Archives: Blog

1st stategic planning of LEXICON

March 16, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Isinagawa ang kauna unahang stategic planning ng League of Electric Cooperative Information and Communication Officers Nationwide (LEXICON) sa First Bukidnon Electric Cooperative Inc (FIBECO) sa Maramag Bukidnon noong March 7-11, 2018.

 

29216764_1980075782310665_966435033931841536_n

 

Isinagawa ang kauna unahang stategic planning ng League of Electric Cooperative Information and Communication Officers Nationwide (LEXICON) sa First Bukidnon Electric Cooperative Inc (FIBECO) sa Maramag Bukidnon noong March 7-11, 2018. Mismong si NEA Administrator Edgardo R. Masongsong ng National Electrification Administration (NEA) ang nanguna sa pagbibigay ng mga alituntunin at pangunahing gagawin ng mga opisyal ng asosasyon ng Information Officers ng mga electric cooperative upang makamit ang target nitong mapagtibay at mabigyan ng higit na atensiyon ang lahat ng mga member consumers ng koop. Ang mga Info Officers bilang mga kawani ng koop na siyang nagunguna sa larangan ng media ang siyang magiging taga hatid ng balita upang maisulong ang minimithi nito sa mga konsumedores na mapalakas ang kanilang sektor. Umani naman ng papuri ang mga koop na nagsilbing host coops sa naturang meeting na pinangungunahan ng FIBECO, BUSECO o Bukidnon Electric Cooperative Inc at MORESCO o Misamis Oriental Electric Cooperative Inc.

 

29250116_1980075978977312_5636277495117381632_n 29186450_1980076152310628_2581371461969117184_n 29186511_1980076578977252_7500242732636438528_n 29186566_1980077152310528_56992927527731200_n 29186772_1980077358977174_6292103535039348736_n 29187150_1980076492310594_501094680532877312_n 29196545_1980077542310489_709095187854393344_n 29196922_1980076192310624_4703213051405402112_n 29213919_1980076398977270_6795582051270524928_n 29214768_1980076255643951_7798770353009852416_n 29216046_1980076932310550_1223299074942304256_n 29216292_1980077442310499_2754784065080000512_n 29244055_1980077062310537_2530265255271989248_n 29216749_1980077628977147_4130361849747079168_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

Grand Opening of Member Consumers Center

March 09, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Ang pagbubukas ng Member Consumers Center ng First Bukidnon Electric Cooperative Inc (FIBECO) sa mismong tabi ng headquarters nito sa Maramag Bukidnon noong March 8, 2018.

 

28783128_1976006999384210_8149570104545239532_n

 

Pinangunahan ni Administrator Edgardo R. Masongsong ng National Electrification Administration (NEA) ang pagbubukas ng Member Consumers Center ng First Bukidnon Electric Cooperative Inc (FIBECO) sa mismong tabi ng headquarters nito sa Maramag Bukidnon noong March 8, 2018 kasama ang mismong general manager ng FIBECO Reynaldo Balaba, LEYECO General Manager Allan Laniba at mga national officials ng League of Electric Cooperative Information and Communication Officers Nationwide (LEXICON). Ang naturang building ay magsisilbing sentro ng Member Consumers Organization para sa malawakang pagsusulong ng mga programa ng NEA at koop para kapakanan ng mga member-consumers.

 

28871103_1976007132717530_1699775391140477840_n 28870624_1976007576050819_8853842288919810335_n 28870283_1976007262717517_5201884166269389994_n 28872066_1976007486050828_6858678930448082737_n 28958515_1976007659384144_4838908508258143639_n 28783030_1976007782717465_1213804172256880465_n 28795433_1976007192717524_9186283326760206806_n 28685365_1976007402717503_9094866949763329438_n 28795852_1976007312717512_4499224492197481286_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

Regular Session Invitation

February 22, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Inimbitahan ng Liga ng mga Barangay ng munisipyo ng Romblon ang Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) bilang isa sa tagapagsalita sa kanilang regular session noong February 21, 2018 sa ABC Hall Barangay Bagacay Romblon.

 

28168291_1966144860370424_198848372662022143_n

 

 

Inimbitahan ng Liga ng mga Barangay ng munisipyo ng Romblon ang Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) bilang isa sa tagapagsalita sa kanilang regular session noong February 21, 2018 sa ABC Hall Barangay Bagacay Romblon. Layunin ng imbitasyon na makapagbigay ang koop ng mga impormasyon hinggil sa mga programa nito na ipinapatupad sa mga barangay lalong lalo na sa palibreng pakuryente para sa mga wala pang serbisyo ng kuryente sa kanilang mga kabahayan na walang pinansiyal na kakayahang magpakabit nito. Binigyang diin sa pagpupulong ang mga bagong proyekto ng ROMELCO kabilang na ang Wind Turbine at Biomass Gasifier na kapwa mga Renewable Energy na malawakang isinusulong ng koop para sa pagpapaunlad pa ng serbisyo nito sa kanyang mga member-consumers. Ipinadala ng ROMELCO ang Information Officer nito na si Miss Alma Baron Regala upang maging tagapagsalita sa nasabing meeting.   

