April 13, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Isinagawa na ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang pagbuo ng Member Consumers Organizations (MCO) sa tatlong munisipyo sa isla ng Sibuyan noong Abril 10-12, 2018 na sinimulan sa munisipyo ng Magdiwang.
Isinagawa na ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang pagbuo ng Member Consumers Organizations (MCO) sa tatlong munisipyo sa isla ng Sibuyan noong Abril 10-12, 2018 na sinimulan sa munisipyo ng Magdiwang. Ang MCO ng bawat barangay kung saan nagmula pa sa mga Sitio ang mga opisyales ay magsisilbing “informational channels” ng koop na pinangalanang BECA o Barangay Electric Consumers Associations na siya ring magpaparating ng kanilang mga hinaing sa koop at makakaagapay nito sa implementasyon ng mga programa tungkol sa elektripikasyon sa kanilang mga lugar. Layunin ng pag organisa ng MCO na mapalakas ang hanay ng mga member consumers upang mas marinig ang kanilang boses para sa pagtulong sa ikakaunlad pa ng mga proyekto ng koop ng kuryente at mabigyan sila ng kaukulang impormasyons hinggil dito. Nakatakda namang gawin ang kanilang panunumpa sa nalalapit na 26th Annual General Membership Assembly sa Municipal Auditorium ng Magdiwang sa April 21, 2018 kung saan si NEA Administrator Edgardo R. Masongsong ang mismong mangunguna sa kanilang panunumpa.
ANG TAGAPAMAHALA