August 20, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Buong pwersang nakilahok ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa ika 39th Philippine Rural Electric Cooperatives Association Annual Membership at 1st Joint Convention ng PHILRECA & PHILFECO simula August 16-18, 2018 sa SM City Trade Hall General Santos City.

Buong pwersang nakilahok ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa ika 39th Philippine Rural Electric Cooperatives Association Annual Membership at 1st Joint Convention ng PHILRECA & PHILFECO simula August 16-18, 2018 sa SM City Trade Hall General Santos City. Pinangunahan ni GM Rene Fajilagutan at Board President Rodolfo Rabino ang Romelco Team sa pagtitipon kung saan naging panauhing pandangal ang butihing Mayor ng Davao Sarah Duterte-Carpio na buong pusong nagbigay ng suporta sa misyon ng electric cooperatives na lalo pang palakasin ang hanay ng mga koop na nagbibigay ng tunay na serbisyong totoo sa mga miyembro konsumedores para ma protektahan ang karapatan ng mga electric consumers at lalo pang mapalakas at mapailawan ang kanayunan. Ayon din sa kay Mayor Sarah siya ay tutolong sa mga programa ng koop ng kuryente para maisulong ang adhikain nitong misyonaryong elektripikasyon sa buong bansa.
Patuloy ang selebrasyon at pagtitipon na nagpapatunay ng tunay na pagkakaisa ng lahat ng koop ng kuryente sa buong Pilipinas sa ilalim ng matibay na pamumuno ng National Electrification Administration (NEA).

ANG TAGAPAMAHALA
August 20, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Muling nagsagawa ng meeting ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa Barangay Power Association (BAPA) ng Lunas Romblon noong August 13, 2018.

Muling nagsagawa ng meeting ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa Barangay Power Association (BAPA) ng Lunas Romblon noong August 13, 2018 sa mismong covered court nito ng barangay para magsagawa ng monitoring sa operasyon nito at eleksiyon ng mga opisyales. Nagkaroon din ng pagpaplano ng pagbigay ng kanilang prompt payment discount para maibalik naman sa mga member consumers ng Bapa Lunas. Kasama naman ni Info Officer Alma Regala ang bagong BAPA/ECA Coordinator Mr. Gilbert Musico upang ipakilala sa kanila at maging partikular sa operasyon ng Bapa.
Natapos ang meeting na masaya ang mga miyembro dahil na din sa matatanggap na benepisyo mula na din sa kanilang pagpupursige na makapag bayad ng tama sa oras.

ANG TAGAPAMAHALA
August 13, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang bayan ng Cajidiocan at San Fernando Romblon ngayon ay nakararanas ng malawakang brownout dahil sa dami ng sayad na mga sanga ng puno sanhi ng malakas na ihip ng hanging habagat.

POWER INTERRUPTION Sa Isla ng SIBUYAN
Ang bayan ng Cajidiocan at San Fernando Romblon ngayon ay nakararanas ng malawakang brownout dahil sa dami ng sayad na mga sanga ng puno sanhi ng malakas na ihip ng hanging habagat. Nauna ng nilinis ang mga puno ng kawayan sa Sitio Cangumba Brgy. Azagra, San Fernando Romblon at kasalukuyan ay nasa Sitio Camanglad Brgy Danao Cajidiocan Romblon naman ang clearing team ng ROMELCO dahil naman sa isang malaking puno na dumikit din sa linya ng kuryente. Hindi naman agad na maibabalik ang serbisyo ng kuryente sa mga lugar na apektado dahil hindi pa natatapos ang paglilinis ng linya sa ngayon dahil sa dami ng sayad.
Ang ROMELCO ay mahigpit na nagsasagawa ng paglilinis sa mga linya ng kuryente bawat linggo ngunit sadyang may mga kababayan tayo na ayaw pumayag na magpaputol ng kanilang mga puno o kahit mag pa “trim” lamang ng mga sanga ng puno na malapit sa linya ng kuryente upang sa mga panahong ganito sana na malakas ang hangin o masama ang panahon ay hindi mawawalan ng serbisyo ng kuryente at hindi na maabala pa ang lahat dahil dito.
Sa ngayon, ay mabilisan ang ginagawang paglilinis ng ROMELCO Cajidiocan Area Office sa mga linyang apektado ng mga sangang dumikit dito upang maibalik ang serbisyo sa mga apektadong lugar. Ang inyong lubos na pang unawa hinggil sitwasyong ito ay aming inaasahan .
Para naman sa ilan niyo pang katanungan hinggil sa serbisyo ng kuryente sa munisipyo ng Cajidiocan at San Fernando ang Hotline ng ROMELCO Cajidiocan 0906-4031954 at San Fernando 0939-7265599. Magtxt o tumawag para sa inyong mga complaints hinggil sa serbisy ng kuryente sa inyong lugar.
Maraming Salamat po.

