July 17, 2020
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: ROMELCO IN CONCEPCION
Sa bisa ng Sangguniang Bayan Resolution No 2020-21 ng Munisipyo ng Concepcion na binuo ng council sa kanilang session noong June 2, 2020 ay sinimulan ng ROMELCO ang pag take over sa munisipyo ng Concepcion (Sibale) para sa distribyusyon ng kuryente sa nasabing lugar.
Nagsagawa ng malawakang Information Dissemination at Pre- Membership Meeting ang mga kawani ng ROMELCO sa siyam (9) na Barangay ng Concepcion upang ipaalam sa lahat ng mga residente ang mga palisiya at regulasyon ng koop sa pagsisimula ng operasyon nito sa lugar. Parte ng nasabing gawain ang pamimigay ng membership application at pagbabayad ng membership sa koop kung saan maayos naman at mainit ang naging pag tanggap ng mga residente ng Concepcion sa buong Romelco team noong July 14-15, 2020.
Ang munisiyo ng Concepcion ay ika pito sa mga munisipyong magiging coverage area ng ROMELCO sa buong probinsiya ng Romblon at kasalukuyang may 16 hours lamang na serbisyo ng kuryente. Kaya mabilis na isinasagawa ng pamunuan ng ROMELCO ang lahat ng kapamaraanan upang maging bente-kuwatrong oras (24hrs)na ang serbisyo ng kuryente sa munisipyo bago matapos ang taong 2020.