 

28166615_1966144917037085_8233832858679779560_n 28056217_1966145023703741_3487696000042377059_n 28279469_1966144973703746_4126901033929968045_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

Comprehensive Informational Dissemination

February 22, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Malawakang Informational Dissemination ang isinagawa ng ROMELCO sa mga Barangay at munisipyo ng Romblon kung saan itatayo ang proyektong “Wind Turbine” noong February 19-20, 2018.

 

27750701_1965558873762356_2332912564677555479_n

 

Malawakang Informational Dissemination ang isinagawa ng Romblon Electric Cooperative, Inc (ROMELCO) sa mga Barangay ng Agnay Lonos at Bagacay munisipyo ng Romblon kung saan itatayo ang proyektong “Wind Turbine”. Sinimulan ang meeting sa mga naturang barangay noong February 19-20, 2018 upang agarang maipaalam sa mga residente ang ginagawang proyekto sa kanilang barangay lalong lalo na ang positibong hatid nito sa mga member consumers ng Romelco sa kabuuan. Buong pwersa din ang suporta ng lahat ng mga miyembro ng Board of Directors ng Romelco sa proyekto at aktibo din sila sa pagsali sa mga informational meetings ng koop sa bawat barangay.

 

27858110_1965561343762109_6830600933756826103_n 27972462_1965560047095572_489783404461733696_n 27973268_1965561537095423_1701789760378778135_n 28055822_1965561763762067_7526321675023953938_n 28056588_1965561297095447_6734778264557798797_n 28058490_1965561490428761_1645695940630036721_n 28059055_1965561673762076_4035686074581981549_n 28166566_1965561603762083_7007414318569891979_n 28278997_1965561373762106_1103364459411401280_n 28279898_1965561570428753_4592880360828130256_n

    

 

ANG TAGAPAMAHALA

Informational Meeting

February 17, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Magkakaroon po ng Informational Meeting sa mga lugar na nasasakupan ng proyektong Wind Turbine simula Feb 19 – 20.

 

27973256_1963743213943922_5629296282274199959_n

 

Nais pong ipaalam ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) na magkakaroon po ng Informational Meeting sa mga lugar na nasasakupan ng proyektong Wind Turbine. Layunin ng meeting na maipaalam sa mga member consumers ng mga barangay ang operayon ng pagtatayo ng project at ang mabuting maihahatid nito sa serbisyo ng kuryente sa munisipyo ng Romblon.

 

Schedule of Meetings

 

Barangay Agnay
Feb 19, 2018. 2PM
Venue: Barangay Hall Bagacay

 

Barangay Lonos
Feb 20, 2018. 9AM
Venue: Jose Macabata House Sitio Lusod, Lonos

 

Barangay Agnay
Feb 20, 2018. 2PM
Venue: Barangay Hall Agnay

    

 

ANG TAGAPAMAHALA

Biomass Gasifier Project

February 13, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Puspusan ang ginagawang paghahakot ng ROMELCO sa mga materyales para sa Biomass Gasifier Project at sa kasalukuyan ang pagdeliber na ng malalaking gasifier at makina ang nauna ng ginawa noong Sabado February 10, 2018. 

 

27858182_1960495624268681_4908723347769257114_n

 

Puspusan din ang ginagawang paghahakot ng Romblon Electric Cooperative, Inc (ROMELCO) sa mga materyales para naman sa Biomass Gasifier Project na itatayo sa Sitio Bagong Silang Barangay Alad Romblon, Romblon na sinimulan ang pagtatayo ng planta sa kanilang lugar ng nakaraang taon. Sa kasalukuyan ang pagdeliber na ng malalaking gasifier at makina ang nauna ng ginawa noong Sabado February 10, 2018 at dinala sa Barangay Alad upang masimulan na din ang instulasyon nito at makapagbigay na din ng serbisyo ng kuryente sa humigit kumulang limampung pamamahay sa mismong sitio na wala pang serbisyo ng kuryente sa kanilang mga bahay.

