Archives: Blog

Pre Membership Orientation (PMO)

June 23, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng Pre Membership Orientation (PMO) sa main office ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa Brgy. Capaclan, Romblon noong June 22, 2018 para sa mga bagong aplikante ng pakuryente.

 

35472366_2043288985989344_6440453522214354944_n

 

Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng Pre Membership Orientation (PMO) sa main office ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa Brgy. Capaclan, Romblon noong June 22, 2018 para sa mga bagong aplikante ng pakuryente. Layunin ng pmo na mabigyang ng tamang impormasyon ang mga aplikante ng kanilang mga responsibilidad at karapatan bilang membe-consumers. Dito din ipinapakita ang sistema ng koop kung paanu ang operasyon nito at ng ilan pang ahensiya na kasama ng koop ng kuryente sa pagbibigay ng serbisyo sa mga consumers. Ang mga palisiya ng koop ay binibigyan ng higit na atensiyon sa seminar upang maging klaro sa mga aplikante ang magiging sistema at regulasyon ng koop sa pagdidistribyut ng kuryente.

 

35882154_2043289389322637_6474650017465368576_n 35887008_2043289289322647_1974068566692986880_n 35963748_2043289152655994_5016521741598457856_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

MULING PAGLILINAW (Part 2)

June 23, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: MULING PAGLILINAW (Part 2)
Sa tuwing umuulan ng malakas sa munisipyo ng Romblon hindi na bago sa mga residente dito ang malabong tubig (malubog na tubig) na lumalabas sa mga gripo nila sa kanilang tahanan.

 

35885429_2042326886085554_5366601476468637696_n

 

MULING PAGLILINAW (Part 2)

 

Sa tuwing umuulan ng malakas sa munisipyo ng Romblon hindi na bago sa mga residente dito ang malabong tubig (malubog na tubig) na lumalabas sa mga gripo nila sa kanilang tahanan. Sa mga matagal ng naninirahan sa munisipyo alam ng lahat na hindi pa natatayo ang wind turbine ganyan na ang klase ng tubig na lumalabas sa mga gripo ng residente matapos ang malakas na ulan.

 

Ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ay hindi isang institusyon na gagawa ng proyekto na magiging sanhi ng anumang kapahamakan ng mga member consumers nito o sakali mang may proyektong makapaminsala sa ilang residente, solusyon ang gagawin at tamang kapamaraanan upang maayos ito, ngunit sa mga sitwasyong gaya ng malakas na ulan hindi maitatanging ang tubig na dumadaloy mula sa taas ay maraming dinadaanan at walang maiturong direktang daanan ng tubig mula sa wind turbine na pumapasok sa water reservoir dahil na din sa layo ng proyekto at hindi naman gumagamit ng napakadaming tubig ang project sa taas para maging sanhi ng malakas na agos at dumaloy sa mga imbakan ng tubig na nagsusuply sa bayan.

 

Lahat ng kapamaraanan upang maging maayos ang pagsasagawa ng proyekto ay ginawa na ng Romelco upang ang mga residente lalong lalo na ang malapit sa site ay hindi maabala. Isa na dito ang pag ayos ng mga daanan mula baba ng Sitio Lusod Lonos hanggang sa mga site nito at nilagyan din nila mga kanal sa gilid ng daan upang hindi bumara at maging maayos ang daloy ng tubig na papunta sa mga drainage o sapa. Ang tubig din na ginagamit sa taas ay pangluto lamang ng construction workers at kung sakaling may buhos man ito ay ini iskedyul at sinisiguradong tag init upang matuyo agad ang senisementong istraktura. Ang mga binoldus na lupa naman ay maayos din na pinatag upang maiwasan ang pagguho o anumang sakuna sakaling umulan. Kung may mga residue man ng lupa mula sa site na malayo sa imbakan ng tubig na posibleng dumaloy sa tubig tuwing tag ulan wala bang kapamaraanan ang komokontrol dito na ma filter nila ang malabong tubig upang pag dumaan sa mga gripo ng residente ay malinaw na? Nagtatanong lang po dahil alam naman ng lahat na sa tuwing umuulan lahat ng pwedeng madala ng tubig na dumadaloy mula sa taas ng bundok ay talagang pupunta sa baba at hindi maiwasang pumasok sa mga imbakan ng tubig kung walang maayos na sistema ng paglilinis nito.

