October 16, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw October 16-17, 2018 sa HESA NEA Building Quezon City ang seminar-workshop kung paano mamintina at mapalago pa ang Member Consumers Organization (MCO) na pinangunahan naman ni Administrator Edgardo R. Masongsong ng National Electrification Administration (NEA).
💁WORKSHOP ON HOW TO SUSTAIN THE 💁
ORGANIZED MCO’S AND SEMINAR ON
APPRECIATING THE COMMUNITY
ORGANIZING
Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw October 16-17, 2018 sa HESA NEA Building Quezon City ang seminar-workshop kung paano mamintina at mapalago pa ang Member Consumers Organization (MCO) na binuo ng mga koop ng kuryente sa kani-kanilang lugar upang mapalakas ang hanay ng ating mga member-consumers.
Layunin din ng meeting na palakasin ang mga puso ng mga kawani ng koop na mas lalo pang pagtibayan at tutukan ang mga samahang nabuo para sa komunidad upang mas maging epektibo at lalong mapagtibay ang relasyon ng mga member-consumers sa kanilang koop ng kuryente.
Pinangunahan naman ni Administrator Edgardo R. Masongsong ng National Electrification Administration (NEA) ang pagsasalita para ilatag sa lahat ang mga hamon na haharapin pa ng mga koop at kung paano mapalakas ang pundasyon ng koop kabilang ang mga kasapi kamay-ari ng koop.
ANG TAGAPAMAHALA