 

27858157_1960496354268608_6085988735166051692_n 27657110_1960498920935018_2867788252626779641_n 27657576_1960495937601983_1317622206484692070_n 27752050_1960512197600357_4604658857202900644_n 27858922_1960494500935460_4758779543570441525_n 28056171_1960497254268518_8706249250462905060_n 27973625_1960494160935494_6820268709917118211_n 27750194_1960497204268523_7409926453373599552_n 27750035_1960497340935176_2249416981625505971_n 27972467_1960497514268492_6727894401151410550_n 27971655_1960497864268457_5086482319469083203_n 27751937_1960498057601771_8568203131504275190_n 27867048_1960496987601878_6599354141556766722_n 27658068_1960497157601861_5816038485081728075_n

    

 

ANG TAGAPAMAHALA

Wind Turbine Project

February 12, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Nagsimula ng magsidatingan ang mga equipment na gagamitin sa proyektong “Wind Turbine” noong January 21, 2018 sa Romblon, Romblon.

 

27857773_1960476944270549_8348520410757501767_n

 

Nagsimula ng magsidatingan ang mga equipment na gagamitin sa proyektong “Wind Turbine” noong January 21, 2018 sa Romblon, Romblon. Ang nasabing project kung saan itatayo sa mga Barangay ng Agnay, Bagacay at Lonos sa munisipyo ng Romblon ay sinisikap ng Romblon Electric Cooperative, Inc (ROMELCO) na mapabilis ang pagsasagawa upang makatulong na mas mapaganda pa ang serbisyo ng kuryente sa nasasakupan nito.

 

27867366_1960473620937548_3241932974535727681_n 27858185_1960471434271100_400232258850253661_n 28059264_1960471877604389_6548890137362707143_n 27973126_1960472627604314_2363432174458917172_n 27657541_1960473184270925_8021563958691335512_n 27657250_1960473247604252_2042422230849044238_n 27867682_1960473287604248_9139900011087215703_n 27657587_1960473490937561_7851011315920327370_n 27973566_1960473594270884_8165676981330135838_n

    

 

ANG TAGAPAMAHALA

BISELCO visits ROMELCO

January 30, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Bumisita ang Busuanga Island Electric Cooperative Inc (BISELCO) ng Palawan sa Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) noong January 26-27, 2018 upang magsagawa ng site visit sa mga Renewable Energy na proyekto ng ROMELCO dito sa probinsya ng Romblon.

 

27336680_1952546148396962_8869143213087995180_n

 

Bumisita ang Busuanga Island Electric Cooperative Inc (BISELCO) ng Palawan sa Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) noong January 26-27, 2018 upang magsagawa ng site visit sa mga Renewable Energy na proyekto ng ROMELCO dito sa probinsya ng Romblon. Naunang pinuntahan ng grupo ang Solar Hybrid Project sa Barangay Cobrador, Romblon at sinunod ang Cantingas Hydro Power Plant sa Barangay Taclobo, San Fernando Romblon. Ang grupo ng BISELCO na pinangunahan ni GM Ruth Galang kasama ang mga Board Directors nito ay naglalayong magsagawa din ng mga Renewable Energy sa kanilang coverage area sa hinaharap kung kaya’t pinilit nilang mabisita ang Romelco na isa sa mga koop ng kuryente sa ilalim ng National Electrification Administration (NEA) na mayroon ng mga renewable projects sa kanyang nasasakupan.

 

26994185_1952546211730289_1256192497832569248_n 26993491_1952546308396946_6182533074644866150_n27067123_1952546265063617_2331169388122185418_n 27332201_1952546348396942_4701747185701441423_n 27072960_1952546405063603_7043097192349662836_n 25593951_1952546448396932_2532374304808929743_n 27067629_1952546598396917_3979751688716644392_n 27332614_1952546515063592_6708346298024846100_n

 

    

ANG TAGAPAMAHALA

 

Planned POWER OUTAGE

January 25, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Magkakaroon po ng mga power interruption sa mga sumusunod na lugar dahil magsasagawa po ng line maintenance ang mga kawani ng ROMELCO sa ating mga linya etong darating na Sabado January 27, 2018. 

 

26991868_1949618105356433_1712029804800380935_n

 

Para sa lahat ng Member-Consumers ng ROMELCO sa munisipyo ng Romblon, magkakaroon po ng mga power interruption sa mga sumusunod na lugar dahil magsasagawa po ng line maintenance ang mga kawani ng ROMELCO sa ating mga linya.

 

Ang schedule po ng ating mga brownouts ay ang sumusunod;

 

Sabado January 27, 2018
8 am to 9 am (first session)
4 pm to 5 pm (second session)
Mula sa MBRS Ticketing Office
sa Brgy 1 to Brgy. Apanabat
Romblon

 

8 am to 5 pm (last session)
Mula JNBER Gas Station sa Brgy 2
hanggang MBRS Ticketing Office
Brgy 1 Romblon

 

Ito po ay para sa inyong kaalaman. Maraming Salamat po.

                             

    

ANG TAGAPAMAHALA