 

Sa muli, hindi tumatalikod ang Romelco sa responsibilidad na ibinibigay sa kanya kung meron mang dapat harapin at susulosyunang problema. Gayundin naman hindi po kontrol ng Romelco ang mga dinadaanan ng tubig tuwing malakas ang ulan kung ito ba ay namimintina at maganda ang mga filter na handa sa mga tubig na lumalabo pag tag ulan gaya ng pagmintina nito sa kanyang mga linya ng kuryente. Gaya din ng isip at takbo ng ilan nating mga kababayan na imbes magtanong at malaman ang totoo mas pinipili pang sundin ang bugso ng kanilang damdamin na magbigay ng komento na wala namang tamang basehan. Ang paglilinaw na ito ay walang nais na siraing tao o institusyon bagkus ay binibigyang bigat at halaga ang tamang impormasyon mula sa tamang institusyon. Maraming Salamat po.

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

NOTICE OF HIRING!

June 21, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: NOTICE! ROMELCO IS HIRING!

 

35671415_2041464426171800_5166761943880433664_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

ROMELCO visits BAPA

June 21, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Muling binisita ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang mga Barangay Power Association o BAPA sa munisipyo ng Romblon simula June 11-14, 2018 upang mag monitor ng mga operasyon ng Bapa sa kanilang mga lugar.

 

35671712_2040915049560071_158814919804846080_n

 

Muling binisita ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang mga Barangay Power Association o BAPA sa munisipyo ng Romblon simula June 11-14, 2018 upang mag monitor ng mga operasyon ng Bapa sa kanilang mga lugar. Nagsagawa din ng reporting ang mga Finance Officer para naman sa pinansiyal na aspeto ng asosasyon at binigyan pansin din ng Bapa Coordinator ang mga reklamo at suhestiyon ng ilang miyembro sa bawat asosyon. Layunin ng monitoring na masundan ang operasyon ng mga Bapa at gabayan sila ng tamang pagbibigay serbisyo ng kuryente sa kanilang mga miyembro.

 

35769659_2040915152893394_4864251106412199936_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

ROMELCO 29th ANNIVERSARY!

June 15, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: HAPPY 29th ANNIVERSARY ROMBLON ELECTRIC COOPERATIVE INC.!!!

 

35164751_2034942203490689_7057321356903317504_n

 

HAPPY 29th ANNIVERSARY ROMBLON ELECTRIC COOPERATIVE INC.!!!

 

Padayon sa pagsakripisyo para sa aton pamuluyo para sa mahayag pa nga pagserbisyo lalo na sa mga lugar na waya pa naaabot ng kuryente.

 

Mabuhay Romblon, San Fernando, Cajidiocan, Magdiwang, Banton and Corcuera!!

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

Customer Satisfactory Survey Seminar-Workshop

June 15, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Ikinasa na ng National Electrification Administration (NEA) ang Seminar-Workshop sa Customer Satisfactory Survey (CSS) para sa Association of Southern Tagalog Electric Cooperative (ASTEC) noong June 14, 2018 sa NEA-HESA Auditorium Diliman Quezon City.

 

35193517_2034931256825117_4744098352629547008_n

 

Ikinasa na ng National Electrification Administration (NEA) ang Seminar-Workshop sa Customer Satisfactory Survey (CSS) para sa Association of Southern Tagalog Electric Cooperative (ASTEC) noong June 14, 2018 sa NEA-HESA Auditorium Diliman Quezon City. Ang seminar na sinimulan na ng NEA sa ibang mga koooperatiba ng kuryente na nasa ilalim ng pamumuno nito sa buong bansa ay naglalayong mabigyan ng atensiyon ang ilang suliraning ng mga member-consumers sa kuryente hinggil sa serbisyo ng koop sa kanilang mga lugar. Layunin din ng pagtitipong ito na magkaroon ng maayos at mabilis na sistema sa pagbibigay aksiyon ng mga koop sa mga kinakaharap na sitwasyon at problema ng mga member-consumers.

 

Pinangunahan ni Institutional Manager Peter Morante ang ROMELCO Team sa seminar na ito kasama ang kanyang Complaints Officer Elaine Sim Information Officer Alma Regala at Cashier/Teller ng ROMELCO Magdiwang Area Office na si Michelle Alvaran para sa magiging hakbang nito na mabigyan ng katuparan at agarang aksiyon ang kaayusan ng serbisyo ng koop sa kanyang nasasakupan.

