MGA KAWANI NG ROMELCO NAKAHANDA

September 26, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Mga kawani ng ROMELCO ay nakahanda upang tumulong.

 

41688332_2136028650048710_5286414647505715200_n

 

MGA KAWANI NG ROMELCO NAKAHANDA.

 

Hindi lamang bilang pagtupad sa sinumpaang tungkulin ng mga empleyado ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang pagbibigay ng serbisyo ng kuryente sa mga panahong may kalamidad kundi ito ay nakatatak na sa puso nila kaya sila ay buong pwersang naka alalay sa opisina ng koop gayundin ang lahat ng mga kawani sa mga area offices noong September 14, 2018 bilang paghanda sa dumaan na bagyong Ompong.

 

Walang ibang tao ang maaasahan ng ating mga Member Consumers na makakatulong sa kanila para magkaroon ng serbisyo ng kuryente kundi ang mga kawani lamang ng ROMELCO.

 

Amin din pong pinapayuhan ang aming mga kababayan na maghanda sa paparating ng bagyo. Maaaring mawalan ng kuryente ang ating lugar sa pagdaan ng bagyong Ompong at maibalik ito sa paghupa kaya’t mas nakabubuting may mga naka standby tayong flashlights at rechargeable lamp na maaasahan.

 

Mag ingat po tayong lahat at Ingatan tayo ng Poong Maykapal.

 

41737156_2136028600048715_6491770869503754240_n 41672006_2136028730048702_3692777078253420544_n 41708903_2136028683382040_8062510782690099200_n 41699777_2136028773382031_645904553799057408_n 41665328_2136028813382027_4859038794231316480_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA