February 9, 2019
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Isinagawa ngayong araw February 9, 2019 ang “Blessing” ng tatlong WIND Turbines sa munisipyo ng Romblon. Ang proyekto ay namamayagpag ngayon sa buong probinsya dahil na rin sa ito ang kauna-unahang proyektong “Renewable” na mula naman sa lakas ng hangin ang pagkukuhanan ng enerhiya ng kuryente.
📢BLESSING NG WIND TURBINE📢
Isinagawa ngayong araw February 9, 2019 ang “Blessing” ng tatlong WIND Turbines sa munisipyo ng Romblon. Ang proyekto ay namamayagpag ngayon sa buong probinsya dahil na rin sa ito ang kauna-unahang proyektong “Renewable” na mula naman sa lakas ng hangin ang pagkukuhanan ng enerhiya ng kuryente. Ito ay naikatuparan dahil na din sa pagpupursige ng masipag na General Manager ng ROMELCO Engr. Rene Fajilagutan kung saan isa lamang ito sa mga proyektong kanyang gagawin pa sa nasasakupan ng koop bilang parte pa rin ng isinusulong na Renewable Projects sa buong probinsya.
Bukas naman nakatakdang gawin ang inagurasyon ng proyekto para na rin masimulan ang operasyon nito sa mga susunod na linggo.