ANG TAGAPAMAHALA
August 09, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang pamunuan ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng Miyembro-Konsumedores dahil sa mga nakaraang “scheduled load shedding” o paghahati hati lamang ng natitirang kapasidad ng serbisyo ng kuryente simula August 3-7, 2018 sa munisipyo ng Romblon at munisipyo ng Corcuera.

MAGTANONG SA TAMANG AHENSIYA.
Ang pamunuan ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng Miyembro-Konsumedores dahil sa mga nakaraang “scheduled load shedding” o paghahati hati lamang ng natitirang kapasidad ng serbisyo ng kuryente simula August 3-7, 2018 sa munisipyo ng Romblon at munisipyo ng Corcuera na halos humigit kumulang magdadalawang linggo ng nararanasan. Ang dahilan ng abnormal na serbisyo ng kuryente sa mga nabanggit na munisipyo ay ang hindi sinasadyang pagkasira ng mga makina sa planta ng National Power Corporation o NPC na nakatalaga sa mga lugar.
Ang agarang solusyon ay mabilis din pong ipinatutupad ng ROMELCO at Napocor upang maibalik ang maayos at normal na serbisyo ng kuryente sa ating lahat.
Amin namang pinapaalalahanan ang lahat na iwasang maniwala sa mga sabi-sabi at nababasa na hindi galing sa mga opisyal na pahayag ng koop dahil ang ROMELCO ay may mga lehitimong medyum ng tagapaglathala gaya ng sa Social Media ang ROMELCO FB Page nito (Romblon Electric Cooperative Inc), Newsletter (Quarrylights) kung saan makikita at mababasa ang mga anunsiyo hinggil sa brownouts at iba pang programa sa ating kooperatiba. Gayundin naman, meron ding bente kwatro oras (24-Hours) na Hotline para inyong matawagan upang mapagtanungan at masagot kayo ng tama at opisyal na impormasyon mula sa ROMELCO.
Ang mga numero sa baba ay maaari niyong kontakin base sa kung saang munisipyo kayo nakatira para sa mabilis na aksiyon sa inyong mga problema sa serbisyo ng kuryente.
ROMELCO HOTLINES
📲
☎
📞
Romblon – (0910)7833956
Corcuera – (0939)3580700
Banton – (0939)3580701
San Fernando – (0939)7265599
Cajidiocan – (0910)6283995
Magdiwang – (0912)0380459

ANG TAGAPAMAHALA
August 09, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) joins the celebration of the 9th National Electrification Awareness Month this August 2018 headed by National Electrification Administration (NEA).

AUGUST IS NATIONAL ELECTRIFICATION AWARENESS MONTH!
Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) joins the celebration of the 9th National Electrification Awareness Month this August 2018 headed by National Electrification Administration (NEA). In line of this, series of activities are alligned by Romelco to support the program. This year’s theme “Electricity access for all; A platform for Nation Building” depicts the true meaning and dedication in service of the electric cooperative being the catalyst in uplifting the economic development of their coverage areas particularly in the rural region of the country.


ANG TAGAPAMAHALA
August 07, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Unang pagtitipon na ginawa ng mga national officers ng League of Electric Cooperative Information and Communication Officers Nationwide (LEXICON) Inc. sa headquarters ng National Center of Electric Cooperative Consumers Organization (NCECCO) sa #21 Scout Borromeo South Triangle Quezon City noong August 3, 2018.

