November 03, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Dumating na ngayong araw November 3, 2018 (Sabado) ang mga equipment ng Wind Turbine upang masimulan ng maitayo ito sa mga Barangay ng Bagacay, Lonos at Agnay Romblon, Romblon.
PROJECT WINDMILL UPDATES
Dumating na ngayong araw November 3, 2018 (Sabado) ang mga equipment ng Wind Turbine upang masimulan ng maitayo ito sa mga Barangay ng Bagacay, Lonos at Agnay Romblon, Romblon. Pinangunahan ni Gm Rene Fajilagutan ang koordinasyon sa paghahakot upang masigurong maayos ang pagsasagawa nito.
Ang mga heavy equipment na ito ay dadalhin na rin sa site sa loob lamang ng tatlong araw at agarang isasagawa ang instulasyon. Ang bawat isang wind turbine ay may kapasidad na 300 kilowatt kung saan may kabuuang 900 kilowatt ang tatlong itatayo.
Ang mga proyektong Renewable Energy ay mahigpit na isinusulong ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa kanyang nasasakupan upang maging mura at malinis ang pinagmumulan ng ating kuryente.
ANG TAGAPAMAHALA