November 19, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Naitayo na ngayong araw November 19, 2018 ang unang wind turbine na isa lamang sa dalawa pang naka abang para sa isinusulong na proyekto ng Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) na Renewable Energy (RE) sa kanyang nasasakupan.
📣 PROJECT WINDMILL UPDATE📣
Naitayo na ngayong araw November 19, 2018 ang unang wind turbine na isa lamang sa dalawa pang naka abang para sa isinusulong na proyekto ng Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) na Renewable Energy (RE) sa kanyang nasasakupan. Ang bawat turbinang itatayo ay may 300 kilowatt na kapasidad kung kayat ang tatlong turbina ay may kabuuang 900 kilowatt. Ang proyektong ito ay itinayo sa mga lugar ng Brgy. Bagacay, Lonos at Agnay Romblon, Romblon.
Asahang sa susunod na mga araw ay maitatayo na din ang dalawa pang windmill sa mga nasabing lugar dahil na din sa puspusang pagkukumpuni nito. Naantala lamang ito ng mga nagdaang araw dahil na din sa malakas na ulan na nagdulot ng madulas at maputik na daan paakyat kung kayat nahirapang dalhin sa site ang mga mabibigat na equipment.
ANG TAGAPAMAHALA