 

35162210_2034931303491779_4842246949572706304_n 35237592_2034931590158417_359421542142050304_n 35244531_2034931546825088_882933963390189568_n 35268542_2034931456825097_6313002437879791616_n 35283737_2034931410158435_4177167595885035520_n35199073_2034931353491774_5109540433898242048_n35239022_2034931503491759_2999255111101841408_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

Power Updates

June 10, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: POWER UPDATES.

 

34845480_2031305417187701_3801875419439824896_n

 

Nais po naming ipaalam sa lahat ng mga miyembro-konsumedores ng ROMELCO na may ilang mga lugar po tayong nawalan ng serbisyo ng kuryente dahil sa malakas na hangin na hatid ng masamang panahon kung kayat may mga wire at punong natumba sa linya ng kuryente. Para po sa mabilisang pag report ng inyong mga problema sa serbisyo ng kuryente maaari niyo pong makontak ang mga cellphone numbers sa inyong lugar na nasa baba. Maraming Salamat po.

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

PMO

June 10, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: PMO.

 

34648787_2030577297260513_7144204138664951808_n

 

PMO
Dumami ang bilang ng mga aplikante para sa new connection sa opisina ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) noong June 8, 2018 sa opisina kung kayat deretso na silang pinagseminar at pinagbayad ng kanilang mga fees sa mismong opisina ng ROMELCO sa Brgy Capaclan, Romblon Progresibong Kababaihan. Ang inspection ay isinagawa din bago sila pinapunta sa opisina ng ROMELCO at halos karamihan sa mga ito ay nakatira sa mga island barangay. Mabilis naman ang naging proseso ng kanilang pagbabayad matapos ang dalawang oras na pre membership orientation seminar kung saan maghihintay na lamang sila sa kanilang mga tahanan para sa instulasyon ng kanilang mga metro.

 

34794202_2030577860593790_5973762526154850304_n 34726524_2030577523927157_5360172060750381056_n 34700788_2030577687260474_142366255918088192_n 34648787_2030577297260513_7144204138664951808_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

Wind Turbine Update

June 10, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: WIND TURBINE UPDATE.

 

34723636_2030469863937923_3662589033030090752_n

 

Tapos na ang substation ng Wind Turbine number 1 at naghihintay na lamang ng instulasyon ng mga equipments na ilalagay naman sa susunod na buwan. Ang substation ang siyang tatanggap ng kuryenteng na prodyus ng wind turbine saka ibabato o ipapasa papuntang planta para makarating sa member-consumers upang magamit bilang kuryente. Switch gears at control panel ang magiging laman nito na siyang magkokontrol ng boltahe. Mabilisan ang pagsasagawa ng mga substation para na din sa maagang instulasyon ng mga equipment dito. Ang lokasyon ng wind turbine number 1 at substation na ito ay nasa mismong taas lamang ng boundary ng Brgy Bagacay at Brgy Lonos.

 

34702222_2030469810604595_709090768333045760_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

Biomass Gasifier Update

June 10, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: BIOMASS GASIFIER UPDATE.

 

34672339_2030461593938750_7249426052823384064_n

 

Hindi magtatagal at magsisimula na ang operasyon ng BIOMASS Gasifier sa Sitio Bagong Silang Barangay Alad, Romblon, Romblon. Ang proyekto ito ay magbibigay ng pailaw sa halos humigit kumulang 50 households sa lugar na hindi maabot ng linya dahil sa sobrang taas at layo ng lugar. Ang plantang ito ay disenyo ng Indian company na kaagapay ng Department of Energy (DOE) at Romelco sa mga ganitong klaseng proyekto. Tanging coconut husk (bunot) lamang ang siyang ilalagay dito para makapag prodyus ng kuryente. Alternatibong panggatong din sa makina ng gasifier na ito ang bana grass na sinimulan na ring magsilakihan sa taniman ng Romelco sa Brgy Lamao, Romblon, Romblon.


Asahan na hindi matapos ang taong ito ay makapagbibigay na din ng serbisyo ng kuryente ang proyektong ito sa ating mga kababayan na walang pang kuryente sa kanilang mga tahanan sa nasabing lugar.

 

34721564_2030461730605403_6888508277219393536_n 34777258_2030461867272056_2437222627119464448_n 34807321_2030461830605393_7553692290670133248_n 34798317_2030461483938761_4264766232730796032_n 34844863_2030461647272078_8994152093283516416_n 34646818_2030461787272064_6958309402814185472_n

34711250_2030461693938740_7046298220258918400_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA