May 22, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) ay nais magbigay ng linaw sa isyu hinggil sa tubig na nanggagaling sa taas ng Merida’s Compound Barangay Bagacay Romblon.
PAGLILINAW SA LAHAT
Ang Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) ay nais magbigay ng linaw sa isyu hinggil sa tubig na nanggagaling sa taas ng Merida’s Compound Barangay Bagacay Romblon na ito umano ay dumumi dahil sa konstruksiyon ng proyektong wind turbine.
Ang reklamo ay nakarating sa pamunuan ng ROMELCO kung kaya’t ito ay agarang inaksiyunan ng koop sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inspeksiyon sa mismong site, koordinasyon sa “contractor” lalong lalo na sa kanilang tubig na ginagamit sa pagsasagawa ng proyekto at pagbisita na rin sa mismong pinagmumulan ng tubig o “reservoir” na inirereklamo.
Ayon sa mga engineers ang site no. 3 ng wind turbine ay tumatakbo ng tatlo hanggang apat na kilometro (3-4 kms) ang layo mula Meridas Compound at sa ngayon o ang mga nakalipas na linggo ay hindi sila gumagamit ng tubig maliban na lamang sa paghugas ng pinggan o pang gamit lamang sa pagluto ng mga nagtratrabaho sa taas.
Wala ring derektang daanan na makakapagsabi na ang tubig na mula pa sa wind turbines ay pumupunta pa sa imbakan ng “toyo-toyo reservoir”.
Lalong walang mga kemikal o dumi ang ginagamit na tubig sa wind turbines dahil hindi naman kailangan o ginagamitan ng mga ito ang proyekto.
Binisita din nila ang mismong pinagmumulan ng tubig kasama ang ilang residente ng lugar at tumambad sa kanila ang maduming (malubog) tubig mula sa labas na pumapasok sa water reservoir ng hindi naman nasasala dahil wala namang “filter” kundi screen lang ang nakatakip sa mga openings nito.
Ayon din sa kanila dapat na malinis ang paligid ng imbakan ng tubig at magkaroon ng maintenance ang lugar sapagkat sa tuwing malakas ang ulan ay pumapasok ang maputik na tubig mula sa bundok sa mismong reservoir ng hindi nasasala.
Sana po ay mabigyan ng atensiyon ng mga namamahala ang suliraning ito dahil importanteng malinis ang tubig na inumin ng mga resisente ng ating munisipyo.
Ang ROMELCO naman po ay buong pusong makikipagtulungan at hindi tatalikud sakaling may responsibilidad na kailangang tuparin para mabigyan ng solusyon ang problemang ito.
ANG TAGAPAMAHALA