Archives: Blog

Power Update in Sibuyan Island

June 03, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: POWER UPDATE IN SIBUYAN ISLAND

 

61764908_2312356082415965_3769917774676099072_n

 

Nagsagawa po ng Emergency Shutdown sa planta ng NAPOCOR kanina kung saan nagkaroon ng pagsasaayos ang kanilang mga kawani sa Feeder 2 Jumper at pinalitan ang cut out ng linya ng kuryente sa kanilang planta sa San Fernando, Romblon. Ito po ang dahilan ng power interruption sa buong isla kaninang umaga na tumagal ng humigit isang oras.

 

Ito po ay para sa inyong kaalaman.

 

Maraming Salamat po.

 

Kuryente Update

May 20, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: KURYENTE UPDATE

 

60604866_2302361343415439_2865582908372942848_n

 

Sa lahat ng aming mga Member Consumer

 

Sa kasalukuyan po ay muling nagsasagawa pa rin ng “Load Shedding” sa buong munisipyo ng Romblon dahil sa ang ilang makina sa planta ng National Power Corporation o NPC Kung saan natin binibili ang ating kuryente ay nagkaroon ng problema. Ang mga brownouts na ito ay maaaring tumagal ng tatlong oras o higit pa dahil na din sa sinisigurado ng Romelco kung kaya na ang load at pwede ng mai power on ang inyong mga lugar.

 

Ayon kay Engr. Ricky Umban ng NPC na ating nakapanayam kani kanina Lang ang ilang gensets o makina sa Barge 109 ay maayos na kayat mababawasan na ang mga lugar na walang kuryente ngunit pinipilit pa rin nilang maibalik sa maayos na takbo ang lahat ng gensets nila ngayong araw upang makapag power on na sa lahat ng lugar. Kailangang maayos nila ang mga makina sa Barge 109 upang sakaling ipahinga nila ang ilan sa mga unit ng genset nila ay mayroong kapalit upang tuloy tuloy ang operasyon. Ayon pa sa kanya apektado ang performance ng kanilang mga makina dahil na rin sa sobrang init ng panahon sa ngayon.

 

Ang pamunuan ng ROMELCO katulong ang ating mga kasamahan sa NAPOCOR ay pinipilit at ginagawa ang lahat ng solusyon upang maibalik ang serbisyo ng kuryente sa ating lahat.

 

Ito po ay Para sa inyong kaalaman.

 

Maraming Salamat po sa inyong pang unawa.

APEC Partylist

April 30, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: APEC PARTYLIST

 

59064621_2288460871472153_5068606397680189440_n

 

APEC Lang ang Partylist nga ya mo pa gina boto nag trabaho na kag naga sulong pa nga ma proteksiyunan ang karapatan ng mga Miyembro Konsumedores nga pantay pantay ang karapatan sa koop ng kuryente. Ang mga palibre nga pa kuryente sa mga sitios na malayo sa banwa hay nagsiga na. Ang mga pulitiko nga naga pa boto sa indo ning mga Partylist nga bokun taga diri sa aton sa probinsiya ng Romblon mabuligan ba kamo sa indo kada bulan nga bayaron sa kuryente. INDI!! kundi sinda Lang kag inda Lang bulsa ang naga pakinabang kay daku nga kwarta inda gina baton gani maski dri sa Romblon imaw inda gina kampanya imaw Ina ang matuod!! Samantalang ang APEC ultimo mga Sitio sa Sulok ng Munisipyo De kuryente na kag pa kuryentehan pa gid kay imaw ang mandato ng Romelco na mapahayagan ang iya Probinsiya!! Gani aton IBOTO ng APEC #24 sa Balota!!

 

ROMELCO 27th AGMA

March 30, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: ROMELCO 27TH AGMA

 

55560395_2267705713547669_6267395807956172800_n

 

ROMELCO 27th Annual General Membership Assembly!!!

 

LEXICON National & Regional

February 21, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Kasakaluyang ginagawa ngayon araw February 21-22, 2019 ang Strategic Meeting ng National at Regiona officers ng League of Electric Cooperative Information and Communication Officers (LEXICON) ng lahat ng kooperatiba ng kuryente sa buong Pilipinas sa mismong opisina ng PHILRECA (Association of Philippine Rural Electric Cooperatives) sa West Avenue Quezon City.

