LEXICON Strikes AGAIN

August 29, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Ang League of Information and Communication Officers of Electric Cooperatives (LEXICON) ay muling pinatawag ng pamunuan ng National Electrification Administration (NEA) noong August 23, 2018 sa mismong opisina ng NEA sa Diliman Quezon City.

 

39995141_2121293031522272_7171800733765861376_n

 

Ang League of Information and Communication Officers of Electric Cooperatives (LEXICON) ay muling pinatawag ng pamunuan ng National Electrification Administration (NEA) noong August 23, 2018 sa mismong opisina ng NEA sa Diliman Quezon City para muling bigyan ng kulay ang nakahanay na mga aktibidades para sa pagdaos ng National Electrification Awareness Month ngayong buwan ng Agosto.

 

Pinangunahan ng Presidente ng LEXICON na si John Leysa ang grupo bitbit ang mga opisyales mula sa ibat ibang rehiyon. Ang naturang pagtitipon ay nais ding balangkasin ang mga gagawing aksiyon para sa parating na laban ng mga koop ng kuryente para higit pang marinig ang hanay ng mga member consumers na higit na nangangailangan ng maayos na pailaw lalong lalo na ang mga lugar pa sa kanayunan. Ang aksiyon na ito ay epekto ng tinapyas na national budget para sa NEA partikular sa programang Sitio Electrification na desinyo para sa mga rural areas na wala pang kuryente. Ang budget sa pagpapailaw na ito ay benepisyo na dapat na matanggap ng mga tao mula sa gobyerno at hindi na dapat na sa kanila din magmula dahil mismong pamahalaan ang magbibigay pondo dito. Ngunit ayon na din sa napakinggang pagdinig kamakailan sa kongreso ay binawasan ito upang malagay sa kagipitan ang mga koop ng kuryente at maipasok ng mga may sariling interes ang mga pribadong kompanya na nais kainin at kunin sa mga koop ng kuryente ang pagpapalakad dito upang mas lalong nilang pagkakitaan.

 

Kasama din ng mga LEXICON ang asosasyon ng Institutional Managers o PHILAIM para makiisa sa adhikaing ito.

 

LABAN LEXICON!!!

 

39962619_2121292871522288_1078641690195001344_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA