December 16, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Opisyal na inilunsad kahapon (December 15, 2018 Sabado) sa munisipyo ng Romblon ang kauna-unahang “Electric Vehicle” na derekta pang nagmula sa bansang Japan at tanging makikita lamang sa Romblon, Romblon.
📣 EV is FINALLY OUT! 📣
Opisyal na inilunsad kahapon (December 15, 2018 Sabado) sa munisipyo ng Romblon ang kauna-unahang “Electric Vehicle” na derekta pang nagmula sa bansang Japan at tanging makikita lamang sa Romblon, Romblon. Ang behikulo na mas kilala sa tawag na EV ay parte pa rin ng isinusulong na Renewable Projects ng ROMELCO para sa kanyang nasasakupan.
Pinangunahan naman ni GM Rene M. Fajilagutan ang kauna-unahang test drive sa buong munisipyo ngayong araw ng Linggo (December 16, 2018) kung saan inikot nila ang EV at tenesting ang bilis, kakayahan at ang bateryang gamit nito.
Ang naturang sasakyan ay nagkakahalaga ng kalahating milyon at bukas lamang para rentahan ng apat na taon sa halagang dalawang libo bawat buwan ng mga member consumers ng koop. Libre rin ang halos lahat ng maintenance nito at tanging sa Honda service center lamang na makikita sa Basyao Brgy 3 Romblon, Romblon maaari itong dalhin para sa maintenance at anumang problema.
Para sa ilan pang impormasyon at katanungan tumawag sa ROMELCO Office sa numerong 09107833956 para sa inyong reservation.
ANG TAGAPAMAHALA