 

52494475_2244076235910617_1991439978533486592_n

 

🚩LEXICON National & Regional 🚩
Strategic Planning

 

Kasakaluyang ginagawa ngayon araw February 21-22, 2019 ang Strategic Meeting ng National at Regiona officers ng League of Electric Cooperative Information and Communication Officers (LEXICON) ng lahat ng kooperatiba ng kuryente sa buong Pilipinas sa mismong opisina ng PHILRECA (Association of Philippine Rural Electric Cooperatives) sa West Avenue Quezon City.

 

Layunin nitong pag ibayuhin pa ang nasimulan na ng asosasyon sa larangan ng pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga Miyembro Konsumedores ng lahat ng koop ng kuryente upang mas maging maalam at ma proteksiyunan ang karapatan ng MCO.

 

Ang dalawang araw na Strategic Planning ay mas pinagaling at pinagtibay ng mga konkretong plano ng mga mandirigma sa larangan ng panulat partikular sa social media. Halos lahat ng mga dumalong Information officers ay binigyan ng mas matibay na kapamaraanan para mas mapalawak pa ang kanilang mga kasanayan at mas maipakita pa nila ang husay at talento nila sa pagbibigay ng epektibo at tamang impormasyon sa mga mahal na miyembro konsumedores ng mga koop ng kuryente.

 
 
52300421_2244076859243888_8178308121807028224_n 52365724_2244076772577230_2787169059089678336_n 52384646_2244077109243863_4950994615269326848_n 52396330_2244076899243884_2478204775561166848_n 52426846_2244076365910604_133910766687354880_n 52457860_2244077055910535_5009543386110099456_n 52498810_2244076302577277_1777251844972609536_n 52606020_2244076515910589_5482455204211195904_n 52608734_2244076699243904_237394301422665728_n 52692443_2244076945910546_5149154545061855232_n 52749953_2244076579243916_2397193003639767040_n 52874763_2244076989243875_8718644943565881344_n 52876826_2244076435910597_7007409168294346752_n 

 

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

MONDAY MORNING CRAZE IN ROMELCO

February 18, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Simulan ang umaga ng may ngiti at saya. Harapin ang hamon ng buhay ng buong tawa. Ito ang naging tema ng pang lunes na programa ng mga empleyado ng ROMELCO sa Main Office Brgy. Capaclan Romblon, Romblon.

 

52439603_2241936072791300_1051695812704206848_n

 

🚩 MONDAY MORNING CRAZE in ROMELCO

 

Simulan ang umaga ng may ngiti at saya. Harapin ang hamon ng buhay ng buong tawa.
Ito ang naging tema ng pang lunes na programa ng mga empleyado ng ROMELCO sa Main Office Brgy. Capaclan Romblon, Romblon. Matapos ang flag ceremony ay nagsagawa ng Laughing Yoga ang mga kawani ng koop para maging mas masigla ang bawat isa sa pagharap ng kani-kaniyang tungkulin sa loob ng koop. Hindi lamang maging masigla kundi maging mabunga at may konkretong misyon para sa maayos na pagserbisyo sa lahat ng mga Member Consumer Owners (MCO) ng koop.

 

52354532_2241931889458385_7849739090688737280_n 

 

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

INAGURASYON AT SELEBRASYON

February 10, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Isinagawa ang inagurasyon ng 900 killowatt na Wind Turbine at Mobile Battery Project ngayon araw sa Barangay Agnay Site 3 Romblon, Romblon kung saan dinaluhan ito ng mga bisita mula pa sa ibat ibang bahagi ng mundo.

