August 31, 2016
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: PAGBABAGO SA OPERASYON NG KURYENTE SA SOLAR HYBRID POWER PLANT SA BRGY. COBRADOR
Nagkaroon ng pagbabago sa operasyon ng kuryente sa Solar Hybrid Power Plant sa Brgy. Cobrador magsimula Agosto 18 hanggang Agosto 22, 2016 dahil sa linyang nabagsakan ng puno na pinutol ng mga residente doon na hindi humingi ng tulong sa Romelco at walang naging koordinasyon sa koop kung saan naging sanhi naman ng pagkasunog ng isang mahalagang piyesa sa inverter ng planta. Ang dating biente kuwatro oras na kuryente (24-hrs)ay naging dose oras (12-hrs) na lamang (6:00pm to 6:00am) dahil sa hindi naka pagsagawa ng operasyon ang solar kundi ang diesel genset lamang.
Sa kasalukuyan ay naibalik na din ang 24-hrs na serbisyo ng kuryente sa isla ngunit inu obserbahan pa ang operasyon nito ng Korean Energy Administration (KIA) sapagkat hindi biro ang halaga ng piyesang pinalit nila dito.
ANG TAGAPAMAHALA