HONDA EV sa ROMBLON Pumapalo!

January 27, 2019

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Ang proyektong ito unang una na ay parte pa rin ng pagbibigay daan ng ROMELCO sa mga “Renewable Projects” na mahigpit na isinusulong ng masipag na General Manager ng ROMELCO Engr Rene Fajilagutan sa nasasakupan ng koop. 

 

50875397_2226081851043389_2658548193167409152_n

 

📢 HONDA EV sa ROMBLON Pumapalo! 📢

 

Unang una ang pamunuan ng ROMELCO (Romblon Electric Cooperative Inc) sa pangunguna ni GM Rene Fajilagutan ay nais pasalamatan ang unang limampung owner (50 owner) para first batch na kumuha ng Honda Electric Vehicle kahapon January 26, 2019. Para po sa mga nagpa reserve ng unit sa lunes po January 28, 2019 muling magbubukas ang tanggapan ng ROMELCO para sa second batch na kukuha.

 

Kami po ay lubos lubos ang kaligayahan sa feedback na aming natanggap patungkol sa proyektong ito dahil halos ang mga tao mula pa sa ibat ibang parte ng bansang Pilipinas ay nakikipag ugnayan sa amin via ROMELCO FB Page upang magkaroon lamang ng Honda Electric Vehicle o PCX. Sila po ay nagnanais din na makaranas masakyan ang prestihiyosong sasakyan dahil na rin sa ito ay unang una na “environment friendly” solidong “Japan made” at malaking tulong para sa mga nagtitipid sa gastusin lalo na sa gasolina.

 

Ang proyektong ito unang una na ay parte pa rin ng pagbibigay daan ng ROMELCO sa mga “Renewable Projects” na mahigpit na isinusulong ng masipag na General Manager ng ROMELCO Engr Rene Fajilagutan sa nasasakupan ng koop. Ang gobyerno ng Japan na tumulong upang maisakatuparan ang “Wind Turbine” at “Honda Electric Vehicle” ay epekto lamang ng pagpupursige ng ROMELCO sa pangunguna ni GM Rene na tayo ay mabigyan ng maayos, malinis at murang serbisyo ng kuryente na ating maipagmamalaki at dapat na ingatan sa darating na panahon.

 

Ang Honda EV bago po ito inilabas sa Munisipyo ng Romblon ay masusing pinag aralan sa matagal na panahon ang bawat detalye ng pagtitipid ng mga biyahero ng munisipyo partikular ang mga nag mamay ari ng motor na de gasolina na nakatira at bumabyahe sa malalayong lugar sa munisipyo. Ang proyektong ito na dapat ipagmalaki ng mga taga Romblon Romblon sapagkat ito ay kauna unahang inilabas dito lamang sa munisipyo at hindi mo makikita sa ibang parte ng bansang Pilipinas ay walang intensiyong masama bagkos ay matulungan pa ang ating lugar na panatilihing malinis at makapag impok tayo ng naaayon sa tama.

 

Ito po ay pinarerentahan lamang sapagkat ito po ay “Pilot Project” o paunang proyekto na sa kalaunan ay papalawakin pa dahil na din sa mabilis na ikot ng teknolohiyang napapaloob dito.

 

Ang dalawang libong renta ang sasagot sa mga gumagastos ng mas malaki sa pang araw araw na pamamasahe at pagbili ng gasolina para sa paghahanap-buhay, pag-aaral o anu pa mang gawain na kailangang sumakay ka para makarating sa iyong patutunguhan, hindi po ito sagot para sa mga nagnanais magkaroon ng sariling unit ng EV o sasakyan dahil hindi po ito ibinebenta. Gayunpaman huwag pong alisin ang posibilidad na sakaling maganda ang maging resulta ng proyektong ito ang mga kumuha ng unit ay mas pagpapalain.😉

 

Ang EV ay solidong gawa mula sa Japan, pinag aralan at binuhusan ng pawis ng matatalino at matibay na teknolohiya ng mga Hapon. Sa dalawang libong renta ay libre na ang maintenance fee pati na rin ang pagpapalit ng mga consumables gaya ng gulong break pad, break shaw, tire hose etc. Numero unong isinusulong ng proyektong ito ay hindi para kumita o abusuhin ang laman ng inyong bulsa bagkos magkaroon ng malinis na kapaligiran, maayos na sasakyan na magagamit sa paghahanap-buhay at makapag impok ng salapi para sa hinaharap lalong lalo na sa mga may malaking gastusin sa pamamasahe at gasolina. Sa huli, hindi po ito para sa mga nagnanais maging kanila ang sasakyan sapagkat ito ay pinaparentahan lamang at hindi rin po sapilitan. Ngunit kung nais niyong maranasan ang purong teknolohiya ng de kuryenteng sasakyan ng Hapon kahit nasa bayan kalang, abah eh Tara na Hire Ka na!!
Abang kahipos ng Hagong Po Pramis!!😉 Swabe!!👍👍👍

 

50708411_2226081904376717_7966108583874002944_n 51097689_2226081947710046_5340246212815618048_n
 
 
 

ANG TAGAPAMAHALA