October 02, 2017
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Muling nagsagawa ng isang Seminar Workshop ang National Electrification Administration (NEA) para sa Electric Cooperative’s Vulnerability and Risk Assessment & Emergency Restoration Planning
Muling nagsagawa ng isang Seminar Workshop ang National Electrification Administration (NEA) para sa Electric Cooperative’s Vulnerability and Risk Assessment & Emergency Restoration Planning kung saan naimbitahan ang mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) upang lumahok dito noong September 28-29, 2017 na ginawa sa HESA 2Flr NEA Bldg. Diliman Quezon City. Ang seminar ay dinisenyo para magkaroon ang lahat ng koop ng konkretong istruktura para sa mabilisan at organisadong solusyon para sa restorasyon kung sakaling abutin ito ng ibat ibang klaseng kalamidad. Ito ay nilahukan ng lahat ng koop sa ilalim ng pamamahala ng NEA. Naging prayuridad din ng seminar na bigyan ng pangunahing pansin ng koop ang mga kritikal na bagay na mahalaga sa kanilang operasyon upang ito ang isa sa mga magiging basehan nila para mas makakapag planu ng maayos ang lahat ng koop. Mahalaga ang mabilisang implementasyon ng nasabing seminar sapagkat hindi na biro ang mga klase ng kalamidad na dumarating sa mga koop ngayon at nangagailangan na ito ng higit na atensiyon lalong lalo na pag ang mga “major backbone” ng mga distribution lines ng electric cooperative ang masira.
ANG TAGAPAMAHALA