June 23, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: MULING PAGLILINAW (Part 2)
Sa tuwing umuulan ng malakas sa munisipyo ng Romblon hindi na bago sa mga residente dito ang malabong tubig (malubog na tubig) na lumalabas sa mga gripo nila sa kanilang tahanan.
MULING PAGLILINAW (Part 2)
Sa tuwing umuulan ng malakas sa munisipyo ng Romblon hindi na bago sa mga residente dito ang malabong tubig (malubog na tubig) na lumalabas sa mga gripo nila sa kanilang tahanan. Sa mga matagal ng naninirahan sa munisipyo alam ng lahat na hindi pa natatayo ang wind turbine ganyan na ang klase ng tubig na lumalabas sa mga gripo ng residente matapos ang malakas na ulan.
Ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ay hindi isang institusyon na gagawa ng proyekto na magiging sanhi ng anumang kapahamakan ng mga member consumers nito o sakali mang may proyektong makapaminsala sa ilang residente, solusyon ang gagawin at tamang kapamaraanan upang maayos ito, ngunit sa mga sitwasyong gaya ng malakas na ulan hindi maitatanging ang tubig na dumadaloy mula sa taas ay maraming dinadaanan at walang maiturong direktang daanan ng tubig mula sa wind turbine na pumapasok sa water reservoir dahil na din sa layo ng proyekto at hindi naman gumagamit ng napakadaming tubig ang project sa taas para maging sanhi ng malakas na agos at dumaloy sa mga imbakan ng tubig na nagsusuply sa bayan.
Lahat ng kapamaraanan upang maging maayos ang pagsasagawa ng proyekto ay ginawa na ng Romelco upang ang mga residente lalong lalo na ang malapit sa site ay hindi maabala. Isa na dito ang pag ayos ng mga daanan mula baba ng Sitio Lusod Lonos hanggang sa mga site nito at nilagyan din nila mga kanal sa gilid ng daan upang hindi bumara at maging maayos ang daloy ng tubig na papunta sa mga drainage o sapa. Ang tubig din na ginagamit sa taas ay pangluto lamang ng construction workers at kung sakaling may buhos man ito ay ini iskedyul at sinisiguradong tag init upang matuyo agad ang senisementong istraktura. Ang mga binoldus na lupa naman ay maayos din na pinatag upang maiwasan ang pagguho o anumang sakuna sakaling umulan. Kung may mga residue man ng lupa mula sa site na malayo sa imbakan ng tubig na posibleng dumaloy sa tubig tuwing tag ulan wala bang kapamaraanan ang komokontrol dito na ma filter nila ang malabong tubig upang pag dumaan sa mga gripo ng residente ay malinaw na? Nagtatanong lang po dahil alam naman ng lahat na sa tuwing umuulan lahat ng pwedeng madala ng tubig na dumadaloy mula sa taas ng bundok ay talagang pupunta sa baba at hindi maiwasang pumasok sa mga imbakan ng tubig kung walang maayos na sistema ng paglilinis nito.
Sa muli, hindi tumatalikod ang Romelco sa responsibilidad na ibinibigay sa kanya kung meron mang dapat harapin at susulosyunang problema. Gayundin naman hindi po kontrol ng Romelco ang mga dinadaanan ng tubig tuwing malakas ang ulan kung ito ba ay namimintina at maganda ang mga filter na handa sa mga tubig na lumalabo pag tag ulan gaya ng pagmintina nito sa kanyang mga linya ng kuryente. Gaya din ng isip at takbo ng ilan nating mga kababayan na imbes magtanong at malaman ang totoo mas pinipili pang sundin ang bugso ng kanilang damdamin na magbigay ng komento na wala namang tamang basehan. Ang paglilinaw na ito ay walang nais na siraing tao o institusyon bagkus ay binibigyang bigat at halaga ang tamang impormasyon mula sa tamang institusyon. Maraming Salamat po.
ANG TAGAPAMAHALA