July 06, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang mga opisyales ng Multi Sectoral Electrification Advisory Council (MSEAC) sa tatlong distrito (1-3) ay nagkaroon ng quarterly meeting simula ng July 5-6, 2018 sa conference hall ng headquarters ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa Brgy Capaclan Romblon.
Aktibong nakipagsabayan ng palitan ng ideya ang lahat ng opisyales ng Multi Sectoral Electrification Advisory Council (MSEAC) sa tatlong distrito (1-3) para sa kanilang quarterly meeting simula ng July 5-6, 2018 sa conference hall ng headquarters ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa Brgy Capaclan Romblon.
Bawat distrito ay may kanya kanyang proyektong tinututukan upang makatulong sa ating mga member consumers. Ang district 1 na nagpanukalang dapat na magkaroon ng mga solar panel ang mga evacuation center ng lahat ng barangay sa nasasakupan ng Romelco upang kahit na magkaroon ng sakuna ay maging handa at may mapagkukunan pa din ng kuryente. Ito ay panukala ni Kap Jose Luis Andres ng Brgy 4 Poblacion na tumatayong representante ng sektor ng Brgy Council sa District 1 na sinang ayunan naman ng buong miyembro ng MSEAC sa pangunguna ni Mr. Chris G. Mazo.
Ang district 2 naman sa pangunguna ni MSEAC Ferederation President Nelly Taupo ay nagsumite ng panukala na mabigyan ng palibreng pakuryente ang dalawang Catholic Chapel sa Sitio Tagaytay Brgy Lonos at Sitio Wirelss Bagacay Romblon upang sa gayon ay may magamit na kuryente ang mga tao doon pag nagsisimba. Ito ay suporta sa problemang isinangguni ni Mr Rene Fortunato representante ng Religious sector ng District 2. Samantalang ang media representative na si Mr.Gotardo Montero ay binuksan naman ang usapin hinggil sa pagbabalik ng “Romelco Hour” o programa ng Romelco sa radio tuwing linggo ng umaga.
Ang district 3 naman sa pangunguna ni District Chairman Leonardo Marino ay tinutukan ang mga magiging opisyales ng Member Consumers Organization (MCO) sa buong distrito nito at ang ilang kasamahan sa organisasyon nila upang maging aktibong tagabandala ng mga programa sa buong area nila. Ayon sa kanya mas nakabubuting lahat ng barangay ay magkaroon ng representante sa MSEAC ng sa gayon ay mapabilis ang pagpapaabot ng mga programang pakuryente.
Nakatakda namang isagawa ang meeting ng MSEAC para sa distrito 4-6 sa isla ng Sibuyan sa susunod na linggo matapos ma briefing ang mga nakatakdang gawing opisyales sa munisipyo ng Banton, Romblon.
ANG TAGAPAMAHALA