August 07, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Unang pagtitipon na ginawa ng mga national officers ng League of Electric Cooperative Information and Communication Officers Nationwide (LEXICON) Inc. sa headquarters ng National Center of Electric Cooperative Consumers Organization (NCECCO) sa #21 Scout Borromeo South Triangle Quezon City noong August 3, 2018.
EC Ang KOMUNIKASYON!
Makasaysayan ang unang pagtitipon na ginawa ng mga national officers ng League of Electric Cooperative Information and Communication Officers Nationwide (LEXICON) Inc. kasama ang ilang Regional Officers nito sa pangunguna ni Mr. John Leysa Vice President ng Lexicon sa mismong headquarters ng National Center of Electric Cooperative Consumers Organization (NCECCO) sa #21 Scout Borromeo South Triangle Quezon City noong August 3, 2018. Ang naturang opisina kung saan isinagawa din ang inagurasyon ng araw na iyon ay siya ring magiging opisyal na headquarters ng Lexicon kasama din ang mga opisyales ng Philippine Association of Board of Directors of Rural Electric Cooperative o PABDREC.
Dumalo sa pagpupulong na isinagawa ang butihing Administrator ng National Electrification Administration (NEA) Edgardo Rama Masongsong kasama ang kanyang Corporate Communications Consultant Mr. Sylton Solidum kabilang ang Presidente ng Rural Electrification Financing Corporation (REFC) Mr. Iglorio Hinayon upang magbigay ng suporta sa pagpaplano para mapaigting pa ang mga programa para sa mabisang instrumento upang lalong maging epektibo ang paggamit ng narararapat na medyum ng komunikasyon para sa kapakanan ng lahat ng mga kasapi kamay-ari ng mga koop ng kuryente.
Inilatag ang mga pangunahing solusyon para lalong maging madali ang komunikasyon sa loob ng mga electric cooperatives para sa mabilisang pagpapaabot nito sa mga member-consumers. Ihahanda din ang mga mandirigma ng koop (Information Officers) sa panulat radyo at telebisyon lalong lalo na sa social media upang mas maging mabisa at maalam sila sa kanilang ginagawa sa pamamagitan ng mga trainings na dinisenyo hindi lamang sa kanila kundi pati na din sa ilang empleyado ng koop na may kapasidad na maging mabuting ehemplo ng media para sa mga programa ng mga koop ng kuryente.
Taos puso naman ang pasasalamat ng mga national officers ng LEXICON sa pangunguna ni Vice President John Leysa ng Sultan Kudarat Electric Cooperative (SUKELCO) na siyang humalili muna sa presidente ng asosasyon na si Mr. Roel Venus dahil hindi ito nakadalo kasama sina Secretary Morena Bautista ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO), Treasurer Rizalinda Reyes ng Central Pangasinan Electric Cooperative(CENPECO), Auditor Clarence Ducusin ng Ilocos Sur Electric Cooperative(ISECO) at Region 3 Officer’s Ms. Azenith Aquino ng Tarlac Electric Cooperative(TARELCO2), Cristian Gregor Atacador ng Nueva Ecija Electric Cooperative (NEECO1) at Region 4 Officer Alma Regala ng Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) sa buong lakas na suporta ni NEA Administrator Edgardo Masongsong sa programa ng LEXICON.
ANG TAGAPAMAHALA