August 24, 2017
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Magkakaroon po ng pangtaas ng singil ng kuryente sa ilalim ng “Universal Charge NPC-Stranded Debt (UC-NPC-SC)”
Nais naming ipaalam sa lahat ng member-consumer ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) na magkakaroon po ng pangtaas ng singil ng kuryente sa ilalim ng “Universal Charge NPC-Stranded Debt (UC-NPC-SC)” na nagkakahalaga ng P 0.0265 per kilowatt hour. Ang pagtaas na ito ay naaayon sa Order ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa ERC Case No. 2013-195 RC Universal Charge -NPC Stranded Debt na inilabas noong June 27, 2017 base na rin sa petisyon ng Power Assets and Liabilities Management Corp (PSALM) na isinumite noong October 1, 2013 sa ERC upang mabawi ang P 24,198,852,235.17 bilyong pisong naga ayos sa operasyon at pagmintina ng NPC ng taong 2011-2012. Ang P 0.0265 per kilowatt hour ay ipapataw ngayong singilang buwan ng August 2017 at magtatagal ng siyam (9) taong pagrekober.
Gayundin naman, pinahintulutan din ng ERC ang ekstensiyon ng pagkolekta ng “Universal Charge -NPC Stranded Contract Cost (UC-NPC-SCC)” na nagkakahalaga ng P 0.1938 per kilowatt hour. Ito naman ay naaayon sa pinagsamang ERC Case Nos 2013-160 RC at 2014-111 RC o Universal Charge -NPC Stranded Contract Cost (UC-NPC-SCC) na inilabas noong July 6, 2017 base na rin sa aplikasyon ng PSALM sa ERC na isinumite noong July 31, 2013 (ERC Case 2013-160 RC) at July 30, 2014 (ERC Case 2014-111 RC). Ang ekstensiyon na binigay sa PSALM para sa patuloy na koleksiyon ng naturang halaga ay sampung (10) buwan.
Para po sa inyong kaalaman, ang mga “Universal Charges” kagaya ng UC-NPC-SC at UC-NPC-SCC ay sinisingil ng lahat ng mga “electric cooperatives” at mga “private distributor utilities” sa buong Pilipinas sa lahat ng kanilang mga konsumedores at i-reremit din sa PSALM bilang responsableng ahensiya ng gobyerno na mag “recover” ng mga halagang ginamit sa pagmintina ng operasyon ng National Power Corporation (NPC). Ang mga panahong ipinahintulot ng ERC sa PSALM upang kolektahin sa mga konsumedores ang mga halagang nabanggit ay upang mabawasan ang mahabang panahon ng pangongolekta nito at maibsan ang malakas na epekto nito sa mga consumer.
ANG TAGAPAMAHALA