May 20, 2019
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: KURYENTE UPDATE
Sa lahat ng aming mga Member Consumer
Sa kasalukuyan po ay muling nagsasagawa pa rin ng “Load Shedding” sa buong munisipyo ng Romblon dahil sa ang ilang makina sa planta ng National Power Corporation o NPC Kung saan natin binibili ang ating kuryente ay nagkaroon ng problema. Ang mga brownouts na ito ay maaaring tumagal ng tatlong oras o higit pa dahil na din sa sinisigurado ng Romelco kung kaya na ang load at pwede ng mai power on ang inyong mga lugar.
Ayon kay Engr. Ricky Umban ng NPC na ating nakapanayam kani kanina Lang ang ilang gensets o makina sa Barge 109 ay maayos na kayat mababawasan na ang mga lugar na walang kuryente ngunit pinipilit pa rin nilang maibalik sa maayos na takbo ang lahat ng gensets nila ngayong araw upang makapag power on na sa lahat ng lugar. Kailangang maayos nila ang mga makina sa Barge 109 upang sakaling ipahinga nila ang ilan sa mga unit ng genset nila ay mayroong kapalit upang tuloy tuloy ang operasyon. Ayon pa sa kanya apektado ang performance ng kanilang mga makina dahil na rin sa sobrang init ng panahon sa ngayon.
Ang pamunuan ng ROMELCO katulong ang ating mga kasamahan sa NAPOCOR ay pinipilit at ginagawa ang lahat ng solusyon upang maibalik ang serbisyo ng kuryente sa ating lahat.
Ito po ay Para sa inyong kaalaman.
Maraming Salamat po sa inyong pang unawa.