October 19, 2017
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Aprobado na sa pangatlo at “final reading” ang Senate Bill No. 1461 o Ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund Act of 2017 noong September 25, 2017 sa Senado.
Aprobado na sa pangatlo at “final reading” ang Senate Bill No. 1461 o Ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund Act of 2017 noong September 25, 2017 sa Senado. Ang may akda ng naturang Senate Bill ay walang iba kundi si Representative Carlos Roman L. Uybarreta ng 1CARE Partylist kung saan paglalaanan ng P750,000,000.00 pondo para lamang sa restorasyon ng mga napinsalang imprastraktura ng lahat ng koop ng kuryente na sanhi ng ibat ibang uri ng kalamidad.
Ang nasabing panukala ay naisulong din sa pamamagitan ng mga resolusyon at suportang ibinigay ng mga Barangay na naniwala sa kagandahang maitutulong nito sa ating koop ng kuryente. Kabilang ang mga barangay na bumubuo sa nasasakupan ng Romblon Electric Cooperative (Romelco) at nais nating pasalamatan at bigyang pugay ang inyong buong suporta sa ating koop ng kuryente.
ANG TAGAPAMAHALA