October 28, 2020
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: INFORMATIONAL MEETING
Malawakang Informational Meeting ang isinagawa ng ROMELCO sa isla ng Sibuyan noong October 12-16, 2020 kung saan binigyang diin sa pagtitipon ang kahalagahan ng Member Consumer Owners Empowerment Program (MCOEP) o malawak na kaalaman ng mga Member Consumers hingil sa mga programa ng koop ng kuryente.
Kabilang din sa mga naging paksa sa meeting ay ang pagtatalaga ng mga “Collecting Agent” sa bawat barangay upang mapadali ang pagbabayad ng bill ng kuryente at ang “Republic Act 11361 o Anti-Obstruction of Lines Act” bilang paghahanda sa ating mga Member Consumers Owners (MCO) sa malawakang paglilinis ng mga obstruksiyon sa linya ng kuryente.
Binanggit naman ng masipag na Board of Director ng District 6 na si BOD Orley Palomata sa meeting ang iba pang programa ng koop gaya ng mga naka planong Renewable Energy (RE) Projects ng koop upang mapanatiling maayos ang serbisyo ng kuryente sa buong coverage area nito para sa kapakanan ng lahat ng MCO o Member Consumers Owners ng ROMELCO.