Archives: Blog

HONDA EV UPDATE

January 28, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Para po sa lahat na nagnanais na mag Hire ng Honda Electric Vehicle, ang tanggapan po ng ROMELCO ay muling magbubukas para sa pag release sa araw ng Miyerkules January 30, 2019 dahil “SOLD OUT” po ang unang batch ng mga unit na inilabas.

 

50808982_2227231680928406_5922334012226928640_n

 

📢HONDA EV UPDATE📢

 

Para po sa lahat na nagnanais na mag Hire ng Honda Electric Vehicle, ang tanggapan po ng ROMELCO ay muling magbubukas para sa pag release sa araw ng Miyerkules January 30, 2019 dahil “SOLD OUT” po ang unang batch ng mga unit na inilabas.

 

Para po sa mga gusto ng kumpirmadong reservation magsadya sa opisina ng ROMELCO sa Brgy. Capaclan Romblon, Romblon upang makapagsumite po kayo ng mga kakailanganing papeles gaya ng updated Community Tax Certificate o Cedula at Valid Driver’s license.

 

Maraming Salamat po.

 

#HONDAEVFIRSTBATCHASOLDOUT👍👍👍

 

ANG TAGAPAMAHALA

HONDA EV sa ROMBLON Pumapalo!

January 27, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Ang proyektong ito unang una na ay parte pa rin ng pagbibigay daan ng ROMELCO sa mga “Renewable Projects” na mahigpit na isinusulong ng masipag na General Manager ng ROMELCO Engr Rene Fajilagutan sa nasasakupan ng koop. 

 

50875397_2226081851043389_2658548193167409152_n

 

📢 HONDA EV sa ROMBLON Pumapalo! 📢

 

Unang una ang pamunuan ng ROMELCO (Romblon Electric Cooperative Inc) sa pangunguna ni GM Rene Fajilagutan ay nais pasalamatan ang unang limampung owner (50 owner) para first batch na kumuha ng Honda Electric Vehicle kahapon January 26, 2019. Para po sa mga nagpa reserve ng unit sa lunes po January 28, 2019 muling magbubukas ang tanggapan ng ROMELCO para sa second batch na kukuha.

 

Kami po ay lubos lubos ang kaligayahan sa feedback na aming natanggap patungkol sa proyektong ito dahil halos ang mga tao mula pa sa ibat ibang parte ng bansang Pilipinas ay nakikipag ugnayan sa amin via ROMELCO FB Page upang magkaroon lamang ng Honda Electric Vehicle o PCX. Sila po ay nagnanais din na makaranas masakyan ang prestihiyosong sasakyan dahil na rin sa ito ay unang una na “environment friendly” solidong “Japan made” at malaking tulong para sa mga nagtitipid sa gastusin lalo na sa gasolina.

 

Ang proyektong ito unang una na ay parte pa rin ng pagbibigay daan ng ROMELCO sa mga “Renewable Projects” na mahigpit na isinusulong ng masipag na General Manager ng ROMELCO Engr Rene Fajilagutan sa nasasakupan ng koop. Ang gobyerno ng Japan na tumulong upang maisakatuparan ang “Wind Turbine” at “Honda Electric Vehicle” ay epekto lamang ng pagpupursige ng ROMELCO sa pangunguna ni GM Rene na tayo ay mabigyan ng maayos, malinis at murang serbisyo ng kuryente na ating maipagmamalaki at dapat na ingatan sa darating na panahon.

 

Ang Honda EV bago po ito inilabas sa Munisipyo ng Romblon ay masusing pinag aralan sa matagal na panahon ang bawat detalye ng pagtitipid ng mga biyahero ng munisipyo partikular ang mga nag mamay ari ng motor na de gasolina na nakatira at bumabyahe sa malalayong lugar sa munisipyo. Ang proyektong ito na dapat ipagmalaki ng mga taga Romblon Romblon sapagkat ito ay kauna unahang inilabas dito lamang sa munisipyo at hindi mo makikita sa ibang parte ng bansang Pilipinas ay walang intensiyong masama bagkos ay matulungan pa ang ating lugar na panatilihing malinis at makapag impok tayo ng naaayon sa tama.

 

Ito po ay pinarerentahan lamang sapagkat ito po ay “Pilot Project” o paunang proyekto na sa kalaunan ay papalawakin pa dahil na din sa mabilis na ikot ng teknolohiyang napapaloob dito.

 

Ang dalawang libong renta ang sasagot sa mga gumagastos ng mas malaki sa pang araw araw na pamamasahe at pagbili ng gasolina para sa paghahanap-buhay, pag-aaral o anu pa mang gawain na kailangang sumakay ka para makarating sa iyong patutunguhan, hindi po ito sagot para sa mga nagnanais magkaroon ng sariling unit ng EV o sasakyan dahil hindi po ito ibinebenta. Gayunpaman huwag pong alisin ang posibilidad na sakaling maganda ang maging resulta ng proyektong ito ang mga kumuha ng unit ay mas pagpapalain.😉

 

Ang EV ay solidong gawa mula sa Japan, pinag aralan at binuhusan ng pawis ng matatalino at matibay na teknolohiya ng mga Hapon. Sa dalawang libong renta ay libre na ang maintenance fee pati na rin ang pagpapalit ng mga consumables gaya ng gulong break pad, break shaw, tire hose etc. Numero unong isinusulong ng proyektong ito ay hindi para kumita o abusuhin ang laman ng inyong bulsa bagkos magkaroon ng malinis na kapaligiran, maayos na sasakyan na magagamit sa paghahanap-buhay at makapag impok ng salapi para sa hinaharap lalong lalo na sa mga may malaking gastusin sa pamamasahe at gasolina. Sa huli, hindi po ito para sa mga nagnanais maging kanila ang sasakyan sapagkat ito ay pinaparentahan lamang at hindi rin po sapilitan. Ngunit kung nais niyong maranasan ang purong teknolohiya ng de kuryenteng sasakyan ng Hapon kahit nasa bayan kalang, abah eh Tara na Hire Ka na!!
Abang kahipos ng Hagong Po Pramis!!😉 Swabe!!👍👍👍

 

50708411_2226081904376717_7966108583874002944_n 51097689_2226081947710046_5340246212815618048_n
 
 
 

ANG TAGAPAMAHALA

HONDA EV DEMO

January 26, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Isinasagawa na ngayong araw January 26, 2019 sa opisina ng ROMELCO (Romblon Electric Cooperative Inc.) sa Brgy Capaclan Romblon, Romblon ang pag demo at pag “turn over” ng mga Honda Electric Vehicle na tatakbo na sa munisipyo ng Romblon ngayong araw.

 

50532356_2225529271098647_275849046294265856_n

 

📢 HONDA EV DEMO 📢

 

#ABSOLUTELYNODOWNPAYMENT

 

Isinasagawa na ngayong araw January 26, 2019 sa opisina ng ROMELCO (Romblon Electric Cooperative Inc.) sa Brgy Capaclan Romblon, Romblon ang pag demo at pag “turn over” ng mga Honda Electric Vehicle na tatakbo na sa munisipyo ng Romblon ngayong araw.

 

Sa mga nagnanais makatipid at maging sundalo para ma proteksiyunan ang ating kapaligiran kayo po ay aming iniimbitahan na bumisita sa aming tanggapan ngayon upang magkaroon ng Honda EV na dito lamang sa Munisipyo ng Romblon makikita. Unang una sa buong Pilipinas. Tara na!!! Hire na!!!

 

#HondaEVforLease

 

49579384_2225531151098459_4697877031281491968_n 50583669_2225527631098811_2588250444799148032_n 50623441_2225532021098372_6937507712263520256_n 50632898_2225532171098357_6172068270087077888_n 50668194_2225531464431761_6465470890669768704_n 50800547_2225528177765423_2980308601609912320_n 50937060_2225531767765064_8308846965504868352_n
 
 
 

ANG TAGAPAMAHALA

The BEX are READY to ROLL!

January 16, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Inihahanda na ang mga Battery Exchanger (BEX) para sa pagbubukas at pagsisimula ng operasyon ng Electric Vehicle (EV) sa munisipyo ng Romblon sa darating na January 26, 2019. 

