December 15, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ay nakipagtulungan sa National Electrification Administration (NEA) para sa Individual Balanced Scorecarding ng koop na sinimulan ng Disyembre 12-14, 2018 sa DC Munting Paraiso, Brgy Agnay Romblon Romblon.

🏆 INDIVIDUAL BALANCED SCORECARD🏆
Katatapos lang ng isinagawang seminar/workshop ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa pakikipagtulungan sa National Electrification Administration (NEA) para sa Individual Balanced Scorecarding ng koop na sinimulan ng Disyembre 12-14, 2018 sa DC Munting Paraiso, Brgy Agnay Romblon Romblon.
Ang seminar ay naglalayong mapaunlad pa ang kahusayan at responsibilidad ng lahat ng empleyado ng ROMELCO sa kanilang tungkulin sa koop para sa kaayusan ng serbisyo ng kuryente sa ating mga membro konsumedores. Ito din ang magiging basehan upang masigurong ang lahat ng kawani ay gumagawa ng kani kanyang trabahong iniatang sa kanya sa loob ng ROMELCO. Ang implementasyon ng Individual Scorecarding ay mahigpit na ipinatutupad ng Punong Tagapamahala GM Rene M. Fajilagutan upang masigurong handa, mahusay at maaasahan ang mga kawani bilang sagot sa mga darating na hamon ng panahon sa pagbibigay ng maayos na serbisyo ng kuryente sa hinaharap.
Tagumpay na natapos ang workshop kung saan naging tagapagsalita ng koop si Ms Imelda America ng National Electrification Administration.
ANG TAGAPAMAHALA
December 08, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang ROMELCO ay bumisita sa isla ng Sibuyan para sa Year-End Quarterly Meeting ng Multi-Sectoral Electrification Advisory Council (MSEAC) noong Disyembre 5-6, 2018. Ang MSEAC ay katulong ng koop para madaling maiparating sa ibat-ibang sektor ang mga programa nito gayundin naman para maipahayag din ng ibat ibang sektor ang kanilang mga hinaing sa koop at agad itong masolusyunan.

📣 MSEAC MEETING 📣
Ang ROMELCO ay bumisita sa isla ng Sibuyan para sa Year-End Quarterly Meeting ng Multi-Sectoral Electrification Advisory Council (MSEAC) noong Disyembre 5-6, 2018 kung saan kabilang ang mga distrito ng San Fernando(4), District 5 o Cajidiocan, at District 6 Magdiwang.
Buong pwersang lumahok ang lahat ng mga opisyales ng ibat ibang sektor sa bawat munisipyo at muling binigyan ni ROMELCO Info Officer Alma Regala ng mga makabagong impormasyon hinggil sa mga programa ng koop para lalong mapabuti at makatulong s lahat ng mga miyembro konsumedores.
Hinikayat din ang mga opisyales ng MSEAC na bumuo ng mga programa para kanilang sektor na higit na nangangailangan ng atensyon pahinggil sa serbisyo ng kuryente upang matulungan ito para maging maayos ang kanilang paghahanap-buhay at iba pang pangangailangan. Ang MSEAC ay katulong ng koop para madaling maiparating sa ibat-ibang sektor ang mga programa nito gayundin naman para maipahayag din ng ibat ibang sektor ang kanilang mga hinaing sa koop at agad itong masolusyunan.
ANG TAGAPAMAHALA
November 29, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Nagkaroon ng pinal na meeting sa opisina ng ROMELCO sa Brgy. Capaclan, Romblon, Romblon noong Nobyemre 24, 2018 kasama ang mga opisyales ng Honda Japan, Panasonic Japan at Nomura Research Institute mula sa Singapore para sa pagpapakilala ng makabagong teknolohiya nito.

📣 EV IS HERE!!!📣
Isa na namang proyektong pang kalikasan ang bubuksan ng ROMELCO para sa mga Member Consumers nito. Ang Electronic Vehicle o mas kilala sa tawag na E Bike ay kauna unahang disenyo sa buong Pilipinas at tanging sa munisipyo lamang ng Romblon ito ilalabas ng kompanyang Honda mula sa bansang Japan.
Nagkaroon ng pinal na meeting sa opisina ng ROMELCO sa Brgy. Capaclan, Romblon, Romblon noong Nobyemre 24, 2018 kasama ang mga kawani ng koop sa pangunguna ni GM Rene Fajilagutan, Mr Peter Morante Institutional Manager, at Nobe Fajiculay House wiring Inspector kasama ang mga opisyales ng Honda Japan, Panasonic Japan at Nomura Research Institute mula sa Singapore para sa pagpapakilala ng makabagong teknolohiya nito.
Asahan ang paglabas ng mga Electronic Vehicle sa munisipyo sa nalalapit na buwan ng Disyembre ngayong taon.
https://global.honda/…/ne…/2018/2181129eng-pcx-electric.html
ANG TAGAPAMAHALA
November 28, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Muling binuksan ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang kanyang opisina para sa mga estudyante ng tatlong paaralan para sa kanilang “Student Immersion” at “On Job Training” na kung saan parte ng kanilang akademya sa pag aaral.

📣 STUDENT IMMERSION PLUS OJT 📣
Muling binuksan ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang kanyang opisina para sa mga estudyante ng tatlong paaralan para sa kanilang “Student Immersion” at “On Job Training” na kung saan parte ng kanilang akademya sa pag aaral. Ang mga estudyanteng ito ay mula sa Romblon National High School (RNHS) Romblon, Romblon State University (RSU) Sawang Campus Romblon at Esteban Madrona National High School sa Brgy Bachawan San Agustin Romblon. Ang mga estudyante na nagmula sa RNHS at EMNHS ay pawang mga nasa grade 12 at ang mga galing naman sa RSU ay nasa kursong Business Administration na pawang mga 4th year students. May kabuuang limamput-isang estudyante (51students) ngayon ang nasa loob ng bakuran ng ROMELCO Main Office Brgy. Capaclan Romblon Romblon na nagnanais matuto pahinggil sa industriya ng pakuryente na nagsimula ng Lunes November 26, 2018.
Buong puso naman ang pagtanggap ng ROMELCO sa mga estudyanteng ito bilang parte ng pagtulong ng koop sa kanyang komunidad lalong lalo na sa mga estudyante at hindi lamang sa pagbibigay ng maayos na serbisyo ng kuryente sa kanyang nasasakupan.


ANG TAGAPAMAHALA
November 24, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Nais po naming ipaalam sa inyo na may power interruption po ngayong Sabado November 24, 2018 mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas dose ng tanghali dahil nasasagawa po ng Line Maintenance ang ROMELCO.

📣 POWER UPDATE 📣
Sa aming mga minamahal na Miyembro-Konsumedores ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa munisipyo ng Romblon, nais po naming ipaalam sa inyo na may power interruption po ngayong Sabado November 24, 2018 mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas dose ng tanghali (9am to 12noon) dahil nasasagawa po ng Line Maintenance ang ROMELCO sa ating mga linya ng kuryente sa inyong mga lugar.
Ang inyong pang unawa ay aming inaasahan sa mga ganitong sitwasyon. Maraming Salamat po.

ANG TAGAPAMAHALA
November 19, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Naitayo na ngayong araw November 19, 2018 ang unang wind turbine na isa lamang sa dalawa pang naka abang para sa isinusulong na proyekto ng Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) na Renewable Energy (RE) sa kanyang nasasakupan.

📣 PROJECT WINDMILL UPDATE📣
Naitayo na ngayong araw November 19, 2018 ang unang wind turbine na isa lamang sa dalawa pang naka abang para sa isinusulong na proyekto ng Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) na Renewable Energy (RE) sa kanyang nasasakupan. Ang bawat turbinang itatayo ay may 300 kilowatt na kapasidad kung kayat ang tatlong turbina ay may kabuuang 900 kilowatt. Ang proyektong ito ay itinayo sa mga lugar ng Brgy. Bagacay, Lonos at Agnay Romblon, Romblon.
Asahang sa susunod na mga araw ay maitatayo na din ang dalawa pang windmill sa mga nasabing lugar dahil na din sa puspusang pagkukumpuni nito. Naantala lamang ito ng mga nagdaang araw dahil na din sa malakas na ulan na nagdulot ng madulas at maputik na daan paakyat kung kayat nahirapang dalhin sa site ang mga mabibigat na equipment.

ANG TAGAPAMAHALA
November 13, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Nagsagawa ng malawakang Public Consultation ang Department of Energy (DOE) kaagapay ang Provincial Planning Development Office (PPDO) Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO), Tablas Island Electric Cooperative Inc (TIELCO) para sa Energy Planning ng buong probinsya ng Romblon sa taong 2018-2040 noong November 8, 2018.

