August 01, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ginawan agad ng aksiyon ng ROMELCO bilang pagsunod sa napagkasunduang diyalogo na huwag ng maging kabilang ang mga lupang galing sa site ng proyekto na maging sanhi ng paglabo ng tubig. Ginawan ng dibersiyon na daanan ang tubig mula dito at tinakpan ang parte ng mga lupa ng mga plastic bags na makakapigil sa pagsama ng lupa sa agos ng tubig tuwing tag ulan.
Matapos ang ginawang inspeksiyon ng pinagsamang pwersa ng Lokal na Pamahalaan ng Romblon, Romblon Water District, RuRal Health Unit ng Romblon, Municipal Engineering at ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) hinggil sa paglabo ng tubig na gawa umano ng lupang galing sa taas ng site ng Wind Turbine tuwing malakas ang ulan, ay ginawan agad ng aksiyon ng ROMELCO bilang pagsunod sa napagkasunduang diyalogo na huwag ng maging kabilang ang mga lupang galing sa site ng proyekto na maging sanhi ng paglabo ng tubig. Ginawan ng dibersiyon na daanan ang tubig mula dito at tinakpan ang parte ng mga lupa ng mga plastic bags na makakapigil sa pagsama ng lupa sa agos ng tubig tuwing tag ulan. Preparasyon na din ng ROMELCO na taniman ang lugar ng mga halaman at gawan ng makabagong disenyo ng “landscaping” ang site upang mas mapaganda pa ang palagid nito.
Sa huling dayalogo na isinagawa ng mga ahensiya ng munisipyo ng Romblon kabilang ang ROMELCO noong July 13, 2018 sa mismong opisina ni Mayor Mariano Mateo ng Romblon ay inatasan din ng Romblon Rural Health Unit sa katauhan ni Mr. Noe Magdato ang mga namumuno sa patubig ng munisipyo na maglagay ng maayos at makabagong “filtering system” upang maiwasan at makontrol na ang mga paglabo ng tubig sa hinaharap lalo na kung tag ulan. Ang kasalukuyang sistema umano na ginagamit ng mga ito ay matagal na panahon ng hindi nababago kaya’t sanay na ang mga tao ng munisipyo ng Romblon na pag umulan ay malabo ang tubig na lumalabas sa kanilang mga gripo.
Sa muli para sa serbisyong may puso para sa publiko ang ROMELCO ay handang harapin ang mga responsibilidad na nakaatang sa kanya at mas lalo pang itataas ang kalidad ng pagserbisyo sa lahat ng mga kasapi kamay-ari nito para sa kaayusan at kapakanan ng nakararami. Wala rin pong intensiyon na sirain ang mga pangalan ng tao o anumang institusyon.
Maraming salamat po.
ANG TAGAPAMAHALA