September 9, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Kabilang ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa mga kooperatiba ng kuryente na pinangangasiwaan ng National Electrification Administration (NEA) na nakikiisa at sumusuporta sa programang National Line Clearing Day sa August 31, 2018.
ILAWAN NATIN ANG DAING NG KOOP 🔦🔦
Kasabay ng pagpatak ng unang luha ng kandilang sinindihan ng mga miyembro ng MSEAC (Multi Sectoral Advisory Council), kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) local government officials at ng mga minamahal na Miyembro Konsumedores ng ROMELCO sa Headquarters nito sa Brgy Capaclan Romblon, Romblon ngayong alas sais ng hapon ng Agosto 31, 2018 ay siya ring pagpatak ng ulan na wariy nakikisabay sa daing ng koop na mabigyan pa ng tsantsa ang 127 na sitios sa nasasakupan nito na mapailawan pa.
Pinangunahan ni Mr Peter L. Morante OIC bilang representante ng masipag na General Manager Engr. Rene Fajilagutan ang isinagawang Candle Lighting ng Romelco para makilahok sa ginawang pambansang programa ng 121 kooperatiba ng kuryente para sa selebrasyon ng ika-9 na National Electrification Awareness Month ngayong buwan ng Agosto 2018. Naging panauhing pandangal ang butihing Vice Mayor ng Munisipyo ng Romblon na si Honorable Mart Arthur Silverio kasama ang mga miyembro ng Multi Sectoral Electrification Advisory Council sa pangunguna naman ni Vice President Cris G. Mazo bilang kahalili ni MSEAC President Nelly Taupo.
Ang ginawang programa ay patunay ng pagkakaisa ng lahat ng koop ng kuryente sa buong Pilipinas na maiparating sa ating pamahalaan ang hinaing na mapailawan pa ang mga natitirang sitios at purok na wala pa ring serbisyo ng kuryente hanggang sa ngayon. Ang tunay at sinumpaang misyon ng mga mandirigma ng kooperatiba ng kuryente ay hindi natatapos sa ginawang candle lighting bagkus ay nagpakita pa ng agresibong pagpapahayag ng pagsuporta nila sa pamamagitan ng pagpirma sa pledge of commitment ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Romblon para isulong ang misyon ng Romelco na mapailawan ang127 sitios na wala pa ring serbisyo ng kuryente.
Ang mga area offices ng Romelco ay nakiisa din sa ginagawang programa sa kanilang paraan ng pagpapahayag ng simpatiya sa pamamagitan ng pagsindi ng mga kandila bilang suporta sa adhikain ng koop magmula Banton, Corcuera, San Fernando, Cajidiocan at Magdiwang Romblon.
Sa pagkakaisa ay may lakas, sa pagkakaisa ay may tibay, at sa pagkakaisa ay may mararating. Mabuhay tayong lahat!!!
#NEAat49
#NEAM2018
#UNITEDINSERVICE
@ National Association of General Managers
ANG TAGAPAMAHALA