September 9, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Maagang inakyat ng mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa isla ng Sibuyan ang Sitio Layag sa Barangay Taclobo San Fernando Romblon upang magsagawa ng Tree Planting noong August 31, 2018.
TREE PLANTING SA LAYAG🌴🌲🌳
Maagang inakyat ng mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa isla ng Sibuyan ang Sitio Layag sa Barangay Taclobo San Fernando Romblon upang magsagawa ng Tree Planting noong August 31, 2018 bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng National Electrification Awareness Month ngayong August 2018 kasama ang 121 na kooperatiba ng kuryente sa buong bansa.
Pinangunahan ng masipag na General Manager ng ROMELCO Engr. Rene M. Fajilagutan ang tree planting kasama si Institutional Services Manager Peter Morante at Board Director ng District 5 (Magdiwang) Orly Palomata at Diosdado Concil ng District 4 (San Fernando) kasama ang mga Area Supervisors ng munisipyo ng Magdiwang Cajidiocan at San Fernando at mga empleyado nito.
Buong pwersa ding nakilahok ang mga kapatid na kawani ng Romelco sa Cantingas Hydro Power Plant kung saan mabilis na inakyat ang humigit kumulang apat na kilometrong mataas na bundok para sa ginawang pagtatanim.
#MABUHAYANGPAGTATANIM
#MABUHAYANGMGAKOOPNGKURYENTE
#MABUHAYTAYONGLAHAT
ANG TAGAPAMAHALA