October 03, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Muling nagsagawa ng pagbabalik aral (refresher) ang mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) partikular ang mga Senior Linemen ng koop sa Housewiring at Installation noong September 18-20, 2018.

Muling nagsagawa ng pagbabalik aral (refresher) ang mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) partikular ang mga Senior Linemen ng koop sa Housewiring at Installation noong September 18-20, 2018 sa mismong Headquarters ng ROMELCO sa Brgy Capaclan Romblon Romblon.
Ang seminar workshop na tumagal ng tatlong araw ay nagbigay ng panibagong atmospera sa mga linemen na siyang makakatulong upang palakasin pa lalo ang antas ng installation at housewiring sa mga nagnanais mag aplay ng kuryenteng gamit para sa commercial at industrial lalong lalo na ang mga residential type na mas higit na nangangailangan ng makabagong kaalaman at teknolohiya sa linya ng kuryente. Gayundin ang safety o ligtas na pagpapalinya ng kuryente ang pinaka sentro ng workshop.
Ang mga linemen na naging parte ng seminar ay mula sa anim na munisipyo kung saan ang ROMELCO ang distritbutor ng kuryente kabilang ang Corcuera, Banton, Magdiwang, Cajidiocan, San Fernando at Romblon. Isinama din dito ang mga bagong engineers ng koop na makakatulong naman nila sa pagdesenyo at monitoring ng linya ng koop. Ang magaling na instructor naman ng koop na si Mr. NOBE FAJICULAY ang siyang naging pangunahing tagapagsalita sa tatlong araw na seminar.
ANG TAGAPAMAHALA
September 26, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: BIOMASS GASIFIER SA BRGY ALAD ROMBLON OPERATIONAL NA!!
👍
👍
👍

Nagsimula na ang operasyon ng Biomass Gasifier sa Sitio Bagong Silang Barangay Alad Romblon noong September 24, 2018 mula alas sais ng gabi hanggang alas sais ng umaga (6pm-6pm). Ang proyektong ito ay magbibigay ng pailaw sa apatnaput isang (41residents) residente sa naturang lugar na hindi kayang maabot ng linya ng kuryente dahil sa sobrang layo at tarik ng lugar . Ang labing dalawang oras (12hours) na paunang operasyon ay simula lamang ng pagpapailaw sa naturang sitio at sanay maging bente kuwatro oras (24hrs) na din sa lalong madaling panahon.
👍
👍
👍
👍
ANG TAGAPAMAHALA
September 26, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Mga kawani ng ROMELCO ay nakahanda upang tumulong.

MGA KAWANI NG ROMELCO NAKAHANDA.
Hindi lamang bilang pagtupad sa sinumpaang tungkulin ng mga empleyado ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang pagbibigay ng serbisyo ng kuryente sa mga panahong may kalamidad kundi ito ay nakatatak na sa puso nila kaya sila ay buong pwersang naka alalay sa opisina ng koop gayundin ang lahat ng mga kawani sa mga area offices noong September 14, 2018 bilang paghanda sa dumaan na bagyong Ompong.
Walang ibang tao ang maaasahan ng ating mga Member Consumers na makakatulong sa kanila para magkaroon ng serbisyo ng kuryente kundi ang mga kawani lamang ng ROMELCO.
Amin din pong pinapayuhan ang aming mga kababayan na maghanda sa paparating ng bagyo. Maaaring mawalan ng kuryente ang ating lugar sa pagdaan ng bagyong Ompong at maibalik ito sa paghupa kaya’t mas nakabubuting may mga naka standby tayong flashlights at rechargeable lamp na maaasahan.
Mag ingat po tayong lahat at Ingatan tayo ng Poong Maykapal.
ANG TAGAPAMAHALA
September 26, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Inimbatahan ng National Electrification Administration (NEA) ang lahat ng kooperatiba ng kuryente sa Region 4A and Region 4B kabilang ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) noong September 3-5, 2018 sa HESA NEA Building Quezon City para sa isang workshop/seminar na pinamagatang NEA BIT EC Regional Summit.

