June 10, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: BIOMASS GASIFIER UPDATE.
Hindi magtatagal at magsisimula na ang operasyon ng BIOMASS Gasifier sa Sitio Bagong Silang Barangay Alad, Romblon, Romblon. Ang proyekto ito ay magbibigay ng pailaw sa halos humigit kumulang 50 households sa lugar na hindi maabot ng linya dahil sa sobrang taas at layo ng lugar. Ang plantang ito ay disenyo ng Indian company na kaagapay ng Department of Energy (DOE) at Romelco sa mga ganitong klaseng proyekto. Tanging coconut husk (bunot) lamang ang siyang ilalagay dito para makapag prodyus ng kuryente. Alternatibong panggatong din sa makina ng gasifier na ito ang bana grass na sinimulan na ring magsilakihan sa taniman ng Romelco sa Brgy Lamao, Romblon, Romblon.
Asahan na hindi matapos ang taong ito ay makapagbibigay na din ng serbisyo ng kuryente ang proyektong ito sa ating mga kababayan na walang pang kuryente sa kanilang mga tahanan sa nasabing lugar.
ANG TAGAPAMAHALA