 

50259492_2218822078436033_6311568313939918848_n

 

🔔The BEX are READY to ROLL!🔔

 

Inihahanda na ang mga Battery Exchanger (BEX) para sa pagbubukas at pagsisimula ng operasyon ng Electric Vehicle (EV) sa munisipyo ng Romblon sa darating na January 26, 2019. Ang mga opisyales ng Honda mula pa sa bansang Japan kasama ang mga kawani ng Panasonic ay binubuhos ang lahat ng kanilang kaalaman kaakibat ang makabagong teknolohiya para masigurong maayos ang pagsisimula ng proyektong ito sa munisipyo ng Romblon kung saan dito lamang matatagpuan ang mga nasabing Electric Vehicle o PXC sa buong bansa.

 

Ang lahat ng interesadong kumuha ng Electric Vehicle ay iniimbitahang bumisita sa opisina ng ROMELCO sa January 26, 2018 Sabado alas nuwebe ng umaga para sa “demo” na gagawin mismo ng mga opisyales ng Honda Philippines. Sa mga nakapagpalista na ng inyong pangalan ay maaari lamang magdala ng photocopy ng inyong updated driver’s license upang mabilis po ang proseso ng pagtanggap niyo ng nasabing behikulo.

 

Maraming Salamat po.

 

49900134_2218821668436074_7796081716367458304_n 50221012_2218822305102677_2505363619005333504_n
 
 
 

ANG TAGAPAMAHALA

HALA BIRA! PWERA PASMA!

January 13, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  ROMELCO Family joins the famous Romblon BINIRAY FESTIVAL last January 12, 2019.

 

49787316_2216644678653773_3059868975232974848_n

 

 

🔔 HALA BIRA! PWERA PASMA!! 🔔

 

ROMELCO Family joins the famous Romblon BINIRAY FESTIVAL last January 12, 2019 as well as the civic military parade as part in celebrating the municipalities fiesta.

 

Photo Credit to: Engulbert Mariveles and Dinah Rosas

 

 

49410040_2216647711986803_3621959540058095616_n 49660100_2216646255320282_210456043203854336_n 49781359_2216644911987083_2872001350449758208_n 49801110_2216648161986758_7547077895005405184_n 49807067_2216646665320241_2238147645954588672_n 49811018_2216647275320180_4177625005607092224_n 49938380_2216645485320359_3711072595257327616_n 49949291_2216647541986820_5144422912735838208_n 49949865_2216646061986968_3640493045494841344_n 50006547_2216647961986778_2787167946693148672_n50261775_2216646998653541_8095481103432810496_n 50112143_2216646431986931_1412627783175110656_n
 
 
 

ANG TAGAPAMAHALA

CONFERENCE With DEPUTIZED AGENCY

January 09, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Inimbitahan ng Commission on Election (COMELEC) ang mga ahensiyang makakatulong nila sa gagawing National Election sa May 13, 2019 noong January 8, 2019 sa Romblon PPO Conference Room Brgy. Capaclan, Romblon, Romblon upang mapagplanuhan ng maayos at matiwasay ang nalalapit na eleksiyon ngayong taon.

 

49213474_2213805298937711_4900151342175092736_n

 

🔔 CONFERENCE With DEPUTIZED AGENCY 🔔

 

Inimbitahan ng Commission on Election (COMELEC) ang mga ahensiyang makakatulong nila sa gagawing National Election sa May 13, 2019 noong January 8, 2019 sa Romblon PPO Conference Room Brgy. Capaclan, Romblon, Romblon upang mapagplanuhan ng maayos at matiwasay ang nalalapit na eleksiyon ngayong taon.

 

Kabilang ang ROMELCO sa mga ahensiyang inimbitahan bilang kaagapay sa maayos at maliwanag na pagsasagawa ng eleksiyon sa Mayo 2019.