EC Ang KOMUNIKASYON!
Makasaysayan ang unang pagtitipon na ginawa ng mga national officers ng League of Electric Cooperative Information and Communication Officers Nationwide (LEXICON) Inc. kasama ang ilang Regional Officers nito sa pangunguna ni Mr. John Leysa Vice President ng Lexicon sa mismong headquarters ng National Center of Electric Cooperative Consumers Organization (NCECCO) sa #21 Scout Borromeo South Triangle Quezon City noong August 3, 2018. Ang naturang opisina kung saan isinagawa din ang inagurasyon ng araw na iyon ay siya ring magiging opisyal na headquarters ng Lexicon kasama din ang mga opisyales ng Philippine Association of Board of Directors of Rural Electric Cooperative o PABDREC.
Dumalo sa pagpupulong na isinagawa ang butihing Administrator ng National Electrification Administration (NEA) Edgardo Rama Masongsong kasama ang kanyang Corporate Communications Consultant Mr. Sylton Solidum kabilang ang Presidente ng Rural Electrification Financing Corporation (REFC) Mr. Iglorio Hinayon upang magbigay ng suporta sa pagpaplano para mapaigting pa ang mga programa para sa mabisang instrumento upang lalong maging epektibo ang paggamit ng narararapat na medyum ng komunikasyon para sa kapakanan ng lahat ng mga kasapi kamay-ari ng mga koop ng kuryente.
Inilatag ang mga pangunahing solusyon para lalong maging madali ang komunikasyon sa loob ng mga electric cooperatives para sa mabilisang pagpapaabot nito sa mga member-consumers. Ihahanda din ang mga mandirigma ng koop (Information Officers) sa panulat radyo at telebisyon lalong lalo na sa social media upang mas maging mabisa at maalam sila sa kanilang ginagawa sa pamamagitan ng mga trainings na dinisenyo hindi lamang sa kanila kundi pati na din sa ilang empleyado ng koop na may kapasidad na maging mabuting ehemplo ng media para sa mga programa ng mga koop ng kuryente.
Taos puso naman ang pasasalamat ng mga national officers ng LEXICON sa pangunguna ni Vice President John Leysa ng Sultan Kudarat Electric Cooperative (SUKELCO) na siyang humalili muna sa presidente ng asosasyon na si Mr. Roel Venus dahil hindi ito nakadalo kasama sina Secretary Morena Bautista ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO), Treasurer Rizalinda Reyes ng Central Pangasinan Electric Cooperative(CENPECO), Auditor Clarence Ducusin ng Ilocos Sur Electric Cooperative(ISECO) at Region 3 Officer’s Ms. Azenith Aquino ng Tarlac Electric Cooperative(TARELCO2), Cristian Gregor Atacador ng Nueva Ecija Electric Cooperative (NEECO1) at Region 4 Officer Alma Regala ng Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) sa buong lakas na suporta ni NEA Administrator Edgardo Masongsong sa programa ng LEXICON.

ANG TAGAPAMAHALA
August 07, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Blessing of National Headquarters noong August 3, 2018.

NCECCO PABDREC LEXICON
Blessing of National Headquarters
Isinagawa ang inagurasyon ng kauna-unahang opisina ng National Center of Electric Cooperative Consumers Organization (NCECCO), Philippine Association of Board Directors of Rural Electric Cooperatives (PABDREC) at League of Electric Cooperative Information and Communication Officer (LEXICON) sa #21 Scout Borromeo, South Triangle Quezon City noong August 3, 2018 sa pamamagitan ng pag “blessing” ng lugar.
Panauhing pandangal ang masipag na National Electrification Administration (NEA) Administrator Edgardo R. Masongsong kasama sina Chairman Akmad M. Mamalinta ng NCECCO, Mr. Reynaldo Lazo Presidente ng PABDREC at Jonathan Leyza Vice President ng LEXICON bilang kahalili ni President Roel Venus na hindi nakarating sa pagtitipon. Nasa programa din ang masipag na presidente ng Philippine Rural Electric Cooperative Association (PHILRECA) Presley C. DE Jesus at Rural Electrification Financing Corporation (REFC) Iglorio Hinayon.
Malaking tulong ang pagbukas ng naturang national headquarters ng tatlong asosasyon upang mas lalo pang mapaigting at maprotektahan ang kapakanan ng mga member-consumers ng kuryente sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programa ng tatlong asosasyon para sa kasapi kamay-ari ng kooperatiba ng kuryente.

ANG TAGAPAMAHALA
August 01, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ginawan agad ng aksiyon ng ROMELCO bilang pagsunod sa napagkasunduang diyalogo na huwag ng maging kabilang ang mga lupang galing sa site ng proyekto na maging sanhi ng paglabo ng tubig. Ginawan ng dibersiyon na daanan ang tubig mula dito at tinakpan ang parte ng mga lupa ng mga plastic bags na makakapigil sa pagsama ng lupa sa agos ng tubig tuwing tag ulan.

