September 07, 2020
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: 24-HOUR ENERGIZATION CEREMONY
ENERGIZATION sa CONCEPCION!!
Naghatid ng malaking kasiyahan ang isinagawang Switch On Ceremony sa Munisipyo ng Concepcion ng Biernes September 4, 2020 sa buong probinsiya ng Romblon sapagkat ito na lamang ang natitirang munisipyo sa lalawigan na hindi pa bente kwatro oras ang serbisyo ng kuryente.
Dahil na rin sa pagpupursige at dedikasyon ng mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa pangunguna at liderato ni GM Rene M. Fajilagutan ay natuldukan ang matagal ng paghihirap ng mga residente ng Concepcion lalong lalo sa kakulangan ng serbisyo ng kuryente sa lugar kaya agarang ipinatupad ang pagbibigay ng 24-Hours na serbisyo sa buong isla gayundin ang Energization Ceremony matapos mag “take over” ang ROMELCO sa distribyusyon ng kuryente sa munisipyo noong July 25, 2020.
Naging panauhing pandangal sa pagtitipon ang masipag na Congresman ng distrito lalawigan ng Romblon Rep. Eleandro Jesus “Budoy” Madrona kasama ang mga butihing Mayor ng Romblon Gerard Montojo at Jovencio Mayor, Jr ng Ferrol. Mainit din at buong saya ang naging pag tanggap ni Mayor Medrito Fabreag Jr kasama ang buong konseho at lahat ng mga Punong Barangay nito sa mga bisitang dumalo sa pagtitipon.
Pinangunahan naman ng mabait na Bishop Narciso V. Abellana MSC, DD ang pagbibigay basbas at panalangin sa okasyon para sa ikakatagumpay ng programang 24-Hour na serbisyo ng kuryente sa buong Concepcion lalong lalo na sa mga Member Consumers Owners (MCO) nito.