Archives: Blog

PAGLILINAW SA LAHAT

May 22, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Ang Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) ay nais magbigay ng linaw sa isyu hinggil sa tubig na nanggagaling sa taas ng Merida’s Compound Barangay Bagacay Romblon. 

 

34418502_2027704184214491_3285195646914527232_n

 

PAGLILINAW SA LAHAT

 
Ang Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) ay nais magbigay ng linaw sa isyu hinggil sa tubig na nanggagaling sa taas ng Merida’s Compound Barangay Bagacay Romblon na ito umano ay dumumi dahil sa konstruksiyon ng proyektong wind turbine.

 

Ang reklamo ay nakarating sa pamunuan ng ROMELCO kung kaya’t ito ay agarang inaksiyunan ng koop sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inspeksiyon sa mismong site, koordinasyon sa “contractor” lalong lalo na sa kanilang tubig na ginagamit sa pagsasagawa ng proyekto at pagbisita na rin sa mismong pinagmumulan ng tubig o “reservoir” na inirereklamo.

 

Ayon sa mga engineers ang site no. 3 ng wind turbine ay tumatakbo ng tatlo hanggang apat na kilometro (3-4 kms) ang layo mula Meridas Compound at sa ngayon o ang mga nakalipas na linggo ay hindi sila gumagamit ng tubig maliban na lamang sa paghugas ng pinggan o pang gamit lamang sa pagluto ng mga nagtratrabaho sa taas.

 

Wala ring derektang daanan na makakapagsabi na ang tubig na mula pa sa wind turbines ay pumupunta pa sa imbakan ng “toyo-toyo reservoir”.

 

Lalong walang mga kemikal o dumi ang ginagamit na tubig sa wind turbines dahil hindi naman kailangan o ginagamitan ng mga ito ang proyekto.

 

Binisita din nila ang mismong pinagmumulan ng tubig kasama ang ilang residente ng lugar at tumambad sa kanila ang maduming (malubog) tubig mula sa labas na pumapasok sa water reservoir ng hindi naman nasasala dahil wala namang “filter” kundi screen lang ang nakatakip sa mga openings nito.

 

Ayon din sa kanila dapat na malinis ang paligid ng imbakan ng tubig at magkaroon ng maintenance ang lugar sapagkat sa tuwing malakas ang ulan ay pumapasok ang maputik na tubig mula sa bundok sa mismong reservoir ng hindi nasasala.

 

Sana po ay mabigyan ng atensiyon ng mga namamahala ang suliraning ito dahil importanteng malinis ang tubig na inumin ng mga resisente ng ating munisipyo.

 

Ang ROMELCO naman po ay buong pusong makikipagtulungan at hindi tatalikud sakaling may responsibilidad na kailangang tuparin para mabigyan ng solusyon ang problemang ito.

 

34366420_2027704100881166_3032263682823290880_n 34211576_2027704024214507_8584138580878688256_n 34308752_2027704147547828_6547344563743227904_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

Massive Informational Meeting

May 22, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Patuloy sa pagsasagawa ng massive informational meeting ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa mga lugar na nasasakupan nito lalong lalo na sa mga Sitio na wala pang kuryente. 

 

33073610_2018788998439343_131957067668783104_n

 

Patuloy sa pagsasagawa ng massive informational meeting ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa mga lugar na nasasakupan nito lalong lalo na sa mga Sitio na wala pang kuryente. Kamakailan lamang ng May 15-18, 2018 ay binisita ng mga kawani ng koop ang ilang barangay sa munisipyo ng Corcuera Romblon upang bigyan ng palibreng pakuryente para sa programang Sitio Electrification ang mga residente ng ilang sitio sa halos walong barangay sa Simara. Binanggit sa meeting ang mga libreng matatanggap ng mga kwalipikadong aplikante at nagsagawa na din ng Pre Membership Orientation Seminar doon upang hindi na mahirapan pa ang mga aplikante na umuwi pa sa bayan at doon mag seminar. Ang programa para sa mga Sitio ay patuloy na isinasagawa higit lalo na sa mga lugar na wala pang linya ng kuryente.

 

33060344_2018789068439336_2966433765594759168_n 32966768_2018789118439331_7351210988122669056_n 32950810_2018789178439325_7331866292212727808_n 32947056_2018789231772653_8131222923621957632_n 32912038_2018789151772661_7219502676369735680_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

Election Reminder

May 14, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Reminder para sa Eleksiyon etong 2018 ng Mayo.

 

32169752_2013415665643343_8593425111921459200_n

 

Sa amon mga pinalangga nga Miyembro-Konsumedores ng Romblon Electric Cooperative Inc aton tandaan na ang aton Romelco hay ma serbisyo sa indo ning hugot hugot sa tagipusuon para sa indo tanan, gani aton man irespeto ang mga poste ng kuryente nga maga bulig para deretso ang aton serbisyo ng kuryente sa paabuton nga eleksiyon. Madamu gid na Salamat!