 

Pinadala naman ng butihing General Manager Rene Fajilagutan si Institutional Manager Peter L. Morante sa nasabing pagtitipon upang maipabatid sa mga dumalo na ang ROMELCO kaagapay ang National Power Corporation (NPC) ay maghahanda ng puspusan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga linya nito at pagmimintina upang maiwasan ang interruption ng kuryente para sa mabilis at katagumpayan ng nasabing eleksiyon.

 

49722649_2213806432270931_4040093675978489856_n 50061697_2213805962270978_4851447671463870464_n 49273722_2213806622270912_9075977112967446528_n 49623475_2213805632271011_4775551433225273344_n 49589796_2213806202270954_2163204220440805376_n
 
 
 

ANG TAGAPAMAHALA

MSEAC MEETING IN ROMBLON

January 06, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Sa kauna-unahang pagkakataon, pinag isa ang quarterly meeting ng Multi-Sectoral Electrification Advisory Council (MSEAC) ng tatlong distrito (District 1, 2, & 3) ng ROMELCO (Romblon Electric Cooperative Inc) sa munisipyo ng Romblon noong Biernes January 4, 2019 sa mismong opisina ng koop sa Brgy. Capaclan Romblon, Romblon. 

 

49465023_2212031875781720_3976881979403534336_n

 

🔔 MSEAC MEETING IN ROMBLON 🔔

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, pinag isa ang quarterly meeting ng Multi-Sectoral Electrification Advisory Council (MSEAC) ng tatlong distrito (District 1, 2, & 3) ng ROMELCO (Romblon Electric Cooperative Inc) sa munisipyo ng Romblon noong Biernes January 4, 2019 sa mismong opisina ng koop sa Brgy. Capaclan Romblon, Romblon.

 

Ang unang pagtitipon ng mga MSEAC members ay iniliaan para sa isang advokasiyang maprotektahan ang interes ng lahat mga member consumers at ang misyonaryong operasyon ng mga koop ng kuryente sa ilalim ng pamamahala ng NEA o National Electrification Administration laban sa mga pribadong kumpanya na pagmamay-ari ng mga mayayamang tao sa bansa na pinipilit kontrolin at ma monopolya ang operasyon ng distribyusyon ng kuryente sa buong bansa.

 

Ang mga miyembro ng MSEAC sa munisipyo ng Romblon ay nagpakita ng kanilang pakikiisa na labanan ang mga motibo at gawaing ito upang mapanatiling pantay pantay ang karapatan ng lahat ng Member Consumers sa nasasakupan ng ROMELCO.

 

49897721_2212032052448369_3377013685401681920_n 49385117_2212032205781687_6418783466585849856_n 49736818_2212032532448321_6043876909484343296_n
 
 
 

ANG TAGAPAMAHALA

SANHI NG BROWNOUT SA MAGDIWANG AREA

December 29, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Ang brownout na nagsimula pa ng alas onse kagabi sa Munisipyo ng Magdiwang ay dahil sa nagkaroon ng landslide at nagulungan ng malaking bato ang poste ng kuryente sa may Brgy Ipil Magdiwang Romblon.

 

49110970_2206103163041258_2573248927193104384_n

 

🔔 SANHI NG BROWNOUT 🔔
MAGDIWANG AREA

 

Ang brownout na nagsimula pa ng alas onse kagabi sa Munisipyo ng Magdiwang ay dahil sa nagkaroon ng landslide at nagulungan ng malaking bato ang poste ng kuryente sa may Brgy Ipil Magdiwang Romblon.

 

Hindi rin agad na restore ang power sa munisipyo kagabi dahil na din sa landslide sa pagitan ng Brgy Agsao at Agutay na nagpahirap sa mga linemen na makadaan sa lugar. Ang mabilis na solusyon ay agad na ipinatutupad upang maibalik ang normal na serbisyo ng kuryente sa ating lahat.

 

Lubos kaming humuhingi ng pang unawa sa mga sitwasyong ganito. Maraming Salamat po.

