EV IS HERE!

November 29, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Nagkaroon ng pinal na meeting sa opisina ng ROMELCO sa Brgy. Capaclan, Romblon, Romblon noong Nobyemre 24, 2018 kasama ang mga opisyales ng Honda Japan, Panasonic Japan at Nomura Research Institute mula sa Singapore para sa pagpapakilala ng makabagong teknolohiya nito.

 

47230863_2183958848589023_574584057753501696_n

 

📣 EV IS HERE!!!📣

 

Isa na namang proyektong pang kalikasan ang bubuksan ng ROMELCO para sa mga Member Consumers nito. Ang Electronic Vehicle o mas kilala sa tawag na E Bike ay kauna unahang disenyo sa buong Pilipinas at tanging sa munisipyo lamang ng Romblon ito ilalabas ng kompanyang Honda mula sa bansang Japan. 

 

Nagkaroon ng pinal na meeting sa opisina ng ROMELCO sa Brgy. Capaclan, Romblon, Romblon noong Nobyemre 24, 2018 kasama ang mga kawani ng koop sa pangunguna ni GM Rene Fajilagutan, Mr Peter Morante Institutional Manager, at Nobe Fajiculay House wiring Inspector kasama ang mga opisyales ng Honda Japan, Panasonic Japan at Nomura Research Institute mula sa Singapore para sa pagpapakilala ng makabagong teknolohiya nito.

 

Asahan ang paglabas ng mga Electronic Vehicle sa munisipyo sa nalalapit na buwan ng Disyembre ngayong taon.

 

https://global.honda/…/ne…/2018/2181129eng-pcx-electric.html

 

 47185481_2183959068589001_4045233467636580352_n 46970619_2183958931922348_884126280671297536_n 46925615_2183959008589007_1898211610225278976_n
 
 

ANG TAGAPAMAHALA