Inimbatahan ng National Electrification Administration (NEA) ang lahat ng kooperatiba ng kuryente sa Region 4A and Region 4B kabilang ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) noong September 3-5, 2018 sa HESA NEA Building Quezon City para sa isang workshop/seminar na pinamagatang NEA BIT EC Regional Summit. Ang ginawang pagpupulong ay hinggil sa sistema ng pagsusumite ng mga reports ng mga koop ng kuryente upang mapabilis at mapaayos pa ang pagsasagawa nito.
Pinangunahan naman ni GM Rene Fajilagutan ang team ng Romelco sa ginawang seminar kung saan naghatid ito ng mas malawak na karanasan at kaalaman para sa mga kawani ng koop na gumagawa at nagsusumite ng kinakailangang mga report.


ANG TAGAPAMAHALA
September 9, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Kabilang ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa mga kooperatiba ng kuryente na pinangangasiwaan ng National Electrification Administration (NEA) na nakikiisa at sumusuporta sa programang National Line Clearing Day sa August 31, 2018.

ILAWAN NATIN ANG DAING NG KOOP
🔦
🔦
Kasabay ng pagpatak ng unang luha ng kandilang sinindihan ng mga miyembro ng MSEAC (Multi Sectoral Advisory Council), kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) local government officials at ng mga minamahal na Miyembro Konsumedores ng ROMELCO sa Headquarters nito sa Brgy Capaclan Romblon, Romblon ngayong alas sais ng hapon ng Agosto 31, 2018 ay siya ring pagpatak ng ulan na wariy nakikisabay sa daing ng koop na mabigyan pa ng tsantsa ang 127 na sitios sa nasasakupan nito na mapailawan pa.
Pinangunahan ni Mr Peter L. Morante OIC bilang representante ng masipag na General Manager Engr. Rene Fajilagutan ang isinagawang Candle Lighting ng Romelco para makilahok sa ginawang pambansang programa ng 121 kooperatiba ng kuryente para sa selebrasyon ng ika-9 na National Electrification Awareness Month ngayong buwan ng Agosto 2018. Naging panauhing pandangal ang butihing Vice Mayor ng Munisipyo ng Romblon na si Honorable Mart Arthur Silverio kasama ang mga miyembro ng Multi Sectoral Electrification Advisory Council sa pangunguna naman ni Vice President Cris G. Mazo bilang kahalili ni MSEAC President Nelly Taupo.
Ang ginawang programa ay patunay ng pagkakaisa ng lahat ng koop ng kuryente sa buong Pilipinas na maiparating sa ating pamahalaan ang hinaing na mapailawan pa ang mga natitirang sitios at purok na wala pa ring serbisyo ng kuryente hanggang sa ngayon. Ang tunay at sinumpaang misyon ng mga mandirigma ng kooperatiba ng kuryente ay hindi natatapos sa ginawang candle lighting bagkus ay nagpakita pa ng agresibong pagpapahayag ng pagsuporta nila sa pamamagitan ng pagpirma sa pledge of commitment ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Romblon para isulong ang misyon ng Romelco na mapailawan ang127 sitios na wala pa ring serbisyo ng kuryente.
Ang mga area offices ng Romelco ay nakiisa din sa ginagawang programa sa kanilang paraan ng pagpapahayag ng simpatiya sa pamamagitan ng pagsindi ng mga kandila bilang suporta sa adhikain ng koop magmula Banton, Corcuera, San Fernando, Cajidiocan at Magdiwang Romblon.
Sa pagkakaisa ay may lakas, sa pagkakaisa ay may tibay, at sa pagkakaisa ay may mararating. Mabuhay tayong lahat!!!
#MABUHAYANGMGAKOOPNGKURYENTE
#NEAat49
#NEAM2018
#UNITEDINSERVICE
@ National Association of General Managers

ANG TAGAPAMAHALA
September 9, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Maagang inakyat ng mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa isla ng Sibuyan ang Sitio Layag sa Barangay Taclobo San Fernando Romblon upang magsagawa ng Tree Planting noong August 31, 2018.

TREE PLANTING SA LAYAG
🌴
🌲
🌳
Maagang inakyat ng mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa isla ng Sibuyan ang Sitio Layag sa Barangay Taclobo San Fernando Romblon upang magsagawa ng Tree Planting noong August 31, 2018 bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng National Electrification Awareness Month ngayong August 2018 kasama ang 121 na kooperatiba ng kuryente sa buong bansa.
Pinangunahan ng masipag na General Manager ng ROMELCO Engr. Rene M. Fajilagutan ang tree planting kasama si Institutional Services Manager Peter Morante at Board Director ng District 5 (Magdiwang) Orly Palomata at Diosdado Concil ng District 4 (San Fernando) kasama ang mga Area Supervisors ng munisipyo ng Magdiwang Cajidiocan at San Fernando at mga empleyado nito.
Buong pwersa ding nakilahok ang mga kapatid na kawani ng Romelco sa Cantingas Hydro Power Plant kung saan mabilis na inakyat ang humigit kumulang apat na kilometrong mataas na bundok para sa ginawang pagtatanim.
#MABUHAYANGPAGTATANIM
#MABUHAYANGMGAKOOPNGKURYENTE
#MABUHAYTAYONGLAHAT

ANG TAGAPAMAHALA
September 9, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang pamunuan ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ay inimbatahan ang lahat ng mga Miyembro-Konsumedores nito na makilahok sa ginanap na CANDLE LIGHTNING noong August 31, 2018 alas sais (6pm) ng hapon sa ROMELCO Headquarters Brgy Capaclan Romblon.

NATIONWIDE CANDLE LIGHTING
📢
📢
Ang pamunuan ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ay inimbatahan ang lahat ng mga Miyembro-Konsumedores nito na makilahok sa ginanap na CANDLE LIGHTNING noong August 31, 2018 alas sais (6pm) ng hapon sa ROMELCO Headquarters Brgy Capaclan Romblon bilang bahagi ng selebrasyon ng National Electrification Awareness Month ngayong buwan ng Agosto.
Ang candle lightning din ay bahagi ng pagkondena ng lahat ng kooperatiba ng kuryente sa ginawang pagtapyas sa budget na nakalaan sa National Electrification Administration (NEA) para sana sa mga lugar sa kanayunan at daang daang sitio pa na walang serbisyo ng kuryente sa buong kapuluan.
Sa lugar na nasasakupan ng ROMELCO ay may 127 sitio pa ang kumakatok sa ating pamahalaan na mabigyan pa ng pondo upang sila ay magkaroon ng serbisyo ng kuryente sa kanilang mga tahanan. Ang buong hanay ng mga koop ng kuryente na tumayo sa likod ng lahat ng hirap para maitaguyod ang tunay na mensahe ng elektripikasyon para sa lahat, ay walang motibong kumita bagkos ay makapagbigay ng serbisyong totoo laban sa mga gahamang tao na may mga personal na interes para gawing negosyo at pagkakitaan ng malaki ang mga kawawang konsumedores ng koop.
Sa muli, kayo ay aming iniimbitahang makilahok sa gaganaping Candle Lighting bukas upang maipahayag natin ang tunay na damdamin ng nagkakaisang MEMBER-CONSUMERS na mabigyan natin ng saysay ang alay nating mga kandila para sa bawat sitio at purok na wala pang ilaw sa ating bansa.
#natlelectrificationawarenessmonth
#lexdothistogether
#PARASABAYAN #MAGINGPATASANGLABAN
ANG TAGAPAMAHALA
August 29, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Kabilang ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa mga kooperatiba ng kuryente na pinangangasiwaan ng National Electrification Administration (NEA) na nakikiisa at sumusuporta sa programang National Line Clearing Day sa August 31, 2018.

