December 02, 2019
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: GM’S WAY ON MONDAY MORNING
GM’s Way on Monday Morning
Maagang pinulong ni General Manager Engr. Rene M. Fajilagutan ang buong staff nito para sa paghahanda sa darating na Bagyong Tisoy partikular ang engineering department nito para sa maaaring maging epekto ng bagyo.
Buong pwersang naka bantay ang mga kawani ng koop sa buong coverage area nito para umantabay sa mga emergency calls ng ating mga Member Consumers.
Para sa mabilisang pag responde sa inyong mga problema sa kuryente. Narito po ang mga contact numbers ng mga area office ng Romelco sa inyong lugar.
ROMBLON – 09107833956
SAN FERNANDO –
Globe: +63 916 223 8128
Smart: +63 928 162 1418
CAJIDIOCAN –
Globe: 09064031954
Smart: 09496509336
MAGDIWANG –
Smart: 09120380459
Globe: 09973596171
CORCUERA – 09393580700
BANTON – 09071707365
Ang bagyong Tisoy ay maaring dumaan anumang oras sa ating probinsiya ngayong araw at bukas kaya ang lahat ay pinapayuhang mag ingat at manatili sa inyong mga tahanan.
Asahan po ang pagkakaroon ng mga power interruptions sakaling lumakas ang hangin at ulan kaya ang lahat ay pinapaalalahanang maghanda ng mga chargeable lamps, de bateryang flashlights, gayundin ng mga pagkain, medical kit at tubig na inumin.
Sakaling magkaroon tayo ng malawakang brownout sa ating mga lugar dahil sa epekto ng bagyo asahan po na ang restoration o pagsasaayos nito gaya ng mga sirang metro at poste ay pagkatapos na ng bagyo upang maiwasan ang aksidente. Manatili po tayong makinig sa mga balita sakaling may mga paglilikas na gagawin ang ating mga lokal na opisyal sa inyong mga lugar.
Mag ingat po tayong lahat at patnubayan tayo ng Poong Maykapal.
Maraming Salamat po.