May 22, 2017
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Para sa lahat ng aming nga member consumers sa munisipyo ng Romblon, tayo po ay nakakaranas ngayon ng “Load Shedding” sa ibat ibang bahagi ng isla
Para sa lahat ng aming nga member consumers sa munisipyo ng Romblon, tayo po ay nakakaranas ngayon ng “Load Shedding” sa ibat ibang bahagi ng isla. Ito po ay paghahati-hati lamang ng natitirang kapasidad ng mga makinang may operasyon sa planta ng ating supplier ang National Power Corporation dahil sila po ay nagsasagawa ng maintenance sa dalawang makina.
Asahan po na magtatagal ng dalawat kalahating (2 1/2 hrs) oras ang brownout na inyong mararanasan simula sa oras na ito ay mag shut down sa inyong mga lugar.
Ang kasalukuyang sitwasyon ay sanhi na rin ng sobrang init ng panahon kaya kami po ay humihingi ng paumanhin sa lahat na sana ay inyong lubos na maunawaan.
Maraming Salamat po.
ANG TAGAPAMAHALA