Matapos ang ginawang inspeksiyon ng pinagsamang pwersa ng Lokal na Pamahalaan ng Romblon, Romblon Water District, RuRal Health Unit ng Romblon, Municipal Engineering at ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) hinggil sa paglabo ng tubig na gawa umano ng lupang galing sa taas ng site ng Wind Turbine tuwing malakas ang ulan, ay ginawan agad ng aksiyon ng ROMELCO bilang pagsunod sa napagkasunduang diyalogo na huwag ng maging kabilang ang mga lupang galing sa site ng proyekto na maging sanhi ng paglabo ng tubig. Ginawan ng dibersiyon na daanan ang tubig mula dito at tinakpan ang parte ng mga lupa ng mga plastic bags na makakapigil sa pagsama ng lupa sa agos ng tubig tuwing tag ulan. Preparasyon na din ng ROMELCO na taniman ang lugar ng mga halaman at gawan ng makabagong disenyo ng “landscaping” ang site upang mas mapaganda pa ang palagid nito.
Sa huling dayalogo na isinagawa ng mga ahensiya ng munisipyo ng Romblon kabilang ang ROMELCO noong July 13, 2018 sa mismong opisina ni Mayor Mariano Mateo ng Romblon ay inatasan din ng Romblon Rural Health Unit sa katauhan ni Mr. Noe Magdato ang mga namumuno sa patubig ng munisipyo na maglagay ng maayos at makabagong “filtering system” upang maiwasan at makontrol na ang mga paglabo ng tubig sa hinaharap lalo na kung tag ulan. Ang kasalukuyang sistema umano na ginagamit ng mga ito ay matagal na panahon ng hindi nababago kaya’t sanay na ang mga tao ng munisipyo ng Romblon na pag umulan ay malabo ang tubig na lumalabas sa kanilang mga gripo.
Sa muli para sa serbisyong may puso para sa publiko ang ROMELCO ay handang harapin ang mga responsibilidad na nakaatang sa kanya at mas lalo pang itataas ang kalidad ng pagserbisyo sa lahat ng mga kasapi kamay-ari nito para sa kaayusan at kapakanan ng nakararami. Wala rin pong intensiyon na sirain ang mga pangalan ng tao o anumang institusyon.
Maraming salamat po.

ANG TAGAPAMAHALA
July 31, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ipinatutupad ngayon sa munisipyo ng Corcuera Romblon ang “load shedding” o paghahati hati lamang ng natitirang kapasidad ng serbisyo ng kuryente humigit kumulang magtatatlong araw na ngayon dahilan na rin ng problema sa makina sa planta ng National Power Corporation (NPC) sa mismong munisipyo.

Ipinatutupad ngayon sa munisipyo ng Corcuera Romblon ang “load shedding” o paghahati hati lamang ng natitirang kapasidad ng serbisyo ng kuryente humigit kumulang magtatatlong araw na ngayon dahilan na rin ng problema sa makina sa planta ng National Power Corporation (NPC) sa mismong munisipyo. Ang schedule ng brown out ay nagtatagal ng dalawang oras (2hrs) sa bawat lugar bago ito muling pailawin.
Mabilis namang ginagawan ng aksiyon na maresolba ang problema ngNPC sa kanilang makina upang agarang maibalik ang normal na serbisyo ng kuryente sa mga residente ng Corcuera.
Paumanhin po sa lahat ng aming mga miyembro konsumedores hinggil sa bagay na ito. Ito po ay para sa inyong kaalaman. Maraming Salamat po.
ANG TAGAPAMAHALA
July 31, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang brownout noong July 17, 2018 sa Brgy Mapula hanggang Brgy Agpanabat Romblon ay sanhi ng pagbagsak ng puno ng niyog sa linya ng kuryente.

Ang brownout noong July 17, 2018 sa Brgy Mapula hanggang Brgy Agpanabat Romblon na nagsimula ng madaling araw ay sanhi ng pagbagsak ng puno ng niyog sa linya ng kuryente sa Sitio Batiano Mapula Romblon dahil sa lakas ng hangin na dala ng masamang panahon.
Ang mga ganitong sitwasyon ay maaaring maiwasan kung ang ilan nating mga kababayan ay pumapayag na putulin ang mga punong malapit sa linya ng kuryente. Ang serbisyo ng kuryente ay patuloy sana sa operasyon kahit na masama ang panahon basta malinis ang linya at walang mga punong nakadikit dito.
Sa ngayon ay isinasagawa ng mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang pagsasaayos ng linya sa pamamagitan ng pagpapalit ng poste upang maibalik ang normal na serbisyo ng kuryente sa mga apektadong barangay.

ANG TAGAPAMAHALA