December 28, 2020
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: ROMELCO-APEC | DOLE-TUPAD Program
Hindi pa natatapos ang taong 2020 ay nagsimula na namang umarangkada ang tulong mula sa ROMELCO at APEC para sa Tulong Pangkabuhayan sa ating Disadvantage/Displaced Workers (DOLE-TUPAD) na apektado ng pandemyang kinakaharap ng buong mundo.
Magbibigay ng trabaho ang ROMELCO sa humigit kumulang 120 indibidwal sa nasasakupan nito para makatulong sa pangkabuhayan ng mga napiling Member Consumers Owners o MCO na nawalan ng pinagkikitaan ngayong panahon.
Asahan ang mga susunod pa na programang tulong hatid ng ROMELCO at APEC sa taong 2021.
ANG TAGAPAMAHALA