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

Ceremonial Ground Breaking of Wind Turbine Project

April 25, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Isinasagawa noong April 22, 2018 Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang Ceremonial Ground Breaking ng 900 Kilowatt Wind Turbine Project sa mismong site no. 3 ng planta kung saan naging panauhing pandangal ang mahal na Administrator Edgardo Masongsong ng National Electrification Administration (NEA)

 

31131095_2002015746783335_2418888146172248064_n

 

Isinasagawa noong April 22, 2018 Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang Ceremonial Ground Breaking ng 900 Kilowatt Wind Turbine Project sa mismong site no. 3 ng planta kung saan naging panauhing pandangal ang mahal na Administrator Edgardo Masongsong ng National Electrification Administration (NEA). Ang proyektong ito ay parte ng pagsulong ng ROMELCO sa mga proyektong renewable energy sa kanyang nasasakupan kung saan target ng koop na maging 90% na renewable energy na ang magbibigay serbisyo ng kuryente sa lugar sa taong 2020. Padayon ROMELCO!!

 

31172319_2002016026783307_5451723502027538432_n 31167086_2002017310116512_7613133517060308992_n 31138906_2002016570116586_5881977052109733888_n 31138117_2002016266783283_6946922469554913280_n 31129418_2002016690116574_3362664989939728384_n 31123177_2002017390116504_2923995210922852352_n 31073321_2002017346783175_4010127805118414848_n 31124423_2002017050116538_5971702273292632064_n 31120787_2002015530116690_79820919224139776_n 31120754_2002016756783234_8502775394733129728_n 31117772_2002015623450014_7088216035915988992_n 31100362_2002016830116560_8658086140915482624_n 31093527_2002017203449856_7182211399483916288_n 31073097_2002017260116517_8598783822357594112_n 31092022_2002016613449915_7239131484366307328_n 31073075_2002015783449998_3157567639992139776_n 31059569_2002016643449912_6931488367137783808_n 31052129_2002015866783323_4256629477318066176_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

26th Annual General Membership Assembly

April 25, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Nagpapasalamat po kami sa mga dumalo sa ika 26th Annual General Membership Assembly ng ROMELCO sa Magdiwang Municipal Auditorium, Magdiwang Romblon noong Sabado April 21, 2018. 

 

30724260_2000257056959204_1066897407066767360_n

 

Para po sa lahat ng Member-Consumers ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO), nagpapasalamat po kami sa mga dumalo sa ika 26th Annual General Membership Assembly ng ROMELCO sa Magdiwang Municipal Auditorium, Magdiwang Romblon noong Sabado April 21, 2018. Magkita-kita po ulit tayo sa susunod na Annual General Membership Assembly!!

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

24 Hours Electricity in Corcuera

April 18, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Ang serbisyo ng kuryente sa munisipyo ng Corcuera, Romblon ay bente-kuwatro oras (24-hrs) na pong magbibigay ng serbisyo sa lugar.

 

30738104_1999943153657261_8503261082519863296_n

 

Nais ipaalam ng pamunuan ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) na simula sa araw na ito Abril 18, 2018 ang serbisyo ng kuryente sa munisipyo ng Corcuera, Romblon ay bente-kuwatro oras (24-hrs) na pong magbibigay ng serbisyo sa lugar. Ito po ay dahil na rin sa masusing pagtutok ng ROMELCO na mabigyang daan ang matagal na ring minimithi ng mga residente ng Corcuera na 24hrs na serbisyo ng kuryente kasama din ang pamunuan ng National Power Corporation na hawak kamay na nagseserbisyo kasama ng ROMELCO. Congratulations at Mabuhay sa mga taga Corcuera! Uswag Simara!!

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

The Development of Member Consumers Organizations

April 13, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Isinagawa na ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang pagbuo ng Member Consumers Organizations (MCO) sa tatlong munisipyo sa isla ng Sibuyan noong Abril 10-12, 2018 na sinimulan sa munisipyo ng Magdiwang.

 

30624715_1996490224002554_7176976027623620608_n

 

Isinagawa na ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang pagbuo ng Member Consumers Organizations (MCO) sa tatlong munisipyo sa isla ng Sibuyan noong Abril 10-12, 2018 na sinimulan sa munisipyo ng Magdiwang. Ang MCO ng bawat barangay kung saan nagmula pa sa mga Sitio ang mga opisyales ay magsisilbing “informational channels” ng koop na pinangalanang BECA o Barangay Electric Consumers Associations na siya ring magpaparating ng kanilang mga hinaing sa koop at makakaagapay nito sa implementasyon ng mga programa tungkol sa elektripikasyon sa kanilang mga lugar. Layunin ng pag organisa ng MCO na mapalakas ang hanay ng mga member consumers upang mas marinig ang kanilang boses para sa pagtulong sa ikakaunlad pa ng mga proyekto ng koop ng kuryente at mabigyan sila ng kaukulang impormasyons hinggil dito. Nakatakda namang gawin ang kanilang panunumpa sa nalalapit na 26th Annual General Membership Assembly sa Municipal Auditorium ng Magdiwang sa April 21, 2018 kung saan si NEA Administrator Edgardo R. Masongsong ang mismong mangunguna sa kanilang panunumpa.