Linya ng ROMELCO
Kawad ng Kabuhayan, Kalusugan at Kaligtasan Mo
👌
👌
👌
Kabilang ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa mga kooperatiba ng kuryente na pinangangasiwaan ng National Electrification Administration (NEA) na nakikiisa at sumusuporta sa programang National Line Clearing Day sa August 31, 2018 bilang bahagi ng selebrasyon ng National Electrification Awareness Month ngayong buwan ng Agosto.


ANG TAGAPAMAHALA
August 29, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang League of Information and Communication Officers of Electric Cooperatives (LEXICON) ay muling pinatawag ng pamunuan ng National Electrification Administration (NEA) noong August 23, 2018 sa mismong opisina ng NEA sa Diliman Quezon City.

Ang League of Information and Communication Officers of Electric Cooperatives (LEXICON) ay muling pinatawag ng pamunuan ng National Electrification Administration (NEA) noong August 23, 2018 sa mismong opisina ng NEA sa Diliman Quezon City para muling bigyan ng kulay ang nakahanay na mga aktibidades para sa pagdaos ng National Electrification Awareness Month ngayong buwan ng Agosto.
Pinangunahan ng Presidente ng LEXICON na si John Leysa ang grupo bitbit ang mga opisyales mula sa ibat ibang rehiyon. Ang naturang pagtitipon ay nais ding balangkasin ang mga gagawing aksiyon para sa parating na laban ng mga koop ng kuryente para higit pang marinig ang hanay ng mga member consumers na higit na nangangailangan ng maayos na pailaw lalong lalo na ang mga lugar pa sa kanayunan. Ang aksiyon na ito ay epekto ng tinapyas na national budget para sa NEA partikular sa programang Sitio Electrification na desinyo para sa mga rural areas na wala pang kuryente. Ang budget sa pagpapailaw na ito ay benepisyo na dapat na matanggap ng mga tao mula sa gobyerno at hindi na dapat na sa kanila din magmula dahil mismong pamahalaan ang magbibigay pondo dito. Ngunit ayon na din sa napakinggang pagdinig kamakailan sa kongreso ay binawasan ito upang malagay sa kagipitan ang mga koop ng kuryente at maipasok ng mga may sariling interes ang mga pribadong kompanya na nais kainin at kunin sa mga koop ng kuryente ang pagpapalakad dito upang mas lalong nilang pagkakitaan.
Kasama din ng mga LEXICON ang asosasyon ng Institutional Managers o PHILAIM para makiisa sa adhikaing ito.
LABAN LEXICON!!!

ANG TAGAPAMAHALA
August 20, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Binuksan ang ika 39th Annual General Membership Meeting ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc (PHILRECA) sa pangatlong araw ng convention ng lahat ng electric cooperatives sa buong Pilipinas noong August 18, 2018.

Binuksan ang ika 39th Annual General Membership Meeting ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc (PHILRECA) sa pangatlong araw ng convention ng lahat ng electric cooperatives sa buong Pilipinas noong August 18, 2018 sa SM City Trade Hall General Santos City kung saan miyembro ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO).
Kabilang naman ang masipag na General Manager ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) Engr. Rene Fajilagutan sa mga Board of Directors ng PHiLRECA bilang kinatawan at presidente ng mga general managers ng Southern Tagalog electric cooperatives.
Ang PHILRECA ay asosasyon ng lahat ng kooperatiba ng kuryente sa buong Pilipinas na nagbibigkis sa kanila upang mapalakas at lalo pang mapaayos ang pagserbisyo ng mga koop sa mga miyembro konsumedores nito. Ang PHILRECA din ay sumusulong na protektahan ang mga koop bilang non stock non profit upang patuloy na misyonaryo at tunay na pagseserbisyo lamang ang maging panuntunan ng mga koop at hindi ito masakop ng mga pribadong korporasyon na kita lang ang pangunahing misyon.
Buong pwersa pa din ang ROMELCO Team sa ikatlong araw ng pagtitipon upang mas mapalago pa ang mga dapat matutunang istratehiya sa pagseserbisyo sa mga mahal na member consumers.

ANG TAGAPAMAHALA