PAUMANHIN AT PAALALA

August 09, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Ang pamunuan ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng Miyembro-Konsumedores dahil sa mga nakaraang “scheduled load shedding” o paghahati hati lamang ng natitirang kapasidad ng serbisyo ng kuryente simula August 3-7, 2018 sa munisipyo ng Romblon at munisipyo ng Corcuera.

 

38789112_2098467830471459_5339312796163112960_n

 

MAGTANONG SA TAMANG AHENSIYA.

 

Ang pamunuan ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng Miyembro-Konsumedores dahil sa mga nakaraang “scheduled load shedding” o paghahati hati lamang ng natitirang kapasidad ng serbisyo ng kuryente simula August 3-7, 2018 sa munisipyo ng Romblon at munisipyo ng Corcuera na halos humigit kumulang magdadalawang linggo ng nararanasan. Ang dahilan ng abnormal na serbisyo ng kuryente sa mga nabanggit na munisipyo ay ang hindi sinasadyang pagkasira ng mga makina sa planta ng National Power Corporation o NPC na nakatalaga sa mga lugar.

 

Ang agarang solusyon ay mabilis din pong ipinatutupad ng ROMELCO at Napocor upang maibalik ang maayos at normal na serbisyo ng kuryente sa ating lahat.

 

Amin namang pinapaalalahanan ang lahat na iwasang maniwala sa mga sabi-sabi at nababasa na hindi galing sa mga opisyal na pahayag ng koop dahil ang ROMELCO ay may mga lehitimong medyum ng tagapaglathala gaya ng sa Social Media ang ROMELCO FB Page nito (Romblon Electric Cooperative Inc), Newsletter (Quarrylights) kung saan makikita at mababasa ang mga anunsiyo hinggil sa brownouts at iba pang programa sa ating kooperatiba. Gayundin naman, meron ding bente kwatro oras (24-Hours) na Hotline para inyong matawagan upang mapagtanungan at masagot kayo ng tama at opisyal na impormasyon mula sa ROMELCO.

 

Ang mga numero sa baba ay maaari niyong kontakin base sa kung saang munisipyo kayo nakatira para sa mabilis na aksiyon sa inyong mga problema sa serbisyo ng kuryente.

 

ROMELCO HOTLINES 📲📞
Romblon – (0910)7833956
Corcuera – (0939)3580700
Banton – (0939)3580701
San Fernando – (0939)7265599
Cajidiocan – (0910)6283995
Magdiwang – (0912)0380459

 

38777291_2098467947138114_7471383430035406848_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA