bagay hinggil dito.
ANG TAGAPAMAHALA