 

51538388_2236318360019738_1631423836824010752_n

 

📢 INAGURASYON at SELEBRASYON 📢

 

Isinagawa ang inagurasyon ng 900 killowatt na Wind Turbine at Mobile Battery Project ngayon araw sa Barangay Agnay Site 3 Romblon, Romblon kung saan dinaluhan ito ng mga bisita mula pa sa ibat ibang bahagi ng mundo. Buong pwersang dumalo sa pagtitipon ang mga matataas na opisyal mula pa sa Japan ng kompanyang Honda at KOMAIHALTEC. Si Deputy Administrator para sa Technical Services Engr. Artis Nikki Tortola ng National Electrification Administration kasama ang buong team ng NEA ay hindi din nagpahuli sa naturang selebrasyon.

 

Hindi naman mapantayan ang kaligayahan n buong ROMELCO management and staff sa pangunguna ni GM Rene Fajilagutan dahil sa suportang natanggap nito mula sa mga malalaking kompanyang nagbigay daan upang maisakatuparan ang mga proyektong ito hanggang sa lokal na pamahalaan ng Munisipyo ng Romblon pati na sa suporta ng ibat ibang sektor at mga nasyonal na opisina ng pamahalaan.

 

Isang maligayang selebrasyon ang pangyayaring ito sa pahina ng kwento ng ROMELCO sa pagbibigay ng maayos na serbisyo ng kuryente sa kanyang nasasakupan lalong lalo na sa mga Member Consumer Owners (MCO) ng kooperatiba na patuloy na pagsisilbihan ng ROMELCO ng malinis at murang kuryente mula sa mga Renewable Projects nito sa darating pang panahon.

 

#InaugurationofWindTurbine
#ROMELCOSupportsGREENEnergy
#CleanEnergyforCleanerROMBLON

 

52274893_2236317163353191_8570785969937055744_n

51170981_2236318873353020_5702524144432709632_n 51533782_2236320230019551_2509152020678574080_n 51564360_2236320546686186_7460333076183252992_n 51585687_2236319706686270_4099934192593272832_n 51604144_2236320016686239_2581779406552825856_n 51616518_2236317720019802_8421960688796172288_n 51628672_2236319890019585_2425318854675660800_n 51697074_2236319186686322_7906366138542456832_n 51720841_2236320733352834_5111314169492144128_n 51861682_2236320990019475_2543049422997028864_n 51895353_2236318653353042_7365021120455507968_n 51964370_2236317380019836_9011316565009760256_n 51977507_2236319563352951_2968863179486003200_n 52002785_2236318516686389_7493885120181436416_n 52005975_2236320410019533_8165635863749853184_n 52126779_2236318213353086_5828077789525311488_n 52134293_2236317883353119_6744540694284599296_n 52141299_2236318993353008_8289839218369232896_n 52283822_2236318033353104_4327229191952007168_n

 

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

BLESSING NG WIND TURBINE

February 9, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Isinagawa ngayong araw February 9, 2019 ang “Blessing” ng tatlong WIND Turbines sa munisipyo ng Romblon. Ang proyekto ay namamayagpag ngayon sa buong probinsya dahil na rin sa ito ang kauna-unahang proyektong “Renewable” na mula naman sa lakas ng hangin ang pagkukuhanan ng enerhiya ng kuryente.

 

51823978_2235669780084596_2870945716207878144_n

 

📢BLESSING NG WIND TURBINE📢

 

Isinagawa ngayong araw February 9, 2019 ang “Blessing” ng tatlong WIND Turbines sa munisipyo ng Romblon. Ang proyekto ay namamayagpag ngayon sa buong probinsya dahil na rin sa ito ang kauna-unahang proyektong “Renewable” na mula naman sa lakas ng hangin ang pagkukuhanan ng enerhiya ng kuryente. Ito ay naikatuparan dahil na din sa pagpupursige ng masipag na General Manager ng ROMELCO Engr. Rene Fajilagutan kung saan isa lamang ito sa mga proyektong kanyang gagawin pa sa nasasakupan ng koop bilang parte pa rin ng isinusulong na Renewable Projects sa buong probinsya.

 

Bukas naman nakatakdang gawin ang inagurasyon ng proyekto para na rin masimulan ang operasyon nito sa mga susunod na linggo.

