January 30, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Bumisita ang Busuanga Island Electric Cooperative Inc (BISELCO) ng Palawan sa Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) noong January 26-27, 2018 upang magsagawa ng site visit sa mga Renewable Energy na proyekto ng ROMELCO dito sa probinsya ng Romblon.
Bumisita ang Busuanga Island Electric Cooperative Inc (BISELCO) ng Palawan sa Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) noong January 26-27, 2018 upang magsagawa ng site visit sa mga Renewable Energy na proyekto ng ROMELCO dito sa probinsya ng Romblon. Naunang pinuntahan ng grupo ang Solar Hybrid Project sa Barangay Cobrador, Romblon at sinunod ang Cantingas Hydro Power Plant sa Barangay Taclobo, San Fernando Romblon. Ang grupo ng BISELCO na pinangunahan ni GM Ruth Galang kasama ang mga Board Directors nito ay naglalayong magsagawa din ng mga Renewable Energy sa kanilang coverage area sa hinaharap kung kaya’t pinilit nilang mabisita ang Romelco na isa sa mga koop ng kuryente sa ilalim ng National Electrification Administration (NEA) na mayroon ng mga renewable projects sa kanyang nasasakupan.
ANG TAGAPAMAHALA