February 24, 2021
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Amin pong ipinapaalam sa inyong lahat na simula Billing Month ng February 2021 ay pwede na po kayong mag bayad ng inyong mga “bill” sa kuryente sa mga Collecting Agent na itinalaga ng ROMELCO sa inyong mga barangay.
PASAYUD SA TANAN!!!
ROMELCO MEMBER CONSUMERS OWNERS NG ISLA NG SIBUYAN
Para po maibsan ang hirap na kinakaharap ng ating mga Member Consumers Owners (MCO) na nakatira sa mga malalayong barangay sa isla ng Sibuyan lalo na sa pagbabayad ng kanilang buwanang bayarin sa kuryente dahil sa mahal na pasahe, ang ROMELCO po ay muling nag talaga ng mga “Collecting Agent” sa ilang barangay sa munisipyo ng Magdiwang, Cajidiocan at San Fernando Romblon upang bigyang daan na mapadali ang kanilang pagbabayad ng kuryente.
Amin pong ipinapaalam sa inyong lahat na simula Billing Month ng February 2021 ay pwede na po kayong mag bayad ng inyong mga “bill” sa kuryente sa mga Collecting Agent na itinalaga ng ROMELCO sa inyong mga barangay.
Ang mga pangalan ng ating mga opisyal na “Collecting Agent” munisipyo at barangay kung saan sila nakatalaga ay nasa ibaba para po sa inyong kaalaman.
Sa mga barangay na wala pa pong “Collecting Agent’ ay pwede din po kayong magbayad sa mga kalapit barangay na merong collecting agent na malapit sa inyo o sa mismong opisina ng ROMELCO.
Para naman sa mga nagnanais pa rin magbayad sa opisina ng ROMELCO ay bukas po ang ating opisina mula Lunes hanggang Biernes alas otso hanggang ala singko ng hapon (MON-FRI 8AM to 5PM) para sa inyong mga bayarin.
ITO PO AY PARA SA INYONG KAALAMAN.
MARAMING SALAMAT PO.
ANG TAGAPAMAHALA