January 25, 2021
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Sininulan ng ROMELCO ang programang “Clean Energy” sa pamamagitan ng kanyang mga “Renewable Projects” sa buong coverage area nito bilang tugon sa lumalalang polusyon ng mundo.
Sininulan ng ROMELCO ang programang “Clean Energy” sa pamamagitan ng kanyang mga “Renewable Projects” sa buong coverage area nito bilang tugon sa lumalalang polusyon ng mundo. At upang maipagpatuloy ang nasimulang adhikain, nakibahagi ang koop sa proyekto ng Alad-Lamao Elementary School Brgy Alad Romblon, Romblon sa pangunguna ng kanilang School Head na si Maam Emeliza R. Fabula sa pamamagitan ng mga pananim at seedlings na ibinahagi ng koop para mapanatiling maganda at malinis ang loob at labas ng kanilang paaralan.
Ang mga tanim na tutulong para malimitahan ang pangingibabaw ng polusyon sa lugar ay personal na pinili ng Punong Tagapamahala ng ROMELCO Engr. Rene M. Fajilagutan na siyang numero unong sumusulong ng malinis na enerhiya ng kuryente sa buong probinsiya ng Romblon para sa kapakanan ng lahat ng Member-Consumer-Owners (MCO) nito.