INDIVIDUAL BALANCED SCORECARD

December 15, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA:  Ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ay nakipagtulungan sa National Electrification Administration (NEA) para sa Individual Balanced Scorecarding ng koop na sinimulan ng Disyembre 12-14, 2018 sa DC Munting Paraiso, Brgy Agnay Romblon Romblon.

 

48356940_2195479244103650_507294998400598016_o

 

🏆 INDIVIDUAL BALANCED SCORECARD🏆

 

Katatapos lang ng isinagawang seminar/workshop ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa pakikipagtulungan sa National Electrification Administration (NEA) para sa Individual Balanced Scorecarding ng koop na sinimulan ng Disyembre 12-14, 2018 sa DC Munting Paraiso, Brgy Agnay Romblon Romblon.

 

Ang seminar ay naglalayong mapaunlad pa ang kahusayan at responsibilidad ng lahat ng empleyado ng ROMELCO sa kanilang tungkulin sa koop para sa kaayusan ng serbisyo ng kuryente sa ating mga membro konsumedores. Ito din ang magiging basehan upang masigurong ang lahat ng kawani ay gumagawa ng kani kanyang trabahong iniatang sa kanya sa loob ng ROMELCO. Ang implementasyon ng Individual Scorecarding ay mahigpit na ipinatutupad ng Punong Tagapamahala GM Rene M. Fajilagutan upang masigurong handa, mahusay at maaasahan ang mga kawani bilang sagot sa mga darating na hamon ng panahon sa pagbibigay ng maayos na serbisyo ng kuryente sa hinaharap.

 

Tagumpay na natapos ang workshop kung saan naging tagapagsalita ng koop si Ms Imelda America ng National Electrification Administration.

 

48187935_2195479417436966_7990281892471504896_n 48220582_2195479360770305_6227770164805369856_n 48386649_2195479780770263_7258235013567610880_n 48226608_2195479710770270_5114953308166946816_n 48365034_2195479570770284_2388556949688942592_n 48357071_2195479677436940_8218574969215385600_n 48087008_2195479640770277_7894821305105514496_n 48379795_2195479610770280_3370867277963460608_n 48181034_2195479487436959_3387200132352049152_n
 
 
 

ANG TAGAPAMAHALA