 

#ROMELCOSupportsGREENEnergy
#ROMELCOWindTurbine

 

51484215_2235670096751231_2150439276989382656_n 51500066_2235670346751206_3097992625370693632_n 51548744_2235670156751225_4737410706297585664_n 51604615_2235669520084622_8825339657844686848_n 51623589_2235669906751250_3045915408172318720_n 51701535_2235669656751275_1804207858586222592_n 51823978_2235669780084596_2870945716207878144_n 51840654_2235669996751241_3440628322923446272_n 51880918_2235669593417948_5945956212095844352_n 51991423_2235669736751267_6295918320696688640_n 52082336_2235669873417920_6988279920828874752_n 52553633_2235670276751213_5300395783961444352_n

 

 

 

ANG TAGAPAMAHALA

EC First IT Summit

January 31, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Ipinadala ng ROMELCO si Allen Ace Malay bilang representative nito sa kauna-unahang Information Technology (IT) Summit sa Benguet Electric Cooperative Inc (BENECO) Main Office South Drive, Baguio City simula ng January 31 hanggang February 1, 2019. 

 

50882500_2229147674070140_8664459567440068608_n

 

📢EC First IT Summit📢

 

Ipinadala ng ROMELCO si Allen Ace Malay bilang representative nito sa kauna-unahang Information Technology (IT) Summit sa Benguet Electric Cooperative Inc (BENECO) Main Office South Drive, Baguio City simula ng January 31 hanggang February 1, 2019. Layunin ng Summit na palakasin pa ang hanay ng mga mandirigma ito ng koop sa larangan ng teknolohiya para mapalawak pa ang kanilang kaalaman upang epektibong maisulong ang mga programa ng mga koop ng kuryente na may makabagong teknolohiya para sa kapakanan ng ating mga Member Consumer Owners (MCO).

 

https://www.facebook.com/381833388892881/posts/534672753608943/

 

50988204_2229147690736805_6836369508844699648_n 51109462_2229147734070134_8453428909151617024_n

 

ANG TAGAPAMAHALA

HONDA EV HATAK BARAKO

January 31, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Singlakas ng apat na barakong kalabaw ang HONDA EV na pinagkakaguluhan ngayon sa Munisipyo ng Romblon. 

 

51097689_2226081947710046_5340246212815618048_n

 

📢HONDA EV HATAK BARAKO📢
MALAKAS ANG HATAK SA TAO👍👍

 

Singlakas ng apat na barakong kalabaw ang HONDA EV na pinagkakaguluhan ngayon sa Munisipyo ng Romblon. May mga ilang EV users na ang hindi pa makuntento at inakyat pa ito mismo sa site ng mg Wind Turbine kung saan hindi naman sila binigo bagkus ay mas pinakitaan pa sila ng mas magandang performance gaya ng malakas na shock nito, matibay na Michelin na gulong at ABS feaute ng unit o Anti-Locking Brake System na komokuntrol sa pressure ng brake fluid para sa biglaang preno.

 

Sa mga nagnanais pa magkaroon ng unit ang ROMELCO po ay muling maglalabas sa Lunes February 4, 2019 sa Power Plant sa Brgy. Cajimos, Romblon dahil ubos po ang lahat ng unit kahapon January 30, 2019 sa dami ng nagnanais magkaroon ng EV. Kumuha lamang ng application form sa opisina ng ROMELCO sa Brgy. Capaclan Romblon at magdala lamang ng photocopy ng inyong mga updated Cedula at Driver’s License.

 

Ang pamunuan ng ROMELCO (Romblon Electric Cooperative Inc) ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta sa proyektong Honda EV. Sa muli ang proyektong ito ay inilunsad para sa mga nagnanais makatipid sa pamasahe at malaking gastusin sa gasolina at hindi po para sa mga nagnanais na maging kanila ang EV dahil ito po ay For Hire lamang, ngunit kung nais niyo pa ring maranasan ang solidong gawa ng mga Hapon at matikman ang pinong pinong teknolihiya nila abah eh Tara Na! HIRE NA!!!

 

#HondaEVonlyinROMBLON
#NocashoutNoDownpayment

 
50984039_2229014547416786_578389566281482240_n
 
 

ANG TAGAPAMAHALA