January 31, 2019
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Singlakas ng apat na barakong kalabaw ang HONDA EV na pinagkakaguluhan ngayon sa Munisipyo ng Romblon.
📢HONDA EV HATAK BARAKO📢
MALAKAS ANG HATAK SA TAO👍👍
Singlakas ng apat na barakong kalabaw ang HONDA EV na pinagkakaguluhan ngayon sa Munisipyo ng Romblon. May mga ilang EV users na ang hindi pa makuntento at inakyat pa ito mismo sa site ng mg Wind Turbine kung saan hindi naman sila binigo bagkus ay mas pinakitaan pa sila ng mas magandang performance gaya ng malakas na shock nito, matibay na Michelin na gulong at ABS feaute ng unit o Anti-Locking Brake System na komokuntrol sa pressure ng brake fluid para sa biglaang preno.
Sa mga nagnanais pa magkaroon ng unit ang ROMELCO po ay muling maglalabas sa Lunes February 4, 2019 sa Power Plant sa Brgy. Cajimos, Romblon dahil ubos po ang lahat ng unit kahapon January 30, 2019 sa dami ng nagnanais magkaroon ng EV. Kumuha lamang ng application form sa opisina ng ROMELCO sa Brgy. Capaclan Romblon at magdala lamang ng photocopy ng inyong mga updated Cedula at Driver’s License.
Ang pamunuan ng ROMELCO (Romblon Electric Cooperative Inc) ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta sa proyektong Honda EV. Sa muli ang proyektong ito ay inilunsad para sa mga nagnanais makatipid sa pamasahe at malaking gastusin sa gasolina at hindi po para sa mga nagnanais na maging kanila ang EV dahil ito po ay For Hire lamang, ngunit kung nais niyo pa ring maranasan ang solidong gawa ng mga Hapon at matikman ang pinong pinong teknolihiya nila abah eh Tara Na! HIRE NA!!!
ANG TAGAPAMAHALA