August 13, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang bayan ng Cajidiocan at San Fernando Romblon ngayon ay nakararanas ng malawakang brownout dahil sa dami ng sayad na mga sanga ng puno sanhi ng malakas na ihip ng hanging habagat.
POWER INTERRUPTION Sa Isla ng SIBUYAN
Ang bayan ng Cajidiocan at San Fernando Romblon ngayon ay nakararanas ng malawakang brownout dahil sa dami ng sayad na mga sanga ng puno sanhi ng malakas na ihip ng hanging habagat. Nauna ng nilinis ang mga puno ng kawayan sa Sitio Cangumba Brgy. Azagra, San Fernando Romblon at kasalukuyan ay nasa Sitio Camanglad Brgy Danao Cajidiocan Romblon naman ang clearing team ng ROMELCO dahil naman sa isang malaking puno na dumikit din sa linya ng kuryente. Hindi naman agad na maibabalik ang serbisyo ng kuryente sa mga lugar na apektado dahil hindi pa natatapos ang paglilinis ng linya sa ngayon dahil sa dami ng sayad.
Ang ROMELCO ay mahigpit na nagsasagawa ng paglilinis sa mga linya ng kuryente bawat linggo ngunit sadyang may mga kababayan tayo na ayaw pumayag na magpaputol ng kanilang mga puno o kahit mag pa “trim” lamang ng mga sanga ng puno na malapit sa linya ng kuryente upang sa mga panahong ganito sana na malakas ang hangin o masama ang panahon ay hindi mawawalan ng serbisyo ng kuryente at hindi na maabala pa ang lahat dahil dito.
Sa ngayon, ay mabilisan ang ginagawang paglilinis ng ROMELCO Cajidiocan Area Office sa mga linyang apektado ng mga sangang dumikit dito upang maibalik ang serbisyo sa mga apektadong lugar. Ang inyong lubos na pang unawa hinggil sitwasyong ito ay aming inaasahan .
Para naman sa ilan niyo pang katanungan hinggil sa serbisyo ng kuryente sa munisipyo ng Cajidiocan at San Fernando ang Hotline ng ROMELCO Cajidiocan 0906-4031954 at San Fernando 0939-7265599. Magtxt o tumawag para sa inyong mga complaints hinggil sa serbisy ng kuryente sa inyong lugar.
Maraming Salamat po.
ANG TAGAPAMAHALA