February 10, 2019
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Isinagawa ang inagurasyon ng 900 killowatt na Wind Turbine at Mobile Battery Project ngayon araw sa Barangay Agnay Site 3 Romblon, Romblon kung saan dinaluhan ito ng mga bisita mula pa sa ibat ibang bahagi ng mundo.
📢 INAGURASYON at SELEBRASYON 📢
Isinagawa ang inagurasyon ng 900 killowatt na Wind Turbine at Mobile Battery Project ngayon araw sa Barangay Agnay Site 3 Romblon, Romblon kung saan dinaluhan ito ng mga bisita mula pa sa ibat ibang bahagi ng mundo. Buong pwersang dumalo sa pagtitipon ang mga matataas na opisyal mula pa sa Japan ng kompanyang Honda at KOMAIHALTEC. Si Deputy Administrator para sa Technical Services Engr. Artis Nikki Tortola ng National Electrification Administration kasama ang buong team ng NEA ay hindi din nagpahuli sa naturang selebrasyon.
Hindi naman mapantayan ang kaligayahan n buong ROMELCO management and staff sa pangunguna ni GM Rene Fajilagutan dahil sa suportang natanggap nito mula sa mga malalaking kompanyang nagbigay daan upang maisakatuparan ang mga proyektong ito hanggang sa lokal na pamahalaan ng Munisipyo ng Romblon pati na sa suporta ng ibat ibang sektor at mga nasyonal na opisina ng pamahalaan.
Isang maligayang selebrasyon ang pangyayaring ito sa pahina ng kwento ng ROMELCO sa pagbibigay ng maayos na serbisyo ng kuryente sa kanyang nasasakupan lalong lalo na sa mga Member Consumer Owners (MCO) ng kooperatiba na patuloy na pagsisilbihan ng ROMELCO ng malinis at murang kuryente mula sa mga Renewable Projects nito sa darating pang panahon.
#InaugurationofWindTurbine
#ROMELCOSupportsGREENEnergy
#CleanEnergyforCleanerROMBLON