📣 PUBLIC CONSULTATION📣
Nagsagawa ng malawakang Public Consultation ang Department of Energy (DOE) kaagapay ang Provincial Planning Development Office (PPDO) Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO), Tablas Island Electric Cooperative Inc (TIELCO) para sa Energy Planning ng buong probinsya ng Romblon sa taong 2018-2040 noong November 8, 2018 sa Magnificat Center Brgy. Lonos Romblon para sa Romeco at November 6, 2018 sa Sato Dizon Hotel para sa Tielco.
Ang pagtitipon ay nagsilbing konsultasyon, pagbibigay impormasyon at edukasyon, magandang komunikasyon na magbubuklod upang mapaghandaan ang kinakailangang enerhiya ng buong probinsya ng Romblon sa hinaharap. Naging panauhin sa pagtitipon ang lahat ng stakeholders kabilang ang mga opisyales ng Romelco, Multi-Sectoral Electrification Advisory Council (MSEAC) nito, Barangay Electric Consumers Association(BECA), Member Consumers Organization (MCO), mga may ari ng mga malalaking planta ng marble at mga pinuno ng ahensiya ng lokal at nasiyonal na opisina ng gobyerno.
Maayos namang sinagot ng mga butihing tagapagsalita at mga pinuno ng mga ahensiya gaya ng Romelco ang mga katanungan hinggil sa kahandaan nito sa kinakailangang suplay ng kuryente sa hinaharap.


ANG TAGAPAMAHALA
November 03, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Dumating na ngayong araw November 3, 2018 (Sabado) ang mga equipment ng Wind Turbine upang masimulan ng maitayo ito sa mga Barangay ng Bagacay, Lonos at Agnay Romblon, Romblon.

PROJECT WINDMILL UPDATES
Dumating na ngayong araw November 3, 2018 (Sabado) ang mga equipment ng Wind Turbine upang masimulan ng maitayo ito sa mga Barangay ng Bagacay, Lonos at Agnay Romblon, Romblon. Pinangunahan ni Gm Rene Fajilagutan ang koordinasyon sa paghahakot upang masigurong maayos ang pagsasagawa nito.
Ang mga heavy equipment na ito ay dadalhin na rin sa site sa loob lamang ng tatlong araw at agarang isasagawa ang instulasyon. Ang bawat isang wind turbine ay may kapasidad na 300 kilowatt kung saan may kabuuang 900 kilowatt ang tatlong itatayo.
Ang mga proyektong Renewable Energy ay mahigpit na isinusulong ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa kanyang nasasakupan upang maging mura at malinis ang pinagmumulan ng ating kuryente.

ANG TAGAPAMAHALA
October 16, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw October 16-17, 2018 sa HESA NEA Building Quezon City ang seminar-workshop kung paano mamintina at mapalago pa ang Member Consumers Organization (MCO) na pinangunahan naman ni Administrator Edgardo R. Masongsong ng National Electrification Administration (NEA).

💁WORKSHOP ON HOW TO SUSTAIN THE 💁
ORGANIZED MCO’S AND SEMINAR ON
APPRECIATING THE COMMUNITY
ORGANIZING
Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw October 16-17, 2018 sa HESA NEA Building Quezon City ang seminar-workshop kung paano mamintina at mapalago pa ang Member Consumers Organization (MCO) na binuo ng mga koop ng kuryente sa kani-kanilang lugar upang mapalakas ang hanay ng ating mga member-consumers.
Layunin din ng meeting na palakasin ang mga puso ng mga kawani ng koop na mas lalo pang pagtibayan at tutukan ang mga samahang nabuo para sa komunidad upang mas maging epektibo at lalong mapagtibay ang relasyon ng mga member-consumers sa kanilang koop ng kuryente.
Pinangunahan naman ni Administrator Edgardo R. Masongsong ng National Electrification Administration (NEA) ang pagsasalita para ilatag sa lahat ang mga hamon na haharapin pa ng mga koop at kung paano mapalakas ang pundasyon ng koop kabilang ang mga kasapi kamay-ari ng koop.


ANG TAGAPAMAHALA
October 16, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Noong Oktobre 14, 2018 isa ang Poblacion 3 sa Romblon, Romblon sa nangunang magpatawag ng asembleya sa kanilang mga residente sa barangay.

Patuloy ang imbitasyon ng mga barangay ng munisipyo ng Romblon sa ROMELCO o Romblon Electric Cooperative Inc. sa kanilang mga barangay assemblies upang magbigay ng mga kaukulang impormasyon hinggil sa mga programa ng Romelco para sa ating mga member consumers at sa mga nagbabalak pa mag aplay ng serbisyo ng kuryente.
Noong Oktobre 14, 2018 isa ang Poblacion 3 sa Romblon, Romblon sa nangunang magpatawag ng asembleya sa kanilang mga residente sa barangay. Si Info Officer Alma Regala ang pinadala ng koop upang magbigay ng impormasyon sa mga programa ng koop gaya ng sitio electrification program at iba pa.
Maayos na natapos ang asembleya ng sa pangunguna ng butihing Punong Barangay ng Brgy. 3 na si Kap Jusel Maduro at sa mga kasama nito sa konseho.

ANG TAGAPAMAHALA