January 06, 2019
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Sa kauna-unahang pagkakataon, pinag isa ang quarterly meeting ng Multi-Sectoral Electrification Advisory Council (MSEAC) ng tatlong distrito (District 1, 2, & 3) ng ROMELCO (Romblon Electric Cooperative Inc) sa munisipyo ng Romblon noong Biernes January 4, 2019 sa mismong opisina ng koop sa Brgy. Capaclan Romblon, Romblon.
🔔 MSEAC MEETING IN ROMBLON 🔔
Sa kauna-unahang pagkakataon, pinag isa ang quarterly meeting ng Multi-Sectoral Electrification Advisory Council (MSEAC) ng tatlong distrito (District 1, 2, & 3) ng ROMELCO (Romblon Electric Cooperative Inc) sa munisipyo ng Romblon noong Biernes January 4, 2019 sa mismong opisina ng koop sa Brgy. Capaclan Romblon, Romblon.
Ang unang pagtitipon ng mga MSEAC members ay iniliaan para sa isang advokasiyang maprotektahan ang interes ng lahat mga member consumers at ang misyonaryong operasyon ng mga koop ng kuryente sa ilalim ng pamamahala ng NEA o National Electrification Administration laban sa mga pribadong kumpanya na pagmamay-ari ng mga mayayamang tao sa bansa na pinipilit kontrolin at ma monopolya ang operasyon ng distribyusyon ng kuryente sa buong bansa.
Ang mga miyembro ng MSEAC sa munisipyo ng Romblon ay nagpakita ng kanilang pakikiisa na labanan ang mga motibo at gawaing ito upang mapanatiling pantay pantay ang karapatan ng lahat ng Member Consumers sa nasasakupan ng ROMELCO.
ANG TAGAPAMAHALA