January 16, 2019
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Inihahanda na ang mga Battery Exchanger (BEX) para sa pagbubukas at pagsisimula ng operasyon ng Electric Vehicle (EV) sa munisipyo ng Romblon sa darating na January 26, 2019.
🔔The BEX are READY to ROLL!🔔
Inihahanda na ang mga Battery Exchanger (BEX) para sa pagbubukas at pagsisimula ng operasyon ng Electric Vehicle (EV) sa munisipyo ng Romblon sa darating na January 26, 2019. Ang mga opisyales ng Honda mula pa sa bansang Japan kasama ang mga kawani ng Panasonic ay binubuhos ang lahat ng kanilang kaalaman kaakibat ang makabagong teknolohiya para masigurong maayos ang pagsisimula ng proyektong ito sa munisipyo ng Romblon kung saan dito lamang matatagpuan ang mga nasabing Electric Vehicle o PXC sa buong bansa.
Ang lahat ng interesadong kumuha ng Electric Vehicle ay iniimbitahang bumisita sa opisina ng ROMELCO sa January 26, 2018 Sabado alas nuwebe ng umaga para sa “demo” na gagawin mismo ng mga opisyales ng Honda Philippines. Sa mga nakapagpalista na ng inyong pangalan ay maaari lamang magdala ng photocopy ng inyong updated driver’s license upang mabilis po ang proseso ng pagtanggap niyo ng nasabing behikulo.
Maraming Salamat po.
ANG TAGAPAMAHALA