 

30594950_1996490297335880_1009711708521889792_n 30624072_1996490114002565_2745366327081304064_n 30624471_1996490400669203_7659209281966702592_n 30629143_1996489550669288_5745376248620646400_n 30652317_1996489987335911_7935139936934559744_n 30652714_1996490517335858_1695863709362028544_n 30652833_1996489900669253_6928780862704058368_n 30656512_1996490774002499_4834676807720501248_n 30698335_1996490667335843_8026099699222052864_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

Problem Solving Meeting

April 04, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Nagpamiting ng punong tagapamahala Engr Rene M. Fajilagutan ang grupo ng mga barangay electrician sa munisipyo ng Romblon upang pag usapan ang mga kinakaharap nitong problema para masolusyunan noong April 2, 2018.

 

30226672_1992918501026393_1017308633790152704_n

 

Ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ay kooperatiba ng kuryente na nagbibigay ng pagpapahalaga sa mga kasamahan nito sa trabaho lalong lalo na sa mga member consumers na siyang pangunahing misyon nito. Kamakailan ay miniting ng punong tagapamahala Engr Rene M. Fajilagutan ang grupo ng mga barangay electrician sa munisipyo ng Romblon upang pag usapan ang mga kinakaharap nitong problema para masolusyunan. Layunin ng meeting na mabigyan ng partikular na atensiyon ang taripa ng mga electrician lalong lalo na ang mga koneksiyon na may makabagong disenyo kung saan dapat na maikonsidera din ang kapasidad ng mga consumers o aplikante na magbabayad sa mga naturang instulasyon. Binigyang diin din sa miting ang kahalagahan ng “craftmanship” ng mga electrician at pagud nila kung saan dapat ding mabigyan sila ng proteksiyon sa mga mananamantalang consumer na minsan hindi na sila binabayaran sa mga huling trabaho nila. Nagkasundo ang koop at mga opisyales ng asosasyon ng barangay electrician na maipatupad sa agarang panahon ang mga nabuong panibagong regulasyon. Ang miting ay isinagawa sa Romelco Headquarter Media Room Brgy Capaclan Romblon noong April 2, 2018.

 

30261163_1992918574359719_5633459992276238336_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

ROMELCO’s Trust and Dedication of Service

March 23, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Tiwala at dedikasyon sa pagseserbisyo ang ipinuhunan ng Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) sa munisipyo ng Banton, probinsya ng Romblon para magkaroon ng bente kwatro oras (24-hrs) na operasyon ng kuryente.

 

29512936_1984332905218286_4750273184161333248_n

 

Tiwala at dedikasyon sa pagseserbisyo ang ipinuhunan ng Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) sa munisipyo ng Banton, probinsya ng Romblon para magkaroon ng bente kwatro oras (24-hrs) na operasyon ng kuryente. Isang pagpupunyagi at makasaysayang momento sa buhay ng mga taga Banton ang araw ng Marso 16, 2018 sapagkat ang dating 18 oras na serbisyo ng kuryente sa kanilang munisipyo ay naging 24 oras na. Ang matagal ng minimithi ng mga taga Banton na 24 hrs na operasyon ng kanilang kuryente ay naisakatuparan na din. Salamat din sa pamunuan ng National Power Corporation (NPC) sa kanilang dedikasyon sa trabaho na nabigyang daan ang matagal ng hiling ng mga taga Banton. Asahan ang mabilis at masigabong pag angat pa ng ekonomiya ng munisipyonl lalong lalo na sa kalakalan at turismo. BANTON RALIA SA PAG ALSA MABUHAY Ka!!!

 29496577_1984332941884949_1602123316527628288_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

Workplace Relationship Enhancement Seminar

March 21, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: The Romblon Electric Cooperative Inc is invited. (ROMELCO) of the department of labor and employment (DOLE) on their have taken workplace relationship enhancement seminar in odiongan state university campus in odiongan, romblon noong March 20, 2018.

 

29425150_1983063315345245_1295492716364300288_n

 

The Romblon Electric Cooperative Inc is invited. (ROMELCO) of the department of labor and employment (DOLE) on their have taken workplace relationship enhancement seminar in odiongan state university campus in odiongan, romblon noong March 20, 2018 where was sent hr / admin officer Mary Ann R. Tumanon and staff of this that mazo. The seminar of the seminar given the respective attention of companies the good pakikipagsalamuha and relationship of every employee so also in the place of management within the company they worked. The invitation of dole was made not only in private companies but also in the government offices.

 

29426044_1983063385345238_8048793722298564608_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA