July 16, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Nagsagawa na ng pagtesting ang planta ng Biomass Gasifier sa Sitio Bagong Silang Barangay Alad Romblon nuong July 7, 2018 ng Sabado para sa inisyal na pagsisimula nito.
Nagsagawa na ng pagtesting ang planta ng Biomass Gasifier sa Sitio Bagong Silang Barangay Alad Romblon nuong July 7, 2018 ng Sabado para sa inisyal na pagsisimula nito. Pinangunahan ni Mr. Priyam Kumar Representative ng Ankur company na nagmula pa sa India at gumagawa ng mga makinang disenyo para sa gasifier.
Tagumpay ang isinawang testing at makikita sa video ang torch na nagbubuga na ng gas para makapag prodyus ng kuryente. Patuloy pa din ang testing na ginagawa at tinututukan ang mga klase ng panggatong na ilalagay dito kasama na ang coconut branch o “pakyang ng niyog” gayundin ang mga kahoy bastat ito ay tuyo na at nakaputol ng maayos.
ANG TAGAPAMAHALA