 

Photo Credit: Michelle Alvaran

 

48917530_2206103226374585_7872422664109817856_n 48952646_2206103203041254_7286740629906784256_n 49213212_2206103273041247_5240602413202669568_n
 
 
 

ANG TAGAPAMAHALA

DAHILAN NG BROWNOUT

December 28, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Sa lahat ng mga Member Consumers ng ROMELCO partikular sa Brgy Lonos Romblon, Romblon ang dahilan po ng brownout kagabi December 27, 2018 ay pagkasunog ng transformer sa poste ng kuryente na naging dahilan ng pagkabali nito.

 

49187819_2205279926456915_3222586684575055872_n

 

🔔DAHILAN NG BROWNOUT🔔

 

Sa lahat ng mga Member Consumers ng ROMELCO partikular sa Brgy Lonos Romblon, Romblon ang dahilan po ng brownout kagabi December 27, 2018 ay pagkasunog ng transformer sa poste ng kuryente na naging dahilan ng pagkabali nito.

 

Magkakaroon po ng isang oras na power interruption ngayong umaga mula Sitio Suwa Lonos hanggang Sitio Sampaloc Agpanabat Romblon para sa mabilisang pagpapalit at pagsasaayos ng nabaling poste sa Centro ng Brgy Lonos Romblon.

 

Ito po ay para sa inyong kaalaman. Ang inyong pang unawa ay lubos naming inaasahan. Maraming Salamat po.

 

49019429_2205280059790235_3284873258079354880_n 49069796_2205281079790133_6812505059935387648_n 49129700_2205280546456853_4704553270180315136_n
 
 
 

ANG TAGAPAMAHALA

EV is FINALLY OUT!

December 16, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Opisyal na inilunsad kahapon (December 15, 2018 Sabado) sa munisipyo ng Romblon ang kauna-unahang “Electric Vehicle” na derekta pang nagmula sa bansang Japan at tanging makikita lamang sa Romblon, Romblon.

 

48358566_2196428370675404_5564196420493246464_n

 

📣 EV is FINALLY OUT! 📣

 

Opisyal na inilunsad kahapon (December 15, 2018 Sabado) sa munisipyo ng Romblon ang kauna-unahang “Electric Vehicle” na derekta pang nagmula sa bansang Japan at tanging makikita lamang sa Romblon, Romblon. Ang behikulo na mas kilala sa tawag na EV ay parte pa rin ng isinusulong na Renewable Projects ng ROMELCO para sa kanyang nasasakupan.

 

Pinangunahan naman ni GM Rene M. Fajilagutan ang kauna-unahang test drive sa buong munisipyo ngayong araw ng Linggo (December 16, 2018) kung saan inikot nila ang EV at tenesting ang bilis, kakayahan at ang bateryang gamit nito.

 

Ang naturang sasakyan ay nagkakahalaga ng kalahating milyon at bukas lamang para rentahan ng apat na taon sa halagang dalawang libo bawat buwan ng mga member consumers ng koop. Libre rin ang halos lahat ng maintenance nito at tanging sa Honda service center lamang na makikita sa Basyao Brgy 3 Romblon, Romblon maaari itong dalhin para sa maintenance at anumang problema.

 

Para sa ilan pang impormasyon at katanungan tumawag sa ROMELCO Office sa numerong 09107833956 para sa inyong reservation.

 

48391169_2196427544008820_4799546543629664256_n 48359811_2196467084004866_6432005596421029888_n 48366731_2196466627338245_3727618784966475776_n 48281475_2196466894004885_5013642644631322624_n 48374905_2196466580671583_6731494305921236992_n 48369744_2196466717338236_5641070206173315072_n 48368008_2196466247338283_4239121945079054336_n 48328455_2196466444004930_8622647695741288448_n 48312927_2196466504004924_8175327204050206720_n 49021064_2196466367338271_4001459470193393664_n 48383958_2196466127338295_7086130369732280320_n 48403353_2196429654008609_4080883452835004416_n 48355438_2196466074004967_6691256307808206848_n 48357832_2196466007338307_1303109222388465664_n 48358176_2196465924004982_8207928874865000448_n 48362378_2196427787342129_998904290904899584_n 48368345_2196466177338290_5106221283171893248_n 48356566_2196428970675344_1710571627298684928_n
 
 
 

ANG TAGAPAMAHALA